Napamulat ako nang maramdaman may kumuha rito pero nadismaya na si Vice President iyon. Nakangisi habang binubuksan yung chocolate. Napatingin ako sa paligid na nagtatawanan, paepal ka huh. Isang malakas na sampal ang binigay ko rito. Buti na lang ay mahaba itong braso ko at naabot ko yung pisngi niya.

"Ghod ang lakas ng loob niyang saktan yung Baby ko" g¹

"OMG wala siyang karapatan saktan si Vice Press." g²

Napangiti ako ng malaki at tinalikuran na siya yung iba ay nakanganga pa rin hanggang ngayon. Napansin ko si Tria na nanonood mula sa gate sa amin. Nilapitan ko ito at ngumiti ng abot sa tainga.

"Kita mo iyon."pag yayabang ng ko dito.

"Oo kita ko."tawa niya at pumasok na ng RTU.

"Hmp di naman sa kaniya binigay ehh, tara na nga"saad ko sabay hila sa kaniya.

"OMG andito na si Queen"

"Omg malaking gulo ito"

"Malalang pahiya yung nanhiya kay Vice-president"

Mga bulong iyon ngunit parang halatang pinarinig, napairap na lang ako at nagkungwari na nagbabasa at walang pakielam sa pananakot nila. Naramdaman ko ang pagtahimik ng lahat ngunit napaupo ako ng maayos sa malamig at medyo maamoy, yung libro ko.

Napaiyak na lang ako. Yumuko, yung libro ko. Di na ako magdadala ng libro rito. Nakarinig ako ng tawa, tawa ng parang demonyo.

"Hahaha sapat lang sa inyo masiyadong pabida kay Press, tatlong araw palang kayo pumapasok rito ay may nilalandi na hmp"maarting rinig ko.

Napamulat ako dahil sa naramdaman na paghawak sa panga ko at itiningala. Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagtaas ng kamay niya na wari ba'y sasampalin ako. Napapikit ako ng mariin para ihanda ang sarili ngunit naramdaman ko ang pagbitaw nito sa panga ko at ang mga ingay.

Muling napamulat dahil rito.

"How dare you to do that huh!"nanliliksi ang mga mata na baling kay Tria. Ang matalik kong kaibigan. Napansin ko ang pagtali ng buhok nito, bobo lalo siyang masasabunutan diyan.

"Gusto mo ata na makita ang kayang gawin ko sayo huh!"sumugod ito sa akin para sampalin kay Tria ngunit naunahan itong sampalin siya at napaawang ang bibig ng lahat rito pati siya. Miski ako ay nagulat.

Best friend ko iyan!

"How Ouch! She hurt me... o..."umiiyak pero walang luha saad nito bago humawak sa pisngi niya. Pansin kong lalong humiyaw ang lahat. Lalo silang nag-ingay para bang nasa zoo tapos kami ni Bestie yung mga animal keeper.

Napansin ko yung isang babae na lalapit sa likod niTria ay kaagad kong hinawakan sa buhok at hinila pababa iyon. "Awww"ungol nito.

"Ouch, but i don't care."irap ko rito at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok nito.

"STOP THAT F*CK*NG FIGHT!!!"dali akong napabaling roon dahil pamilyar na boses, dahan-dahan na lang akong napabitaw sa buhok nitong babae. Napansin ko yung Vice President na lumapit sa puwesto namin at tinulungan yung babaeng sinabunutan ko.

"Ano nanyari rito?"tanong ni Press at nalaman kong malamig siyang nakatingin sa akin...

—————✧✧✧—————

At pagkatapos kong isulat ito ay kaagad na ipina-published.

"Taray ang ganda naman noon."napalingon ako rito. Si Bea.

Na kanina pa pala nakikibasa sa niri-review kong sinulat. Napansin ko ang mga dumadating na notification mula sa wattpad.

Kaagad kong pinatay ang cellphone ko at ngumit lang rito.

Bully That NerdNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ