Chapter 50

4 2 0
                                    




Nakatulala lang ako habang inaayusan ng stylist. Napatingin ako sa bulaklak na nasa gilid ko. It's a bouquet of white flowers mixed with red. May mga pulang rosas at puting tulips.. It's from him.

I sighed sharply when I saw him. Nakasuot ng tuxedo para sa panibago at huli naming shoot. Kung kahapon ay ang tools at engines, ngayon naman ay ang bagong release na kotse ng kanyang international business partner.

Suot ko na ang itim na night gown. Simple lang 'yon at kapit na kapit sa aking katawan. Kita ang aking likod at mayroong dalawang mahabang slit sa aking hita. It's stunning.. Kinabahan ako sa heels na susuotin ko, medjo mataas 'yon..


Ikinukulot na lang ang aking buhok dahil ayos naman na ang aking make up. Napalunok ako noong nakita sa salamin na papalapit na sa akin si Stan.

Iniwasan ko siya kahapon at nagpasundo sa dalawa kahit na may kotse akong dala. Hindi ko na sinabi sa dalawa kung ano ang nangyari, I just told them na nagkaroon ng changes at pagod ako kaya nagpasundo.

Hindi ko pinansin ang presensya niya sa aking likod. Kausap niya ang stylist, he can easily talk to them dahil ganoon naman na talaga ang ugali niya. Mabilis makahalubilo..


Pinapanood niya akong ayusan ng buhok habang abala sa pakikipag usap sa stylist.

“Nako.. Madali lang naman ayusan si Miss Brine..” sabi nito matapos tanungin ni Stan kung nahihirapan ba siya sa pag aayos. I want to roll my eyes at him, pero alam kong makikita 'yon ni Harvey, ang bading na professional make up and hair stylist.

“Really?” taas kilay na tanong ni Stan.

“Yes, Mr. Alonzo.. Her face is actually perfectly symmetrical.. Her hair is soft and smooth.. Walang problema dahil natural ang ganda..” Harvey said, napangiti at napailing ako sa kanyang sinabi.

“Kaya andaming naghinala na nagparetoke si Miss Brine.. Ganito ba naman kaganda ang mukha.. Talagang mapapatanong ka talaga..” he laughed. My smile faded away. Nakita 'yon ni Stan, his jaw clenched kahit na may ngisi sa labi.

“She never have to do that.. I knew her when she's younger,” si Stan.

“Really? Noong mataba pa siya?” Harvey asked with amused tones. I didn't like how it sounded.


“Yes. Is there something about her young appearance worth for your amusement?” Stan fired with his thin lips. Kinonkontrol ang pasensya. Napataas ang kilay ko dahil doon. Sudden change of judgement?

Nanahimik si Harvey sa dahil doon. Nagtama ang tingin namin ni Stan sa salamin. His eyes are gently looking at me. Waking some things inside my body that I've tried to bury deep.

Noong pinapwesto na kaming dalawa sa napakaganda at mamahaling kotse ay tinanggap ko ang kamay ni Stan dahil kailangan ko ng alalay sa paglalakad. I am wearing a high heels! Halos magkasing laki na nga kami ni Stan dahil dito.

He looked at my feet, mabilis na kumunot ang noo.

“Change her heels, 'yong mas mababa sana..” he immediately ordered. Nagulat ako roon at tumingin sa kanya. He crouched in front of me, I watched him remove the locks of my heels, hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan akong umapak sa lapag.


My heart beats so loud. Lalo na noong dumating ang humahangos na empleyado dala ang mas mababang heels. Tinanggap niya 'yon at muling lumuhod sa harap ko para isuot ang heels.

“Stan..” tawag ko sa kanya. He looked up at me. Seryoso ang mga mata.

“I-I can do it!” I stuttered! Fuck it!

BeauteousWhere stories live. Discover now