Chapter 42

2 2 0
                                    




Balisa ako habang tinitignan ang mga articles sa iPad ni Mrs. De Dios. Hindi ko na alam ang irereact ko dahil sa totoo lang ay hindi ko na rin alam kung ano ba ang dapat gawin.

‘Just In: Brine Johnson's old pictures resurfaced. Does she have plastic surgery?’

I cannot fully read it because of the tears blocking my sight. Kalat na kalat na ang iba't ibang larawan ko sa internet, ginagawa nang katatawanan ng iba.. Punong puno na nang panghuhusga.


Gusto ko na lang umuwi at taguan lahat ng problema pero alam kong hindi ko 'yun magagawa. Hindi ko maintindihan ang isinasuggest ni Mrs. De Dios kung paano lulusutan ang issues na 'yon. Tulala na lang ata ako maghapon dahil wala na akong maintindihan sa dami ng iniisip ko.

“Don't worry about it..” mahinang sabi ni Stellar sa akin at ngumiti. Hawak niya ang kamay ko habang nakaupo kami sa sofa ng opisina ni Mrs. De Dios.

“It's from your own mother,” si Chimmy.

Hindi na ako nagulat.. Pagod akong sumandal at inayos ang heels dahil may rehearsals kami. I tried to smile at Chimmy who's watching me. Si Stellar naman ay lumabas para sa pagkain.

I walked carefully and confidently despite the breakdowns inside my mind and the pain in my heart. I still want to do this perfectly.. The controversies won't stop me for this..

“Sa tingin mo nagpaplastic surgery siya?” rinig kong tanong ni Sharon kay Lena.

Umupo ako nang maayos at tinanggal ang suot na heels.

“Halata naman, saan napunta ang body fats niya di ba?” sagot ni Sharon.

“Sabagay, mayaman naman na siya noon pa.. Kaya niya ipagawa buong katawan niya..”

“Akala ko natural beauty.. Plastikada pala..”

“Mukhang barbie di ba.. Eh gawa plastic si Barbie..”

I tried to ignore their nonsense gossips. Tinapos ko ang pagtatanggal ng heels ko at nakapaang tumayo sa platform.

“Bakit kaya 'yan nakapasok dito? Ginawa pang ace ni Madam.. Eh hindi ba mapili 'yon.. Gusto natural beauty and body..”

“Sa mukha niya noon, napakalayo sa ngayon! Grabe, parang hot air balloon ang braso.. Hindi naman buntis pero parang pang-nine months ang tyan,”


Hindi ko napigilan ang sarili ko at ibinato sa kanilang dalawa ang heels na hawak ko. The girls screamed so loud, gulat dahil sa pagbato ko. Ni hindi nga tumama sa paa nila! Makasigaw! Agad akong binuhat ni Chimmy pababa ng platform. Maski ang ibang model ay mukhang nagulat sa inakto ko. I feel so mad and eager to slap these girls for all the things they've said. They doesn't even know me!

“You're a fucking body shamers! You're disgusting!” sigaw ko sa kanilang dalawa.

“I was a kid that time! I don't even know plastic surgery, you dipshits! Say it in front of my face! Stop murmuring behind my back, you fucking two-faced bitches!” sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay ni Chimmy na nakahawak sa akin.

“Hindi ba uso sa utak niyo ang pagbabago? For sure, you aren't born like that! You're changing, your body changes everytime! Accept that and stop body shaming my old photos! Stop being so bobo!” sigaw ko uli at tuluyang nahatak ni Chimmy palabas.

Para akong galit na toro dahil sa aking paghinga. Himila niya ako papunta sa isang gilid at pinanood pakalmahin ang sarili. I closed my eyes and tried to calm myself. I inhaled and exhaled multiple times.

BeauteousWhere stories live. Discover now