Chapter 33

1 2 0
                                    


Galit. Ayon ang ekspresyon niya noong iniwanan ko siya sa parking. Nakahinga ako nang maluwag, noong nadaanan ang isang server, kumuha ako kaagad at hindi na nag isip na lagukin agad.

It's the first time meeting him again, after years. I thought I was hundred percent sure that I am over with him, but let's be honest, seeing him again makes me so mad to my self. Pakiramdam ko ay bumabalik ang katangahang taglay ko para sa lalaking 'yon. And even if I want to fucking say that I am through, hindi ko kayang pagsinungalingan ang sarili ko.

Bumalik ako sa taas, wala na ang dalawa. Kaya nagpanic ang ako at agad na sinuyod ang bawat sulok. Nakahinga ako nang maluwang noong makita na nasa lamesa na nila Gael ang dalawa.

Paakyat ako rito noong makatanggap ng text kay Ate Shane, malapit lang siya rito kaya mabuting ilabas ko na si Stellar.


“Ate Shane's on her way, let's go, Stell..” sabi ko at dinampot ang kanyang purse. Tumayo si Chimmy at inakay si Stellar na mukhang nabawasan ang pagkalasing. She looks so flushed.

“Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon,” she murmured while slowly standing up from her rest.

Bumubungisngis lang si Chimmy habang inaalalayan si Stellar. Tumulong na rin si Lucy sa pag akay kay Stellar, Gael just paved the way for us. Tinutulak ang mga malilikot na nagsasayawan, halos hawiin ang mga lasing.

“Gael,” saway ni Lucy sa asawa na walang patawad sa paghawi nang napakalakas.. Kahit babae ay hinahawi para lang makalakad kami nang payapa.

Noong nakalabas kami ay halos makahinga kami nang maluwang. Kaya pa naman tumayo ni Stellar but Chimmy supported her. We are all wearing high heels and mini dresses. It's a club party, alangan namang mag gown kami..

Lumapit ako sa dalawa at hinila pababa ang laylayan ng dress ni Stellar. Nakahilig siya kay Chimmy na nakayapos naman sa bewang ni Stellar.

Nagpaalam na sa amin ang mag asawa, mauuna na silang babalik sa taas. Nagpasalamat naman kami ni Chimmy sa kanila.

The three of us stood there and waited. Inalalayan ko na rin si Stellar na humahalakhak habang kausap si Chimmy.

“Ninang invited them.. As you can see, there's so much people inside.. Businessmen and celebrities..” si Chimmy.

“Pero hindi ba, Madame warned us about them before.. Tapos ngayon ay inimbita niya?” wala sa sariling tanong ni Stellar.

“Because we told her that we're over them, multiple times in different countries, Stell..” ako na ang sumagot sa kanya.

“Aren't we over them?” I added. Tumingin ako sa dalawa, si Chimmy ang ngumisi at bumuntong hininga lang si Stellar.

“Sabagay.. I am just surprised..” Stellar sighed.

I can sense their worries about the twins. Maraming nagbago kay Chim at Stell.. Kasama na roon ang pagkabuo ng takot sa kambal. Halos gawin ba naman silang kabit noon.. At si Chimmy, she's wrong for that but I understand that it was hard to escape Xaverian's grasp, lalo na dahil may naibigay si Chimmy sa kanya na hindi naman dapat..

And Stellar.. Xavier's her friend, she gave him all her trust. Kaya alam ko ang takot niya..

Noong dumating si Ate Shane, nagkatinginan kami ni Chimmy dahil kasama niya ang kanyang boss. It's Landon Hilario..

“Loka loka talaga..” tawa ni Ate Shane noong makita si Stellar na nakasandal kay Chimmy..

Ngumiti ako sa kanila. Ang lalaki ay binuksan ang pinto ng backseat. Inalalayan namin ang lasing na Stellar papasok. She still can walk pero paniguradong babalentong siya sa sahig, nakasuot pa naman siya ng high heels.. Alam kong kaya niya pa tumakbo ng naka heels pero iba naman ngayon.. Lasing si gaga..


BeauteousWhere stories live. Discover now