Chapter 41

2 2 0
                                    





Gulat ako sa presensya ni Mommy na biglaan din akong tinawagan para sabihin na nasa cafeteria siya ng Celestial. Para akong masusuka sa sobrang kaba at gulat. 

“What's wrong?” tanong sa akin ni Trina. Wala si Stellar at Chimmy sa rehearsals. Pero nagulat naman ako noong tanungin ni Trina.

“W-Wala.. Teka lang, I'm going to the cafeteria..” sabi ko at hindi na nag abalang tanggalin ang heels na suot.

I almost ran to the lobby, papunta sa elevator. Hindi ko alam kung bakit nandito si Mommy, I mean, I want to talk to her pero hindi ngayon! I have my runway show the next day, ayokong maapektuhan ang trabaho ko ng personal affairs!

Nakita ko kaagad siya, she's wearing her luxurious red dress, may mga gold jewelries pa at nakasuot ng malaking wayferer. Her expression is calm while sipping her coffee.

Hindi ko alam na nakauwi na siya! The last time we talked, galit siya! Kaya hindi ko alam ang gagawin ngayon, lalo na't nakatingin na siya sa akin.

“Mommy,” I tried to smile and kissed her but she signaled me to sit. Umupo na lang ako kaagad at tinignan ang mga tao sa cafeteria.

“I-I didn't know that you're already here.. Kailan po kayo nakauwi?” tanong ko. Her expression remained calm, that's why I am bothered..


“Noong isang araw, I was embarassed for being unable to fly first class because you never gave me money!” nagulat ako sa biglang pagalit niyang boses.

“I-I already gave you enough, Mommy..” mahinang sabi ko.

“Sixty thousand? It isn't enough, Brine! Do you know how embarassing that was to my amigas? Kahit kay Julius! How could you put your own mother in that embarassing moment?”

Parang punyal ang boses ni Mommy, tama lang ang lakas non ngunit mabigat sa dibdib ko ang kanyang galit na boses. I swallowed hard.

“I-I don't mean that to happen, Mommy.. It's just that Mrs. De Dios told me not to withdraw a lot. Sixty thou---”

“Bakit mas papakinggan mo ang manager mo kaysa sa sarili mong ina? And that's your money! Bakit siya nangingialam?” tumaas ang boses ni Mommy kaya may iilang tumingin sa amin.

“I think it's better for us talk in private, Mommy..” mahinang sabi ko, tila nakikiusap sa kanya.


“Bakit? Are you ashamed of your own mother? What is this behaviour, Sabrinea?” mas lalo siyang nagalit.

“That's not like that, Mommy! I have more things to talk about with you! This is not just about the money you're asking for me----”

“What is it? What did you do? Your co-model, the Chimmy you're talking about, she's a mistress right? Baka naman kumakabit ka na rin, Sabrinea!?”

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. My lips parted because of her words.

“My friend is not a mistress, Mommy! Be careful of your words!” hindi ko napigilan ang pagtataas ng boses ko.

“Your friend? Hindi ba't kahati mo 'yon sa kasikatan! Why are you friends with your own competition? Hindi mo ba naalala ang mga sinabi ko sayo noon?” mas lalo akong nagalit sa kanyang sinasabi.

She's being irrational! I don't understand her!


“That's already years ago, Mommy! We are not rivals, we are friends! There's no competi----”


BeauteousWhere stories live. Discover now