Chapter 48

2 2 0
                                    



Kahit na ayoko na makaramdam ng kahit anong stress ay hindi ko mapigilan. Paano ba naman kasi, some paparazzi caught me stress eating and crying on my car. I look so horrible on my pictures! Damn it! Hindi naman na 'yon naibalita pero kalat na kalat sa social media ang picture ko na umiiyak.

“'Wag ka na bumalik sa building ng gagong 'yon ah!” galit na usal ni Chimmy.

Kahit ayoko na rin magpakita kay Stan, alam kong hindi 'yon pwede dahil nakapirma na ako ng kontrata at naisend na rin sa akin ang schedule ng photoshoots. Tatlong araw lang 'yon at magkakasunod tulad ng request ni Mrs. De Dios kay Stan dahil may aasikasuhin pa kaming photoshoots.

Ready na rin ang back up at cover ups ko kapag tuluyang nagpahinga pansamantala. I will release a statement regarding my health condition and how issues are affecting me. Isasama na rin doon ang isyu ko sa aking sariling ina. Ayon naman ang sinabi ko kay Mrs. De Dios, ayokong sabihin sa kanya ang pagiging buntis ko. Lalo na't inaanak niya si Stan.. Kahit na alaga niya ako ay paniguradong baka mabanggit niya 'yon lalo na't mukhang close sila ng pamilya nito.

Tanging pamilya ko lang at sina Chimmy ang may alam non. It's better that way.. Alam kong hindi naman na ako ilalaglag ng sarili kong pamilya.. Nagalit nga sila kay Mommy noong nalaman nila na siya ang nagbenta ng mga larawan ko sa median. They promised me that they will keep it and will do everything to protect me.

I remembered the kid last time.. Sure as hell that it is his son. Tila asido sa aking bituka habang iniisip na ang batang 'yon ay nararamdaman ang pagkakaroon ng sariling ama. I've never had any problems with my father because I stopped seeing him, as per my mother's order. Mukhang ganoon din ang mangyayari sa akin ng anak ko..

I sighed with my own thoughts. I should be more optimistic since I have my family supporting me now. It's not a big deal if I will raise this kid alone, without any presence of its father. Kung ang ama naman niya ay walang ginawa kundi manakit at manloko.. bakit ko pa ipapakilala sa kanya ang anak ko?


I don't care if this is his flesh and blood, I don't care if he can support my child when the time comes. I don't care about it all, I want a peaceful life for me and my baby. And I will never be at peace when he's there.

Nakatitig sa akin ang dalawa, parehas ayaw akong paalisin. Nakabihis na ako, hindi tulad noong nakaraan na masyadong pormal, mas casual ang suot ko ngayon. Tamang sweater lang at sweatpants. Hindi na ako nag abalang mag ayos pa ng aking mukha dahil paniguradong bubuharin din 'yon kapag lalagyan na ng panibago. Hindi na rin ako nag abala pang magsuot ng magarang damit dahil papalitan din naman. Ang tanging dala ko lang ay ang handbag ko at ang sarili ko.

“We will drive you there,” pagpupumilit ni Stellar. Ngumisi ako sa dalawa at umiling.

“I can handle, Stell.. Don't worry about me,” sinubukan kong ipakita sa kanila na ayos lang ako. Well, they are acting so protective dahil sa nangyari nakaraan.

“Stress is bad for you and for the baby. That guy stresses the shit of you, Brine.” si Chimmy.

Natawa ako sa dalawa at inayos na ang aking handbag. Napairap naman kaagad si Chimmy doon.

“We will be fine.. Trust me this time..” I assured them.

Nagpaalam na ako sa kanila, hinatid nila ako sa parking, pinipilit na huwag na tumuloy. I am staying at Shantel's apartment, mabuti nga at walang nakapansin doon kaya walang media.

Kumaway ako sa dalawa at inayos ang aking seatbelt. Kahit na iritado sa akin ay kumaway pa rin at ibinilin ang paulit ulit nilang sinasabi. Call them when something happens. They'll come there kicking the doors.


BeauteousWhere stories live. Discover now