#37: Hindi Pwede

Magsimula sa umpisa
                                    


Kung bakit ba naman kasi makikita niya yun eh!


***


In the end I decided to go into my room and to take a rest for a while. Nakaupo lang ako sa kama habang yakap-yakap ang tuhod ko. Pasulyap-sulyap ako sa orasan at iniisip kung ano na ang nangyayari kay Jared ngayon. Halos dalawang oras na rin yung lumipas mula nung hindi niya ako kausapin.


"Bakit ba kasi? Hayyy ewan!" asar na singhal ko sa sarili ko.


Nasapo ko na lang ang noo ko nung makaramdam ako na kumalam yung sikmura ko. Di pa nga pala ako nagdi-dinner, di naman kasi kumatok si Jared para ayain akong kumain man lang. Galit ba siya sa akin? I really hate cold treatments, para akong mapaparanoid sa kakaisip kung ano na ang nangyayari eh!


Bahala na nga!


Tumayo na ako sa kama at lumabas ng kwarto para kumain. Iginala ko yung tingin ko sa paligid pero hindi ko man lang nakita si Jared, tumingin ako sa kwarto niya at nalugmok na lang ang itsura ko habang naglalakad papuntang kusina.


"Sana kausapin naman niya ako..." mahinang bulong ko sa sarili ko.


Natigilan ako bigla nung mapansin kong may nakahain sa table na pagkain. Ready na siya actually kasi may plato na rin at kubyertos na pang-isang tao lang. Dahan-dahan akong lumapit doon at may nakita akong isang sticky note na nakalagay.


'Kumain ka na, baby. I'm sorry'


Bahagya akong napangiti nung makita ko iyon. Siguro ang babaw ko ngayon pero halos maramdaman ko na maiiyak na ako. Kinuha ko yung sticky note at umupo doon sa upuan. Kahit papaano, nabawasan ng note na 'to yung anxiety na nararamdaman ko.


***


Mabilis lang din akong kumain at naghugas ng mga ginamit ko. Babalik na sana ako sa kwarto ko nung mapatingin ulit ako sa kwarto ni Jared. I slowly walked to his room but when I reached the door I suddenly hesitate if I will go inside and talk to him. Ewan, medyo kinakabahan na naman ako ngayon. Hindi naman siya siguro nagwala right?


Kumatok ako pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Hindi kaya tulog na siya? Huminga ako ng malalim at marahang pinihit yung doorknob, hindi naman naka-lock yung pinto kaya dahan-dahan ko itong binuksan at bahagyang sinilip kung nasaan si Jared.


Nung mapansin kong wala siya sa kama ay doon na ako pumasok sa loob. Ginala ko yung tingin ko sa buong kwarto pero hindi ko siya nakita. Bahagya akong napakamot sa batok ko at napaisip kung nasaan siya nung bigla akong mapatingin doon sa balcony. Huminga ako ng malalim nung makita ko siya doon, nakatalikod siya sa akin at mukhang umiinom.


Dahan-dahan akong naglakad palapit doon sa kinaroroonan niya. I saw him looking somewhere while drinking alcohol. Muli na namang bumalik yung guilt na nararamdaman ko kanina. I stayed at the back of the glass door while looking at him. Bahagya akong napayuko nung makita ko yung malungkot na reaksyon niya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon