Chapter Twenty Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

 Nagpipigil lamang siyang bungadin ito ng tanong na, "Anyare sa 'yo?" Pero parang lalabas na nang-iinsulto siya sa tanong na 'yon.

 "Pasensya kung pinaghintay kita," paghingi nito ng paumanhin ng dumating ito.

Maliit na tinanguan niya ito. "It's okay."

 "Thank you." Tinawag nito ang waitress ang umorder ng kape para sa kanilang dalawa. Hindi niya ito pinigil kahit na umorder na siya ng kanya habang naghihintay sa pagsipot nito.

 "So, puwede ko na bang malaman kung anong dahilan kung bakit ka nakipagkita sa akin ngayon?" tanong niya pagkaalis ng waitress. Himalang wala siyang nararamdaman na pagkailang ngayon na kausap niya ang dating nobyo. Iyon ang normal na nararamdaman ng dating magkasintahan sa isa't isa kapag nagkita. Ngunit walang ni isang bakas ng pagkailang na nararamdaman si Kira.

 Humugot ng hininga si Jiro at parang naiilang na tumingin sa kanya. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Kira. Bakit parang hindi siya nito matingnan ng tuwid sa mga mata? She smell something fishy.

 "Kira, I.. Me and Amy broke up already," tila nahihirapan pa itong sabihin ang iilang salitang 'yon.

 Nabigla ang dalaga sa ibinalita ng dating nobya. Nagbukas-sara ang bibig niya sa kawalan ng sasabihin. "Oh." Iyon ang lang ang tanging naging reaksyon niya.

 "Hindi ka man maniwala pero 'yon ang nangyari sa amin."

 Katahimikan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Parang naliliyo siya sa ibinalita nito. Saktong dumating ang order ng binata. Habang humihigop ng kape ay unti-unting nag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Hiwalay na ang dalaga. Pero paano? How about their baby? Curious siyang malaman kung anong tunay na nangyari, pero mas curious siya nito gustong makausap.

 "Is that the reason why you want to talk to me?" she asked, her brows furrowed. "Iyon din ba ang dahilan kaya ka nagpunta sa bahay noong isang araw?"

 He nodded. "It's because i want someone to talk to. And that someone is you." Makahulugan na tinitigan nito ang mukha niya. Alam niya ang titig na ganoon. Pakiwari niya Kira ay may kung ano ang namuo sa lalamunan niya. Tumikhim siya para alisin 'yon.

 "And why would you like to talk to me, Jiro?"

 "Because we still have something for each other." puno ng tiwala sa sarili na wika nito. Napaatras ang leeg ni Kira. "Ano?"

 "Alam kong sa kabila ng kasalanan ko sa 'yo, nand'yan pa rin ako sa puso mo. Mahal mo pa rin ako."

 "Oh my God." She can't believe she's hearing something like that from Jiro. "Teka lang, Jiro. Don't assume things first. Dahil unang-una, wala ng tayo. From the moment na naghiwalay tayo ay binura ko na ang lahat ng feelings ko sa 'yo. Pangalawa, kung ano man ang nangyari sa pagitan n'yo ni Amy ay labas na ako. Labas na labas. I don't care kung ano ang nangyari at naghiwalay kayo.." Hindi pa siya natatapos sa sinasabi niya ng magsalita si Jiro.

 "Hindi ako ang ama ng dinadala ni Amy."

Nalaglag ang panga ni Kira.

 "You heard me right, Kira. I'm not the father of her baby. Nang minsan na mag-away kami dahil sa pagsisigarilyo niya, inamin niya mismo sa akin na hindi ako ang dinadala ng anak niya. Sinabi niya sa akin na isang estrangherong naka-one night stand lang niya ang ama ng baby na inakala kong akin."

 "Oh my.. I don't know what to say." Nahawakan niya ang sentido at marahang hinilot iyon.

 "Not just that. Inamin niya rin sa akin na plinano niya ang ginawang pang-aakit sa akin. Para sa ganoon, kapag may nangyari sa amin at nagkaroon kami ng relasyon ako ang mapapanagot niya bilang ama ng bata."

 Naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang naging asal ni Jiro nang araw na iyon. She couldn't blame him. Naranasan niya kung gaano kasakit ang maloko at ang malakas na udyok na magpakalasing sa sakit na nararamdaman. Para kang nasa isang madilim na apat na sulok ng kuwarto. Walang makitang liwanag.

 "Kaya gusto kitang makausap ulit.. Gusto kong humingi ng tawag sa 'yo. Nagsisisi na ako sa ginawa ko sa 'yo. At nanghihinayang ako sa relasyon natin na dapat ay inalagaan ko. Kung papayagan mo ako, gusto ko na ibalik ang pagsasama natin, Kira. I missed you and still love you. Nabulag lamang ako sa pagnanasa ko kay Amy. Pero malinaw na ulit ang lahat sa akin. Ikaw ang totoong mahal ko."

 Umiling si Kira. "Hindi, Jiro.. Hindi na natin kailangan pang ibalik ang pagsasamang 'yon. Hindi na maibabalik." Naniniwala si Kira na kung ang isang bagay ay nabasag, hindi na 'yon maibabalik pa sa dati. Katulad lang 'yon ng relasyon na binasag ng pagtataksil.

 Namumula ang mga mata na tiningnan siya nito. "Pero bakit? Puwede pa naman, di ba? If you will learn to trust me again, posible pang mangyari 'yon."

 Tiningnan niya ng tuwid ang dating nobyo at nagsalita. "Oo, posible pa sana na magkabalikan tayo. But Jiro, i'm already taken." If she's for revenge she would have the pleasure of watching his jaw drop. Pero hindi siya naghihiganti. Kinalimutan na niya kung ano man ang ginawa nito at hindi siya nagtanim ng galit sa dibdib niya.

 "I have a boyfriend now. At kahit bago pa lang kami, wala akong balak na iwanan siya dahil lang nakikipagbalikan sa akin ang ex ko. I'm so sorry for what happened between you and Amy. Sana maging okay ka rin. Thank you for the time and coffee. I need to go." She gave him a sad smile and walked away.


Karma is really a bitch.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon