Chapter Twenty Seven

Start from the beginning
                                    

 "Callan!" Muntikan na siyang mapatili sa ginawa nito at hindi maiwasan na pasadahan ng tingin ang katawan ng binata.

 "What? Nakita mo na naman ang lahat ng 'yan. Ngayon ka pa ba mahihiya?" panunudyo pa nito.

 Nag-init ang mukha ni Kira. Mabuti na lamang at hindi gaanong naliliwanagan ang mukha niya kundi makikita nito ang epekto ng panunukso nito sa kanya.

 "Heh! Pumasok ka na nga sa banyo!"

 Tatawa-tawang pumasok si Callan sa banyo. Nang makapasok na ito doon ay hindi na niya napigilan ang pagsilay ng kinikilig na ngiti. Damn! Dinaig pa niya ngayon ang teenager na nakikipagtuksuhan sa gwapong crush! You're hopeless, Kira!

 THE NEXT morning, she woke up to the most beautiful sunshine she had ever seen. Nakangiting nag-inat si Kira sa kama. Naramdaman niya ang mainit na katawan sa tabi niya. Mas lalo siyang napangiti ng bumaling siya ng tingin sa binatang mahimbing na natutulog sa kama niya.

 Madaling araw na nga ito nang umuwi kagabi. Kita niya ang pagod sa gwapong mukha nito. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang ngiti sa labi nito. Kahit galing sa trabaho ay nakatulog pa rin ito na may ngiti sa labi. Habang pinagmamasdan niya ang gwapong mukha nito, hindi mapigilan ng dalaga na humanga sa kagwapuhan nito. Every inch of his handsome face was pure perfection. Hindi nakakasawang titigan.

 She sighed dreamily.

Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Para sa isang matipuno at macho na lalaki, mapupula ang labi nito. Subalit lalaking-lalaki pa rin ang dating nito.

 Bigla ay inatake siya ng kapilyahan habang nagpipyesta ang mata sa kagwapuhan ng lalaki. Dumadagdag pa sa pag-andar ng kapilyahan niya ay ang kawalan ng pang-itaas ni Callan. His perfectly scuplted six-pack can make every woman think green. His shirtless body was a delicious sight to behold.

 Nanuyo ang lalamunan niya at naaakit na binasa niya ang ibabang labi. Wala naman sigurong masama kung samantalahin ko ang pagkakataon, di ba? Paminsan-minsan lang naman siya dadating sa ganitong pangyayari ng buhay niya.

 Malakas ang tibok ng puso na dahan-dahang ibinaba niya ang mukha sa labi nito. Her lips claimed his mouth in a light kiss. Sampung segundo lamang ang itinagal niyon ngunit nang iangat niya ang mukha ay tila tumakbo siya ng pagkalayo-layo.

 Bahagyang gumalaw si Callan. Maingat at mabilis na bumaba si Kira sa kama at nagtatakbo bago pa magising ang lalaki. Parang kerengkeng na kinikilig siyang humagikhik nang makarating sa kusina.

 Hindi niya mapaniwalaan na nagawa niya ang bagay na 'yon sa isang walang kamalay-malay na binata. But she could not deny that his lips taste so good.

 Ngayon lamang niya napagtanto kung bakit dumarami ang mga taong nagnanakaw kahit na alam na nilang maling gawain 'yon. Dahil sa isang dahilan: Masarap ang mga bagay na nakaw. Tulad na lamang na panakaw na halik niya kay Callan.. Walang kasing sarap.

 Sobrang sarap.

 Malandi! Sigaw ng matinong bahagi ng isip niya.

 Hay, nako, Kira. Naloloka ka na yata. Kaya bago pa siya matuluyan, nagsangag na lang siya ng kanin para sa umagahan nila ng binata. Tiyak na gutom ito paggising.

Wala sa isip na biglang naalala niya ang pagkikita nila kahapon ni Jiro...


NAKIPAGTAGPO si Kira kay Jiro sa isang kilalang coffee shop bandang alas-singko ng hapon. Halos labing-limang minuto siyang naghintay doon bago dumating ang lalaki. Tulad dati, pormal pa rin kung manamit ang dating nobyo. Ilang araw lamang niya itong hindi nakikita ngunit tila napakalaki na ng pinagbago nito. Yes, Jiro was a good-looking guy. But looking at him now, he doesn't look good anymore. Kung dati rati ay parang lagi itong masarap amuyin. Ngayon ay parang napabayaan na nito ang sarili. Napansin niya na malago na ang buhok nito at ang papatubong bigote ay hindi na naalalang ahitin.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now