Red String 8 ~ Truth Hurts

Start from the beginning
                                        

Nakita kong tumango lang si Matt at umalis na sila Drake. Tumingin ulit siya sa akin saka umalis.


Nanigas ako at para bang hindi makapaniwala na nangyari iyon. Niyaya ako ulit ni Matt at sumunod naman ako sa kanya.


Buong biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin hanggang sa natandaan ko...


"Bakit ka nag absent ngayong araw Matt?"


Tumingin lang siya sa akin at hindi sumagot. Ngiti... ngiting may halong lungkot ang binigay niya sa akin.


Maya-maya ay huminto kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Medyo malayo ito sa bahay namin at talagang naninibago ako sa kapaligiran.


Tinanong ko kung bakit kami andito pero hindi ulit sumagot si Matt. Sinundan ko lang siya hanggang sa nakarating kami sa isang dagat na walang tao.


May daanang kahoy sa dagat para bang bridge. Walang tao at munting ilaw nito ang nag-iilaw sa daan. Sinundan ko lamang si Matt hanggang sa umupo siya sa dulo nito.


Huminga siya ng malalim saka siya nagsalita. "Namatay ang papa ko, Cass. Kaya hindi ako makakapasok sa susunod pang araw."


Nagulat ako sa nasabi ni Matt. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Pero hindi siya umiyak. Ngumiti pa nga siya... pero tulad kanina... may halong lungkot ito.


"Pero alam mo, nakayanan kong maging matatag dahil may rason pa ako para hindi maging malungkot pero ngayon... mukhang hindi na ako sigurado..."


Ito na ata ang pinakaayaw ko na sitwasyon sa lahat ng nangyari sa akin ngayon. Nasasaktan ako dahil alam ko saan ito papunta. Pero ayokong saktan si Matt pero natandaan ko ulit yung mga sinabi sa akin ni Crae...


"If you don't love him Cass, at least care for him. Care enough to say the truth... to say that you don't love him, that you can't accept his feelings."


Nagdadalawang isip ako. Pero pinag-isipan ko na ito kagabi. Tama si Crae. Dapat lang na malaman niya ang totoo.


"Matthew—" bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita siya...


"Huwag Cass.. please... ayoko..." narinig ko ang sakit sa na nararamdaman ni Matthew hindi ko napigilan at napaiyak ako.


Kumuha siya ng panyo galing sa kanyang bulsa at ipinahid sa mata ko. Napangiti ako at hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit.


Huminga ako ng malalim bago pa man ako nagsalita.


"Matt... this is the least of things I want to do. Alam mo naman ata na ayaw na ayaw kitang saktan... pero—"


Magmukha na akong tanga. Nagmahal. Nasaktan. Nagmahal. Nabaliw. Hindi ko na alam kahit ako ay litong-lito na.


"Matt, you don't deserve me... you deserve someone better. Better than me. I am no good for you," malungkot kong sabi sa kanya.


Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Nahihiya na ako sa kanya. After all his efforts. Sa lahat ng ginawa niya sa akin. Through thick and thin andiyaan siya para sa akin pero anong ginagawa ko ngayon? Sinasaktan ko lang siya.


Huminga ng malalim si Matt pagkatapos ng mahabang katahimikan.


"Thank you..."


Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Mas hindi ko inaasahang pasasalamatin niya ako na sinaktan ko siya.


"Anong—-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na lang na dumampi sa labi ko ang kanyang labi. Hinalikan ko din siya. Halik niya ay ramdam ko ang pagmamahal at sakit.


Bumitaw lang siya sa halik noong kailangan na rin namin huminga.


"Salamat Cass.. thank you for telling me the truth."


Yumuko lang ako at nahihiya na ng sobra. Sobrang gulo ng nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.


Maya-maya ay umalis na rin kami at hinatid niya ako sa bahay.


♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥


Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako agad sa kwarto ko. Napatingin na lang ako sa itaas at ang layo ng aking iniisip. Ramdam ko na para bang mamatay na ako.


Ang sama ko! Ang sama-sama ko. Wala akong kwentang babae.


Iyak lang ako ng iyak hanggang sa sumikip ulit ang dibdib ko. SInubukan ko tumayo pero natumba naman ako dahilan na natamaan ko ang picture frame ko sa gilid ng higaan ko at nabiak ito.


Naramdaman kong bumibigat ang buong katawan ko ay sinubukan kong tumayo pero natumba lang rin ako ulit. Umiyak at sumisigaw ako. Nakita kong biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Mama at Papa.


"Strawberry! Tumawag ka ng ambulansya.."

 

Lumapit sa akin si Mama at niyakap niya ako. Naramdaman kong umiiyak siya. Gusto ko siyang tumahan. Ayokong makita na umiiyak ang mama ko.


"Anak... tahan na... tahan na..." ang pagbali-balik na naririnig ko galing kay Mama.


Pero ang sakit ng puso ko... dumilim ang paningin ko. Hanggang sa wala na akong marinig.


Bakit ba ganito kahirap ang magmahal?



♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥

Hello! Author speaking :) I just want to say... maraming salamat po sa suportang binibigay niyo sa kwentong ito. But sad to say na malapit na pong magtapos ang kwentong ito. Kaya sana until the end magustuhan niyo po!

Don't worry... may upcoming naman po ako na Romance ang genre. Love Born in Summer. Para makita ang trailer ng LBiS ay click niyo lang po ang external link.

Maraming salamat! Sana kung paano niyo po inabangan at minahal ang kwentong ito ganun rin po sa LBiS :)


PS: Dedicated to very sweet girl who loves this story! Salamat sa iyo dear :)

-Leenchan

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now