Red String 8 ~ Truth Hurts

Start from the beginning
                                        

"Congrats sa inyo ni Matthew. Narinig kong nanliligaw na siya sa iyo." Parang gumuho ang buong mundo ko. Bakit kailangan niyang sabihin iyon? Bakit ngayon pa? Bakit ako nasasaktan?


DRAKE! IKAW ANG MAHAL KO! HINDI MO BA MARAMDAMAN IYON?


Hindi ako nakapagsalita at parang gusto ko ring umiyak.


"Th-Thank you  kaso hindi pa naman kami eh... tulad ng sabi mo... nanliligaw pa lamang siya."


Magsasalita pa sana ulit si Drake kaso biglang nagring ang bell ibig sabihin oras na sa aming susunod na klase. Naghiwalay na kami at nagpaalam sa isa't isa.


♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥


Natapos din ang araw ko ngayon. Papauwi na sana ako ng biglang nag-ingayan sa labas ng classroom. Biglang lumapit ang kambal sa akin at para bang nakakita ng artista.


"Anong nangyayari sa inyong dalawa?" tawang sabi ko kanila.


"Andito siya!!" tiling sabi ni Zy. Nagtaka ako at tinanong kung sino ito.


"Si Drake?" biglang sumimangot ang dalawa pero ang sumimangot lang talaga ay si Zy pero ang nakita ko sa mukha ni Crae ay galit.


"Ano ka ba!!? GAGA! Si Matthew! Sinusundo ka!!" tiling sabi ni Zy.


Nagulat naman ako kaya agad akong lumabas at nakita ko nga si Matthew. Hindi siya naka uniporme kundi naka civilian attire lamang siya. Naka tshirt ng gray na v-neck at pantalon at sneakers. Binati niya ako at may dala siyang santan?


"Santan?" tanong ko sa kanya na medyo natatawa.


"Hindi ko naman kasi balak pumunta talaga ng school kaso may kailangan akong ibigay na papeles..."


Papeles?

 

"Tapos naisipan kong daanan ka at sunduin na lang para ihatid sa bahay niyo. Hindi ako nakapagready kaya kumuha ako ng santan sa gilid ng school."


Natawa ako ng kaunti pero ngumiti naman sa kanya at nagpasalamat. Niyaya niya na akong pumunta sa sasakyan niya hanggang sa hindi ko inaasahang magkrus ang landas namin.


Nakita ko si Drake...



Kasama si Ivy na dikit na dikit at nakahawak sa kamay ni Drake ng mahigpit.


Sumikip ang dibdib ko at para bang gusto kong umiyak ng sobra. Hindi ko maintindihan! Gustong kong umiyak pero gusto ko ring sumigaw sa sobrang galit na nararamdaman ko.


"Hey bro," napatingin ako kay Matthew ng magsalita siya. Hindi ko inaasahan na magsasalita siya.


"Ingatan mo ang bestfriend ko Matt..."


No Strings AttachedWhere stories live. Discover now