Red String 8 ~ Truth Hurts

Start from the beginning
                                        

"Sorry Cassy, kung kailangan mong makita ako ng ganito ngayon. Hindi ko ba alam pero—" sabi niya in between his cries. Naiiyak at nasasaktan din ako sa pangyayari.


Ano kaya ang dahilan bakit siya umiiyak?


Hinaplos-haplos ko ang buhok niya at tinatahan ko siya. Maya-maya ay huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.


"Salamat Cass..." sabi niya ng malumanay.


"Bakit ka ba umiiyak? Sa lalaking mong iyan hindi pumasok sa isip ko na pwede rin pala kayong umiyak na parang babae," pagbibiro ko sa kanya pero mukhang mali ang mga nasabi ko dahil bigla siya naging seryoso. Pinunasan niya ang luha niya sa kanyang mga mata at napatingin na lang sa langit.


"Kahit lalaki kami... may puso at feelings rin kami. Hindi dahil kami ay lalaki ay hindi na kami pwedeng umiyak... masaktan."


Nagulat ako sa mga sinabi ni Drake. Anong ibig niyang sabihin? Masyadong malalim ang mga sinasabi niya. Pero may karapatan ba akong magtanong kung anong rason bakit siya umiyak?

"Alam mo Cass... dadalhin ko na sana siya sa isang lugar na sabi ko sa sarili ko na dadalhin ko lang dito ang babaeng mamahalin ko forever... pero mukhang tama nga sila....


Walang forever."

 

"Anong ibig mong sabihin Drake?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Gusto ng malaman ang totoo. Ano ba ang nangyari at nagkaganito si Drake?


"Alam mo Cass... ang swerte ko sa iyo! Sana nga kung maibalik lang ang oras at maturuan ang puso ko... Ikaw na lang sana iyon Cass. Ikaw na lang."

 

Nanigas ako sa posisyon ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasabi lang siguro ito ni Drake dahil nasasaktan siya ng sobra pero...


"It would be nice if we could go together..."


"But... DAMN IT HURTS CASS! IT FUCKING HURTS!"


Umiyak na naman si Drake at hindi ko na maintindihan kung ano ba ang dapat kong sabihin. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. At tumahan siya pagkatapos.


Doon niya kinuwento na wala na sina ni Ivy. Nalaman niyang ginagamit lang siya at may boyfriend palang iba. Nasaktan ako sa kinuwento niya kahit ako gusto kong sugurin ang babaeng iyon at sampalin. He doesn't deserved this.


Nasasaktan ako para sa bestfriend ko.


Bakit bestfriend lang nga ba turing mo sa kanya?

 

Ito na naman ang konsensiya ko.. nanggugulo...


Pero... dapat ko bang sabihin na dati pa... dati pa at hanggang ngayon ay naghihintay ako—


"Congratulations pala," matamlay pero pilit na ngiting sabi ni Drake. Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka at tinuloy niya ang sinasabi niya.


No Strings AttachedWhere stories live. Discover now