Sinubukan kong itext pero hindi naman siya nagrereply. Sinubukan kong tawagan pero cannot be reach daw eh. Ano bang nangyayari? Bakit—
"Sinong hinahanap mo?" napalingon ako at nakaharap ko ang isang babaeng mahaba ang buhok na sa dulo ay curls. Medyo matangkad siya sa akin at may dugo at foreigner.
"Ah, si Matthew..." sabi ko. Bigla siyang sumimangot at para bang nagdadalawang isip sa kanyang susunod na sasabihin.
"Hindi ata makakapasok si Matthew sa mga susunod na araw. Ikaw ba si Cassy? Cassy Blue?" tanong niya sa akin na pinagtaka ko at anong ibig niyang sabihin sa hindi makakapasok si Matt sa susunod na araw? Ano ba ang nangyayari at hindi siya makakapasok? At bakit ako tinatanong ng babae kung ako ba si Cassy? Nalilito ako.
"Hi! Pinsan ako ni Matthew. Sa totoo lang hindi nga dapat ako papasok ngayon kaso nagalit sa akin si Matt at sinabihan ako na dapat akong pumasok. Pero wag kang mag-alala, okay lang siya... sana."
SANA? Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng babae nasa harap ko. Nakakalito ang mga sinasabi niya. Bago pa man ako makatanong kung ano ang kanyang ibgi sabihin ay biglang nag ring ang bell.Nagpaalam na siya at tumakbo sa kanyang klase. Ako rin noong matandaan ko na strict ang susunod namin na teacher.
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Natapos na din ang morning classes ko. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso ako sa likod ng building namin kung saan ako usually nagtatambay para magisip-isip.
Napaisip tuloy ako doon sa sinabi ng pinsan ni Matthew... anong ibig bang sabihin niya? Kasalanan ko ba kung bakit hindi makakapasok ng paaralan si Matthew? Ahh! Nakakabaliw rin itong mga tanong na ito. I'm not in actual right state of mind right now. Marami masyado akong iniisip na nilulunod na ako ng mga ito.
Bigla akong napalingon sa taong tumawag sa aking pangalan. Nakita ko ang mga mata niya. Naramdaman ko na sumikip ang dibdib ko. Isang pamilyar na boses... mukha... amoy.
"Ang lalim ng iniisip natin ah?" hindi ako nakapagsalita. Nagulat na andito siya kasama ko ngayon.
Nabuhayan lang ako noong lumapit siya at umupo sa tabi ko. Naramdaman kong tumama ang balikat namin sa isa't isa at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at huminga ng malalim. Hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at tumingin siya sa langit.
Drake? Drake bakit mo ako pinapatay ng ganito? Bigla kang mawawala tapos maya-maya susulpot ka na naman. Hindi ko na alam anong maramdaman ko. Sobra na ang pagpapakatanga ko dahil mahal kita.
Pilit kong tanggalin sa pagkakahawak niya ang kamay ko kaso ang higpit ng kanyang pagkakahawak. Nagulat na lang ako ng bigla akong nakaramdam ng basa, tubig sa may balikat ko at nakarinig ng pag-iyak. Napalingon ako kay Drake, nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at umiiyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero iyak lang rin siya ng iyak.
"Drake?" pag-aalalang tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 8 ~ Truth Hurts
Start from the beginning
