Gusto ko ng umiyak ng umiyak. Tama si Crae! Napaka unfair ko naman ata para tratuhin ko ng ganoon na lang si Matt. Napakabait niyang tao at halos lahat ng babae sa school ay nagkakandarapa sa kanya.
"Anong gusto mong gawin ko Crae? Magtago? Iwasan siya?"
"Fuck Cass! Simula noong natuto mong mahalin ang GAGONG iyon ay hindi mo na ginagamit ang utak mo! Harapin mo si Matthew Cassy! HARAPIN MO AT SABIHIN MONG HINDI MO SIYA MAHAL!" inis na sabi ni Crae.
"Kakasabi mo lang Crae, he doesn't deserve to be hurt!"
"He does not. But he also deserves the fucking TRUTH. Iyan ba ang gusto mo Cass? Ang hayaan siyang umasa sa wala? Sino ang ginagago mo Cass? SINO?!"
Hindi na ako nakapagsalita pa. Umiyak na lang ako dahil sa totoo lang hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Tama naman si Crae. Sobra na at wala na ako sa lugar ko. Nasasaktan ko si Matthew. Hindi man niya sabihin ito pero nararamdaman ko naman.
Noong tumahan na ang lahat. Nagsalita ulit si Crae.
"If you don't love him Cass, at least care for him. Care enough to say the truth... to say that you don't love him, that you can't accept his feelings."
Pagkatapos sabihin iyon ni Crae, nagpaalam na siya at naiwan akong umiiyak sa kwarto ko. Hindi ko na talaga alam anong dapat kong gawin. Nasasaktan ako at nalilito. Napakasama ata ng tadhana ko at ganito ka komplikado ang love life ko. Bakit ba kailangang mangyari pa ito sa akin?
Ayokong masaktan si Matthew pero tama si Crae, hangga't hindi ko sinasabi ang totoo, paunti-unti kong sinasaktan si Matt. Bakit ba kailangang parating tama ang babaeng iyon?
Isang buwan na ring hindi nagpaparamdam si Drake sa akin. Halos hindi ko na siya makita sa school. Namimiss ko na siya. Gusto ko iyong tulad lang ng dati... Kasama namin siya, nagkakatuwaan, nagkwekwentuhan. Pero mukhang ngayon ang labo na ulit mangyari iyon.
Kaya hindi ko maibigay ang puso ko ng buo kay Matthew ay dahil si Drake parin ang sigaw ng puso ko. Kahit anong kain ko ng ice cream, manood at magbasa ng romance at heartbreaking romance o magtumbling pa... hindi maalis sa puso't isip ko si Drake. Kahit na nasaktan niya ako na hindi niya naman alam. Sobrang pagod na ako sa ganitong takbo ng buhay ko.
Sa totoo lang nga, noong unang linggo ng pagkatapos noong araw na pumunta kami sa garden ay nahospital ako ulit. Nakita ko ang itsura ni Mama na halos ikamatay niya. Hindi niya man sabihin iyon sa akin ngunit muntikan na siyang mawalan ng anak at ayokong maulit iyon kaya kailangan kong maging matatag.
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Monday. Balik na ulit sa klase. Hindi tulad ng mga nakaraang araw na sinusundo ako ni Matthew sa bahay tuwing umaga, nagtaka nga ako kung bakit. Hindi naman sa tinetake as advantage ko kaso, nabaguhan lang siguro...
Pagkadating ko sa school, binati ako ng Crazy twins at sabay na kaming pumunta sa klase namin. Kaso bago ako pumasok sa room namin ay dumaan muna ako sa classroom ni Matthew. Gusto ko sana humingi ng sorry dahil sa inasal ko kagabi kaso pagtingin ko sa classroom niya ay wala siya. Tinanong ko ang isa sa mga kaklase niya pero ang sagot niya ay baka may sakit.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 8 ~ Truth Hurts
Start from the beginning
