Red String 8 ~ Truth Hurts

Comenzar desde el principio
                                        


Walang umimik ulit sa amin. Nararamdaman ko na nininerbyos si Matthew, kahit ako naman. Hindi ko talaga alam at wala akong experience sa mga ganitong bagay kaya forgive if I am being stupid.


"Cass," naunang magsalita si Matthew pero hindi ako tumingin sa kanyang mga mata kundi tumingin lang ako sa kamay ko na hawak-hawak ang damit ko.


Narinig kong huminga ng malalim si Matthew saka nagsalita. "Cass, you look beautiful." Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatingin ako sa mga mata ni Matthew. All I can see is his love and I am being unfair to him.


"Thank you," sabi ko naman sa kanya.


"Please don't shut me out Cass. Let me try because I really love you... I hope you know that," seryosong sabi ni Matthew. Hindi ako nakapagsalita. Ano ba ang sasabihin ko sa sitwasyong ito? May dapat ba akong sabihin?


May sasabihin pa sana si Matthew kaso biglang dumating ang waiter at hinanda ang pagkain sa harap namin. Naging isang matahimik na dinner date. Halos hindi ako umiimik at pati na rin si Matt. Maya-maya ay natapos rin kami at hinatid niya na ako sa bahay.


Bago pa man ako makapasok sa bahay ay hinawakan niya ang kamay ko at napahinto ako sa paglalakad. Naramdaman kong papalapit siya sa akin pero hindi ako lumingon sa kanya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang kanyang dibdib at kamay niya na niyayakap ako ng mahigpit.

Napakacomforting ng kanyang yakap. Puno ng pagmamahal pero...


"Mahal kita Cass. Mahal na mahal kita," biglang sabi niya sa akin habang niyayakap niya ako. Bumitaw na siya pagkakayakap at umalis na at nagpaalam.


Pumasok ako sa bahay at nagulat ng nakatingin sila Mama at Papa sa akin na may seryosong itsura. Pero bago pa man sila makapagsalita at makapagtanong kung anong nangyari ay hinarangan ko na sila at nagpaalam na pagod ako at gusto ko ng matulog. Kaya dumiretso ako sa kwarto ko. Pagkadating ko ay humiga ako diretso at napatingin na lang sa itaas.


Napatayo lang ako bigla noong nagulat ako na may nagsalita sa di kalayuan.


"Ang lalim ng iniisip mo ah?" pagkalingon ko si Crae lang naman pala.


"Anong ginagawa mo dito Crae?" tanong ko sa kanya na hindi man lang lumilingon.


"Deny it all you want Cass pero pagdating sa akin wala kang matatago," sabi niya at lumapit siya sa higaan ko at umupo sa tabi ko.


"What do you suppose I should do? Say I love you too? That's absurd," sarcastic na sabi ko.


"Why not? Don't you love him?" napatigil ako sa pagsasalita. Nabuo ang buong kwarto ko ng katahimikan. Hanggang sa inulit ni Crae ang tanong niya.


"Do. You. Love. Him?"


"I-I..."


"Don't force yourself to love someone just to get over the one you have lost. Love because you truly love that person. Don't be unfair to him, Cass. He doesn't deserve to be hurt."

No Strings AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora