Love You The Same Way Pt. 2

4 1 9
                                    

Nagsusulat si Nari sa script ng biglang may umupo sa harap niya.

Pagtingin niya nakita niya ang isang magandang babae na nakita niya sa tana ng buhay nya.

Ang weird pero parang syang nabighani sa babaeng kaharap niya. Biglang naglaho ang mundo sa paligid ni Nari at ang tangi nalang niyang nakikita ay ang babaeng may mapungay na mga mata. Nakatitig lang sya sa mga ito lalo na sa kanang mata nito na may nunal.

Ngumiti ang magandang babae ay unti unti ay lumalaki ang ngiti nito hanggang sa tumatawa na sya. Pati ang tunog ng tawa niya ay parang magandang tugtugin na sa tenga ni Nari.

Anong nangyayari sakin? Bakit ako nagkakaganito? Ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalinaw. Bakit parang... sabi ni Nari sa isip niya at bigla bigla ay narinig niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

Napahawak sya sa dibdib niya. Naririnig din kaya niya ang tibok ng puso ko? Tanong ni Nari sa isip niya.

"Baby..." tawag ng magandang babae sa kanya.

Pero nakatitig lang si Nari sa mgandang babae. Tumayo ng bahagya ang babae sa pagkakaupo niya sabay hawak sa pisngi ni Nari.

Nanlaki ang mga mata ni Nari at para syang bumalik sa reyalidad. "Baby, okay ka lang ba?" Tanong ni Taehyung kay Nari.

Napapikit ng maraming beses si Nari saka niya lang narealize na ang magandang babae na nasa harap niya ay si Taehyung pala.

Ito ang ayos ni Taehyung sa pelikula na kinukunan nila. Nakasuot ng hair extension si Taehyung na malapit sa bewang niya ang haba at medyo kulot ang dulo na kulay brown at may bangs.

Nakasuot sya ng white cardigan, baby pink dress na hanggang sa ankle niya at beige na flat shoes.

"Tae..." tawag ni Nari habang nakatingin sa binata mula ulo hanggang paa.

"Bagay ba? Hindi ba parang masyadong girly?" Tanong ni Taehyung habang umiikot.

Tumayo si Nari at lumapit sa binata. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng binata.

Tinignan niya ang muka ni Taehyung. Nakamake up ito pero light lang. May mascara sya, brown eyeliner, light pink blush on at red na lip tint pero hindi masyadong matingkad dahil muka lang itong natural color ng labi ng binata.

Ngumiti si Nari at inabot ang pisngi ng binata. "Beautiful." Bulong ni Nari.

Ngumiti ng bahagya si Taehyung. "Magugustuhan mo ba ko kahit ganito ang itsura ko?" Tanong ng binata habang nakangiti ng bahagya at nakatingin sa mga mata ni Nari.

"Ang pogi mo paglalaki ka pero pag naging babae ka ang ganda mo din. Kahit anong ipasuot at ayos sayo bagay lahat. Ang unfair ni God. Parang na insecure tuloy ako." Sabi ni Nari habang natatawa.

Ngumiti si Taehyung at hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga saka biglang nilapat ang labi niya sa dalaga.

Napatigil sa pag tawa ang dalaga dahil sa gulat.

"Hindi mo kailangang mainsecure dahil para sakin ikaw lang ang pinaka magandang babaeng nakilala ko." Sabi ni Taehyung at ngumiti sa dalaga saka nilapit ulit ang muka niya sa dalaga. Naglapat ulit ang mga labi nila pero this time mas matagal na.

Paghiwalay ni Taehyung sa dalaga napangiti si Nari. "Salamat Tae. I don't think i deserve all of this pero salamat."

Umiling si Taehyung. "Hindi mo kailangan magpasalamat sakin dahil hindi ko sinasabi at ginawa ang mga to dahil lang obligasyon kong gawin. Ginagawa ko to dahil gusto kita Nari at ayokong mag doubt at maliitin mo ang sarili mo dahil hindi ganun ang nakikita kong Nari. You're so much more than that." Sabi ni Taehyung habang nakatingin sa mga mata ng dalaga at nakangiti.

Who Is My Bias? Donde viven las historias. Descúbrelo ahora