Love You The Same Way

5 1 8
                                    

(A/N: Hi guys, so before tayo pumunta sa exciting part. Char. Haha! I mean, sa story mismo may lilinawin lang ako kasi baka malito kayo. Ang 'Love You The Same Way' ay ang title ng novel na sinulat ni Nari. And as you know gagawin syang pelikula so may parts dito na ipapakita ko ang scenes sa movie na ginagawa nila, its like a story within a story. Pero para di kayo malito kung saan dito ang scene sa movie ginawa kong italic ang scenes sa movie para mas madaling maidentify.

Isa pa, magbibigay lang ako ng konting background ng mga bida sa love you the same way. So ang bida dito ay si Cris, which will be played by Kim Taehyung, lalaki sya pero all through out the movie nagpapanggap syang babae dahil all girls skul ang skul na pinasukan niya kaya natanong ni Nari sa last chapter kung payag daw ba ang gaganap ng Cris sa character na ipoportray niya dahil dito. At si Charlize naman played by Bae Irene ay magiging roomate ni Cris sa dorm nila at later on magkakainlaban sila. Hindi ko na sasabihin yung pinaka plot ng story kasi isasama ko naman dito yung mga scenes ng movie so i think masusundan nyo din yung takbo ng kwento. Gusto ko lang malaman nyo ang characters na pinoportray nila Taehyung at Irene sa pelikula na to. So ayun, sana malinawan kayo habang binabasa ang chapter na to. 😊)

☆☆☆☆

Binati ni Nari lahat ng mga tao sa venue ng shooting nila para sa pelikula.

Pumasok si Nari sa waiting area na tinuro sa kanya ng isang staff.

Nilapag niya ang bag niya sa upuan habang nakatingin sa script dahil sya ang author ng novel na ito binigyan sya ni Sohee ng kalayaan na baguhin at dagdagan ang script na ginawa nila.

Kaya simula ng binigay kay Nari ang script binasa na ito ng dalaga at binigay na din niya ang mga binago at mga dinagdag niya sa script before pa sila mag simula ng taping para bigyan ng pagkakataon ang mga casts na makapag prepare.

Binabasa ni Nari ang scenes na kukunan sa araw na to at mahina niyang binabasa ang bawat lines.

Maya maya pa ay may pumasok sa tent ni Nari. Hindi ito napansin ng dalaga dahil nakatalikod sya sa pinto habang nagbabasa ng tahimik.

"Good morning authornim." Bulong ni Taehyung malapit sa tenga ni Nari gamit ang malalim niyang boses.

Nagulat ang dalaga at napatingin sa likod niya.

"Tae, wag kang nanggugulat." Sabi ni Nari habang nakangiti.

Natawa ng bahagya si Taehyung. "Sorry. Seryoso ka kasi dyan. Napakadedicated mo naman na author. Parang isa ka sa mga casts ah. Makapagbasa ka naman ng mga lines para kinakabisado mo."

Ngumiti si Nari. "Hindi naman. Sinisigurado ko lang na tama yung mga ginawa kong revisions sa scene na to. Importanteng mapakita natin lahat ng scenes dito sa pelikula na nasa libro para matuwa ang mga readers ko."

Tinaas ni Taehyung ang isa niyang kilay habang nakasmirk. "Hmm... napakapassionate naman na author na to. Pati din kaya sa personal life lalo na sa taong gusto niya, passionate din kaya sya? Parang nagseselos yata ako sa atensyon na binibigay mo sa mga fans mo."

Natawa ng bahagya si Nari. "Nagseselos ka sa mga fans ko? Eh halos karamihan nga ng ARMYs galit sakin ngayon kasi nagseselos sila sakin."

Nag pout si Taehyung. "Baby, don't say that. Hindi lahat ng ARMYs galit sayo okay? Hindi mo ba alam kung gano sila kaexcited na makita ako sa big screen? I think some of them are coming around. Bigyan lang natin sila ng time na mag sink in ang lahat sa kanila. Hmm?" Sabi ni Taehyung habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ng dalaga at ang ilong niya ay nakadikit sa leeg ng dalaga.

"Tae, wala naman tayong diretsong sagot sa status natin sa kanila kaya ano ang sitwasyon na mag sisink in sa kanila." Bahagyang sabi ni Nari habang natatawa ng bahagya.

Who Is My Bias? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon