Apartment

11 1 4
                                    

Napangiti ako sa thought na makikita ko na naman ang napaka cute at adorable baby girl na nakilala ko.

Kung hindi dahil kay Mrs. Sy. Hindi ako magiging professional writer.

Dahil sa kanya nagawa kong mapa-publish ang unang kwento na ginawa ko.

Sinubukan kong pumunta sa iba't ibang publishing company, in the hopes na ma-publish ito pero bigo ako.

Isang araw nasa mall ako after kong pumunta sa tatlong publishing company na lahat ay tinanggihan ako.

Bumibili ako ng icecream ng makita ko ang cute na batang babae na umiiyak.

Mukang nawawala sya kaya nilapitan ko sya at binigay ang icecream na binili ko.

Napatigil sya sa pag iyak. "Hi. Anong pangalan mo?" Tanong ko habang nakaluhod sa harap niya.

Tinitigan niya ko at saka humikbi pero sinagot parin niya ko. "N-nana." Sabi niya gamit ang maliit at cute na boses.

Pinunasan niya ang kanang mata niya gamit ang likod ng kanan niyang kamay.

"Nana, ang cute naman ng name mo. Ako naman si Nari." Sabi ko habang nakangiti.

At parang natunaw ang puso ko ng ngumiti sya sakin.

Lumiit ang mga mata niya at kitang kita ko ang mapuputi at maliliit niyang ngipin at napansin ko na may maliit at malalim syang dimples sa corner ng bibig niya.

"Parehas tayo ng name." Sabi niya sakin at tumawa na akala mo ay kinikiliti.

Natawa din ako. Parang gusto ko syang yakapin sa sobrang cute niya.

"Ilang taon ka na Nana?" Tanong ko.

"Five." Sabi niya sabay angat ng kamay niya sa harap niya para sabihin kung ilang taon na sya.

Natawa ulit ako. "Sinong kasama mo dito sa Mall?"

"Si mommy ko. Pero nawala po sya." Sabi niya sabay simangot.

Ngumiti lang ako. "Halika hanapin natin si mommy mo." Sabi ko sabay tayo at nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Tumingin sya sa kamay ko at saka tumingin sakin. Ngumiti ulit ako at tumango sya saka hinawakan ang kamay ko.

Pumunta kami sa information office ng mall para ipa-page si Nana pero pag dating namin dun may isang babae na nakikipag usap sa isang employee at parang nagpapanic sya.

Pagkakita ni Nana sa babae sumigaw agad to at binitawan ang kamay ko.

"Mommy!" Sabi ni Nana saka tumakbo sa babae.

"Nana!" Sabi ng babae saka binuhat si Nana.

After nun nagpakilala ako kay Mrs. Sy at bilang pasasalamat sa ginawa ko kay Nana, hinanapan niya ko ng publishing company at dun na nagsimula ang career ko bilang writer.

Nasa tapat na ko ng pinto ng apartment nila Mrs. Sy at nag door bell na ko.

Pinagbuksan ako ni Mrs. Sy. "Nari. Buti naman nakarating ka. Pasok." Sabi ni Mrs. Sy kaya naman pumasok na ko.

Pagpasok ko may narinig akong yabag na parang tumatakbo. Paglingon ko si Nana pala.

"Ate Nari!" Sigaw ni Nana.

"Hi Nana." Bati ko at tumakbo sya papunta sakin at niyakap ang legs ko.

"Sasamahan mo po ako?" Tanong ni Nana sakin.

"Opo naman." Sabi ko habang hinihimas ang ulo niya. Tumawa sya.

Lumapit si Mrs. Sy samin. "Nana. Dito ka muna kay ate Nari ha. Pupunta lang si mommy saglit sa office. Be a good girl to ate Nari. Okay?"

Who Is My Bias? Where stories live. Discover now