First Encounter

6 1 0
                                    

Naglalakad si Jin papunta sa sala ng muntik na syang madulas.

Napahawak si Jin sa counter top kaya hindi sya tuluyang napaupo sa sahig.

"Woah." Bigkas niya at ng makapagbalance tumayo na ulit sya ng tuwid at saka niya nakita si Yoongi na nakaupo sa isa sa mga stool sa counter top di kalayuan sa kanya habang umiinom ng kape at nakatingin sa phone niya.

Tinaasan sya ng kilay ni Jin. Napansin naman ni Yoongi na nakatingin sa kanya ang nakakatanda kay tinignan niya ito.

"Bakit?" Tanong ni Yoongi habang nakatingin kay Jin.

"Muntik na kong madulas di mo man lang ako tinulungan." Sabi ni Jin habang nakatingin sa nakababata at nanliliit ang mga mata niya.

Nagbuntong hininga si Yoongi saka tumingin ulit sa phone niya. "Di ka naman nadulas. Kinaya mo naman kaya di mo na ko kailangan." Malumanay na sabi ni Yoongi habang nakatingin sa phone niya.

Napakunot ang noo ni Jin at mas lalong nanliit ang mga mata niya.

Gusto niyang sigawan si Yoongi pero naalala niyang maaga pa para magingay sya at mag wala.

At base na din sa ugali ni Yoongi alam niyang kahit mag wala sya sa inis wala syang mapapala kay Yoongi kaya huminga nalang sya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya.

Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili niya tumingin sya sa sahig at saka niya nakita na basa ito.

"Ano ba kasing nangyari dito? Bakit basa yung sahig? Bumaha ba kagabi?" Sunod sunod na tanong ni Jin.

"Pano babaha sa apartment?" Tanong ni Yoongi habang nakatingin parin sa phone niya.

Tinignan ulit sya ng masama ni Jin. Hindi niya gusto na umagang umaga ay binibwisit sya ng nakakabata.

"Bakit kasi di mo pa pinunasan to? May maaksidente pa eh." Tanong ng nakakatanda.

"Bakit ako? Hindi naman ako ang may gawa niyan." Sagot ni Yoongi habang nakatingin kay Jin.

"Eh sinong may-" napatigil si Jin ng marealize niya kung sino ang wala sa kanila kagabi.

Huminga ng malalim si Jin at saka tumalikod para pumunta sa kwarto ni Taehyung.

"Taehyung-ah!" Sigaw ni Jin. Galit na sya kaya wala na syang pakialam kung mabulabog niya ang iba.

Nanlaki ang mga mata ni Yoongi ng makita niya kung san papunta si Jin. Binitawan ni Yoongi ang phone niya at saka tumayo para sundan si Jin pero huli na ang lahat dahil lalong sumigaw si Jin pag bukas niya ng pinto.

Nagising si Nari dahil sa sigaw na naririnig niya sa labas at napaupo sya sa kama ng marinig niya ang pinto na humampas sa wall at nakita niya si Jin na nakatayo sa pinto at sumisigaw kung sino sya.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kwarto ni Taehyung?! Pano ka nakapasok?!" Sunod sunod na tanong ni Jin habang nakaturo kay Nari.

Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Nari hindi niya alam kung pano sasagutin si Jin at hindi na din niya alam kung pano huminga ng normal.

"Jin hyung! Kumalma ka. Lika muna sa labas dun tayo magusap." Malumanay na sabi ni Yoongi habang hinihila si Jin palabas.

Nanlaki ang mga mata ni Nari ng makita ulit niya si Yoongi.

Ngumiti naman ng bahagya si Yoongi sa kanya na parang nag so-sorry dahil sa nangyari.

"Hindi. Hindi ako lalabas dito hanggat hindi sya nagpapaliwanag kung sino sya. Kilala mo ba sya? Bakit ako ang pinapalabas mo?" Tanong ni Jin habang nakatingin sa likod niya.

Who Is My Bias? Where stories live. Discover now