Stars

5 1 10
                                    

May pumasok sa loob ng apartment ng BTS at dali daling naglakad papunta sa kwarto.

Napatigil ang tawanan at asaran nila Namjoon, Jin, Hobi, Jimin at Jungkook ng dire-diretsong naglakad si Taehyung papunta sa kwarto niya.

"Oh Tae, nandito ka na pala. Gusto mo bang-" napatigil magsalita si Jin ng lagpasan lang sila ng nakababata na parang walang narinig at maya maya ay narinig nila ang kalabog ng pinto sa kwarto nito.

Napatingin si Jin sa mga kasama niya at parang nagulat sya sa inakto ng nakababata.

"Anong nangyari dun? Galit ba sya?" Tanong ni Jin habang nakatingin sa kanila.

Napakunot ang noo ni Jimin. Kanina lang masaya at nagmamadali pang umalis ang nakababata para puntahan si Nari pero bakit ngayon nagiba ang mood niya.

Napabuntong hininga si Jimin at napailing. Alam niyang may nangyaring hindi maganda.

"Ako na ang bahala." Sabi ni Jimin sa kanila.

Naglakad si Jimin papunta sa kwarto ni Taehyung at sumunod naman si Jungkook sa kanya.

Pag alis ng mga nakababata sa sala nagtinginan ang tatlong nakatatanda at nagkibit balikat nalang.

Alam nilang may nangyari kay Taehyung at alam nilang kung ano man yun ay maaayos din yun ng dalawang nakababata na ngayon at papunta na sa kwarto ni Taehyung.

Nang makarating na sila Jimin at Jungkook sa pinto ng kwarto ni Taehyung kumatok si Jimin.

"Tae?" Tawag niya. Naghintay sya sandali at kumatok ulit ng walang sumagot sa kanya.

"Tae, buksan mo tong pinto. Kausapin mo kami." Sabi pa ulit ng nakatatanda.

Wala paring sumasagot.

Sunod na kumatok ay si Jungkook. "Taehyungie Hyung, buksan mo ang pinto. Papasukin mo kami. Kung ayaw mong magsalita okay lang. Samahan ka lang namin."

Wala paring sumasagot. Huminga ng malalim si Jimin at hinawakan ang doorknob saka binuksan ang pinto.

Napangiti si Jimin ng magbukas ang pinto at dalawa silang sumilip ni Jungkook sa loob.

At ayun sya, nakaupo si Taehyung sa kama niya habang nakatalikod sa pinto at nakayuko.

Tuluyan ng pumasok sila Jimin at Jungkook sa loob at naglakad si Jimin papunta sa harap ni Taehyung at umupo sa harap ng nakababata habang si Jungkook naman ay umupo sa tabi ni Taehyung habang nakaupo sa kama nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jimin.

"Hindi na mahalaga yun." Simpleng sabi ni Taehyung habang nakatingin sa mga kamay niya.

"Tae, kausapin mo kami. Nandun ba si Nari?" Tanong ng nakakatanda.

Bahagyang natawa si Taehyung pero maririnig ang bitterness sa tawa niya. "Yup. Nandun sya." Simpleng sagot niya.

Hindi alam ni Taehyung kung maiinis ba sya o maluluha ng maalala niya kung gano kalaki ang ngiti at kasaya si Nari habang kausap si Yoongi.

"Pero bakit parang galit ka?" Tahimik na tanong ni Jungkook.

Napatingin si Taehyung sa nakababata. "Nasan si Suga hyung?" Tanong niya sa nakababata.

Tumingin si Jungkook kay Jimin at nagkatinginan sila.

"Di ba sabi niya kanina pupunta lang daw sya sa coffee shop?" Sagot ni Jimin.

Tumingin si Taehyung kay Jimin at nag smirk pero parang naiinis ang muka niya.

Who Is My Bias? Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt