She said, He said

5 1 8
                                    

NARI'S POV

Nakaupo ako sa kwarto ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Tinignan ko ang kanang kamay ko at naalala ko kung ano ang pakiramdam na mahawakan ang kamay niya at kung gano iyon kainit sa kamay ko kahit malamig ang paligid namin.

Kung gano kalambot ang labi niya habang hinahalikan ang kamay ko at kung gano kainit sa pakiramdam ang yakap niya.

I like you, Moon Nari.

Ilang beses ko ng naririnig yan sa utak ko na parang sirang plaka. Hindi ko lubos maisip na ang isang Kim Taehyung ay magkakagusto sa isang katulad ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya akong malaman na gusto niya ko at gusto ko syang kasama pero iniisip ko kung sapat na dahilan na ba yun.

Huminga ako ng malalim at saka sumandal sa upuan ko habang pinapaikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri ko.

Ayoko na sanang isipin yun dahil sabi niya okay lang daw kung ano man nararamdaman ko sa kanya, ang mahalaga ay nasabi niya sakin.

Hindi ko maiwasang hindi isipin. Hindi ko din kasi alam kung gusto ko din ba sya o hindi.

Biglang naputol ang pagiisip ko ng may kumatok sa pinto ko.

Napatingin ako sa pinto. "Ready to go Ri?" Tanong ni Jihyung sakin habang nakangiti.

Tumango ako. "Yup. Kunin ko lang ang coat ko." Sabi ko at saka tumayo at pumunta sa closet ko.

Paglabas ko ng kwarto nakatingin sakin si Jihyung.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya ng bahagya. "Wala naman. Iniisip mo parin ba yun?" Tanong niya sakin.

Ngumiti ako ng bahagya. Kahit alam kong excited at masaya sya ng malamang may gusto sakin si Tae, alam ko nararamdaman niya ang hesitation ko. "Hindi ko lang alam ang gagawin ko." Simpleng sabi ko.

"Wala ka namang dapat gawin. Hindi ba sabi naman niya okay lang sa kanya kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya? That only means na ayaw ka niyang mag alala kaya wag mo na masyadong isipin." Sabi ni Jihyung habang nakangiti ng bahagya.

"Pero di ko maiwasan." Bulong ko habang nakayuko.

"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil ayaw mo syang saktan?" Tanong ng pinsan ko sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

Ayaw ko nga ba syang saktan? Tanong ko sa sarili ko.

"Hindi ko alam. Siguro?" Sagot ko at napabuntong hininga ako.

"Mas matimbang parin ba sya?" Tahimik na tanong ni Jihyung sakin.

Napatingin ako sa kanya. Napaisip ako, kahit na meet ko na sya sa personal at nakasama sya, kasama ng ibang members ng BTS that time sinusubukan kong hindi ipahalata sa lahat pero masaya na kong makita sya ng malapitan at makausap ng saglit.

The way he greet me nung sunod ko syang nameet, yung ngiti niya, yung tingin niya sakin at ang pakiramdam ng kamay niya sa kamay ko nung nag shake hands kami, i can still feel that electric current na dumaloy sa buong katawan ko.

Napangiti ako ng hindi ko namamalayan.

"Oo nga. Mas matimbang parin sya." Sabi ni Jihyung sa pagitan ng tawa habang nakatingin sakin.

Natawa ako ng bahagya habang umiiling.

"So gano katagal mong itatago yang kilig mo pag kasama natin sila? Alam ko nung una kayong nag meet sobrang kontrol ang ginawa mo lalo na nung sunod na magkakasama tayong lahat." Sabi ni Jihyung.

Who Is My Bias? Where stories live. Discover now