Butterfly Garden

11 1 10
                                    

"Hay naku, kanina pa tayo dito di mo parin pala alam yung rules? Hayyy..." sabi ni Yoongi at sinandal ang ulo niya sa likod ng sofa.

Tinignan sya ng masama si Nari. "Pasensya na po ah. Ngayon ko palang kasi nalaro to." Sabi ni Nari habang nakatingin parin kay Yoongi.

Binuksan ni Yoongi ang mga mata niya saka tumingin kay Nari na nakaupo sa harap niya.

"Alam ko naman yun pero nakailang ikot na tayo tapos di mo parin pala gets. Hayyy..." napabuntong hininga si Yoongi habang umiiling.

"Eh nagkamali-" napatigil na si Nari magsalita ng magsalita si Taehyung sa tabi niya.

"It's either same numbers or color yung ilalapag mo Nari." Paliwanag ni Taehyung habang nakatingin sa card na nasa gitna.

Tumingin si Nari kay Taehyung. "Alam ko Tae. Nagkamali nga kasi ng tingin. Di ko napansin yung underline kaya akala ko 9 yung nalapag ko 6 pala. Nag react kasi agad yung isa dyan kala mo naman konti nalang hawak niyang cards." Paliwanag ni Nari habang nakatingin ulit ng masama kay Yoongi.

Ngumiti si Yoongi na parang nag aangas. "Ang tagal kasi maglapag nakakawala ng momentum eh." Sabi ni Yoongi ng mahina pero narinig parin ni Nari.

Tinaasan sya ng kilay ni Nari. Magsasalita na sana si Nari ng magsalita ulit si Taehyung.

"Okay! Nari kunin mo na to at maglapag ka nalang ng ibang card." Sabi ni Taehyung kay Nari na nakatingin parin ng masama kay Yoongi habang nakangiti parin ang binata kay Nari.

"Fine." Mariin na sabi ni Nari at saka kinuha ang una niyang card na nilapag kanina at nagbaba ulit sya ng bago.

Naglalaro ang BTS ng uno kasama sila Nari at Jihyung sa apartment ng BTS.

At simula ng magsimula silang maglaro ay kanina parin nagkokontrahan sila Nari at Yoongi na parang aso at pusa.

"Uno!" Sigaw ni Yoongi habang nakangiti ng malaki.

Umirap sa kawalan si Nari at saka tumayo.

"San ka pupunta?" Tanong ni Jihyung sa pinsan niya.

"Iinom lang." Sagot ni Nari at inirapan si Yoongi bago tumalikod at naglakad sa kusina.

"Yoongi, time out na sa pang aasar sa pinsan ko pede? Mukang inis na eh." Sabi ni Jihyung kay Yoongi na naka smirk habang tinitignan si Nari na naglalakad palayo sa kanila.

Tinignan ni Yoongi si Jihyung at saka tumingin sa ibang members.

"What?" Tanong ni Yoongi habang nakangiti.

"Tama na Yoongi. Naiinis na nga si Nari." Pagsang ayon ni Jin.

"Easyhan mo lang hyung. Parang bawat galaw ni Nari napapansin mo eh. Kota ka na today bukas na ulit." Sabi ni Namjoon at napa aray ng batuhin sya ni Jin ng takip ng bote ng softdrinks na iniinom niya.

"Pinapatigil na nga. Ginatungan mo naman ng bukas na ulit. Pag di na pumunta si Nari dito ikaw sisisihin ko." Seryosong sabi ni Jin kay Namjoon.

Natawa ng bahagya si Namjoon. "Joke lang yun to naman eh." Paliwanag ni Namjoon saka binato pabalik kay Jin ang takip ng bote.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Jimin kay Taehyung na ngayon ay nakatayo na.

"Kumustahin ko lang si Nari." Sabi ni Taehyung sa nakakatanda.

Tumango naman si Jimin at saka binalik ang attensyon kay Jihyung.

Habang busy ang iba na nagki-kwentuhan. Nakatingin naman si Yoongi kay Taehyung na papunta na sa kusina.

Who Is My Bias? Where stories live. Discover now