Chaos

5 1 0
                                    

Tahimik ang lahat. Nakaupo lang sa sala ang amin na binata habang tahimik na nakatingin sa iba't ibang direksyon.

Walang nagsasalita dahil lahat sila ay malalim ang iniisip.

Biglang bumukas ang pinto ng apartment nila at maririnig ang masayang boses nila Taehyung at Jihyung habang pinaguusapan ang masarap na isama sa paggawa ng hamburger.

Pagdating nila sa sala napatingin sila Taehyung, Jihyung at Nari sa amin na binata na nakaupo sa sofa habang nakatingin din sa kanila.

Napakunot ang noo ni Taehyung. "Anong nangyayari?"

"Tinatawagan namin kayo pero walang sumasagot kaya inantay nalang namin kayong dumating." Sabi ni Jimin habang seryosong nakatingin sa bestfriend niya.

"O-kayyy..." mabagal na sabi ni Taehyung na nakatingin kay Jimin, nakakunot parin ang noo niya at inaantay ang bestfriend niya na mas ipaliwanag pa ang point niya.

"Safe naman ba kayong nakarating dito? Wala namang unusual na nangyari habang papunta kayo dito?" Tanong ni Jin sa tatlo.

"Okay naman ang byahe namin. Hindi naman kami na trapik." Sagot ni Nari habang nakatingin kay Jin at nakakunot din ang noo niya.

Nag 'tsk' si Yoongi sa gilid at lahat ay napatingin sa kanya.

"Sabi sa inyo hindi pa kumakalat ang balita eh. Hindi pa alam ng lahat." Sabi ni Yoongi na may inis sa boses niya.

"Hindi mo sigurado yan Yoongi. Alam mong mabilis lumipad ang balita. I'm sure bago matapos ang araw na to alam na ng lahat at hindi lang si Tae ang dudumugin nila pati din si Nari." Sabi ni Jin na puno ng concern ang boses niya.

"Wag kayong mag alala. Nakausap ko na si Bang PD. Ginagawan na nila ng paraan pero kailangan niya tayong makausap lahat." Sabi ni Namjoon. Walang makitang emosyon sa muka niya.

Lalong kumunot ang noo ni Taehyung habang pinapakinggan ang usapan ng mga hyungs niya.

"Teka, ano ba kasing nangyayari? Bakit kakausapin tayo ni Bang PD?" Tanong ni Taehyung habang isa isang tinitignan ang amin na binata sa harap niya.

"I think mas better kung ikaw na ang mag basa." Sabi ni Hobi sabay abot ng phone niya sa nakababata.

Kinuha ni Taehyung ang phone at nagsimulang magbasa.

Habang tumatagal sa pagbabasa nanlalaki ang mga mata ni Taehyung.

"Panong..." simula ng binata ng matapos basahin ang article at tignan ang picture.

"Yan din ang tanong namin." Sabi ni Hobi.

"I'm not." Singit na sagot ni Yoongi.

Napatingin si Taehyung kay Yoongi na nakaupo sa gilid niya. Nilakihan ni Jin si Yoongi ng mata na parang sinasabi na tumahimik nalang sya pero nag kibit balikat nalang si Yoongi.

"Tae, pano ka nakapunta kayla Nari?" Tanong ni Namjoon. Wala paring emosyon na pinapakita ang muka niya pero hindi naman galit ang boses niya.

Napatingin si Taehyung kay Nari at tumingin din ang dalaga sa kanya.

Sandaling tumahimik ang lahat para antayin ang sagot ni Taehyung.

"Nag-nagtaxi ako." Sagot ni Taehyung sabay lunok ng laway niya.

Napapikit ng mata si Namjoon at parang pinipigilan niyang mag labas ng emosyon.

"Sabi na. Yung taxi driver yun." Sabi ni Yoongi.

"Hindi pa tayo sure hyung." Sabi ni Jungkook kay Yoongi.

"Kung hindi tayo sure dun sino pa ang magsasabi nito sa media? Eh yung taxi driver lang naman ang naghatid kay Tae sa bahay nila Nari." Paliwanag ni Yoongi habang nakatingin sa bawat isa.

Who Is My Bias? Where stories live. Discover now