Finding Bias

6 1 6
                                    

"Oh bakit hindi maipinta yang muka mo? Hindi ka ba masaya at excited? Tayo na yata ang pinaka maswerteng fangirls sa buong mundo. AAHHHH!!!" Tili ni Jihyung at saka sinara ang maleta niya.

Sinara na din ni Nari ang maleta niya at humarap sa pinsan niya. "Masaya naman ako. Iniisip ko lang na makakasama natin ang BTS sa outing na to tas magiging weird na naman sila Yoongi at Taehyung. Nakita mo naman yung nangyari sa restaurant mo di ba." Sabi ni Nari habang nakakunot ang noo niya.

Natawa ng bahagya si Jihyung. "Ewan ko ah. Pero nakakahalata na talaga ko dyan sa dalawang yan eh. Since confirmed na nating may gusto nga sayo si Taehyung, feeling ko may gusto din sayo yang si Yoongi oppa eh." Sabi ng nakababata habang nakangiti ng malaki.

"Si Yoongi? Hindi no. Malabo." sabi ni Nari at binaba na niya ang maleta niya sa sahig at saka hinila pataas ang hawakan nito.

"Tsk, tsk. Di tayo sure dyan my dear cousin. Ganyan din palagay natin noon kay Tae, tignan mo nangyari. Tama nga ko na may gusto sya sayo. Ikaw lang ayaw maniwala eh." Sabi ng nakababata habang tumatawa.

Napairap nalang sa kawalan si Nari at saka kinuha ang phone niya ng tumunog ito.

Binuksan niya ang text.

Nandito na kami sa labas. Baba nalang kayo if ready na kayo. 😁

Tumingin si Nari sa pinsan niya pagkabasa niya sa text.

"Nasa baba na daw sila Tae. Lika na." Sabi ni Nari sa pinsan niya na inaasar parin sya kay Taehyung hanggang sa makapasok sila sa elevator.

Hindi na matiis ni Nari ang pangaasar ng pinsan niya kaya humarap sya dito. "Tumigil ka na Ji. Baka gusto mong sabihin ko kay Jimin na hobby mong tignan ang abs niya bago ka matulog." Pagbabanta ni Nari sa pinsan.

Nagsmirk ang nakakatanda ng makita na nanlaki ang mga mata ng nakababata at parang kinabahan ito na parang natakot.

"Hindi mo gagawin yan." Sabi ni Jihyung habang nakatingin ng masama sa nakakatanda.

Natawa ng bahagya si Nari. "Oh, i will my dear couz. Pag hindi ka tumigil sa pang aasar sakin kayla Taehyung at Yoongi. I swear to god sasabihin ko lahat ng kabaliwan mo kay Jimin."

Kumunot ang noo ni Jihyung at nag pout. "Fine hindi na." Tahimik na sabi ng nakababata.

Ngumiti lang si Nari at saka tumunog ang elevator.

Pag labas nila sa building ng apartment nila nakita nila ang black van na nakapark sa tapat ng building nila.

Bumukas ang pinto ng van at nakita ng mag pinsan si Jin na nakangiti sa kanila. "Hi guys. Pasok kayo. "

Nanlaki ang mga mata ni Jihyung ng makita niya ang ngiti ni Jin sa kanila saka nga tumango at ngumiti din.

Napailing habang nakangiti nalang si Nari dahil alam niyang kahit ilang beses na nilang nakakasama ang BTS hindi parin masasanay ang pinsan niya sa kanila dahil lagi parin itong nastar struck sa kanila.

Pumasok na silang dalawa at tinulungan nila Hobi at Jimin ang mag pinsan na ilagay ang maleta nila sa likod ng van.

Umupo si Jihyung sa gitna nila Hobi at Jimin habang si Nari naman ay nakaupo sa gitna nila Yoongi at Taehyung habang katabi naman ng nakababata si Jin at nakaupo sa passenger seat si Namjoon at si Jungkook naman ang nagd-drive.

Tumigin sa likod si Jungkook. "Ready to go guys?" Tanong ng nakababata sa likod habang nakangiti ng malaki.

Sumigaw ang lahat na ready na sila at bago humarap si Jungkook sa road kinindatan niya si Nari na tumawa ng bahagya sa ginawa niya.

Who Is My Bias? Where stories live. Discover now