CHAPTER THIRTY-FIVE

9 0 0
                                    

🌷🌷🌷

TINAWAGAN NI ASHLEY si Knight para alamin ang totoo dito. At nakomperma nga niya na naging kasintahan ni Knight si Shy noong nasa koliheyo ang mga ito. Kung ganoon ay kilala na siya bago pa sila nagkita sa resort ni Enzo. Hindi pa rin mapigilan na magalit ni Ashley sa babae dahil tumahi pa ito ng kwento para lang masira siya kay Enzo. Aaminin niya na minsan niyang hinangaan si Knight at pinangarap na maging kasintahan ngunit hanggang doon lang iyon dahil ng magpakasal siya kay Lorenzo ay naputol na ang lahat.

At saka, sa simula pa lang alam na niyang may ibang babaeng nagugustuhan si Knight. Nasa America ang babaeng nagugustuhan ni Knight noon kaya nga nagtataka din siya kung paano nito naging kasintahan si Shy.

Ayon sa kaibigan ay tatlong buwan lang ito at si Shy. Makulit daw kasi ang babae kaya pinagbigyan nito. Kaso di din nagtagal dahil wala naman talagang nararamdaman si Knight at ayaw niyang niluluko ang babae. Walang sinabi si Knight kung paano naghiwalay ang mga ito. Ang sabi lang ng kaibigan ay tinapos nito ang relasyon pagkatapos ng tatlong buwan.

Nasa labas ng resort si Ashley at umiinum ng alak. She is very disappointed with Enzo. Agad kasi itong naniniwala sa sinabi ni Shy patungkol sa kanya. Hindi man lang siya tinanong ng lalaki. Revenge? Why she does such thing? Hindi siya ganoon kababang tao para maghigante ng dahil lang sa iniwan siya ng kasintahan. Well, she is now plotting a revenge to someone but that someone deserve it. Pagkatapos nitong saktan ang taong importante sa kanya.

Napatingin sa bituin si Ashley. Maganda ang kalangitan ng mga sandaling iyon. Ganoon din ang simoy ng hangin. She misses a low back life. Iyong wala siyang iisipin na problema. But her life is a mess. Mula pa naman noon ay magulo na talaga ang buhay niya. Iniisip ng lahat na masaya maging isang Ashley Cortez. The living princess in the modern generation but people doesn't know how she suffer. Marunong din siyang masaktan, umiyak at magalit. Well, she is also a human with emotion.

"Hey!"

Natigilan si Ashley ng marinig ang pagtawag na iyon. Nagtaas siya ng tingin at nakita niya si Enzo na nakatayo sa tabi niya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nabuhay ang inis sa puso niya pero hindi niya makaka-ilang bumilis ang tibok ng kanyang puso. This man still owns her heart even years has passed. Tama nga ang sinabi ng kanyang mga pinsan. Isang beses lang magmahal ng totoo ang isang Cortez. Isang beses lang nila ibibigay ang puso nila.

Hindi siya umiimik. Umupo naman si Lorenzo sa tabi niya. Walang kahit nagsalita sa kanilang dalawa. The awkward atmosphere suddenly surrounds them. Hindi iyon pinansin ni Ashley. Nagpatuloy lang siya sa pag-inum ng alak.

"I'm sorry."

Napahinto sa pa-inum si Ashley ng marinig ang dalawang salitang iyon kay Enzo. Hindi pa rin siya tumingin sa binata. Nanatili ang kanyang mga mata sa apoy na nasa harap niya.

"I know I'm wrong to judge you. I hope you forgive me. So, I want to know also your side." Tanong ni Enzo sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "I ask Knight about what you said."

Tumingin siya kay Enzo ngunit agad din siyang umiwas ng makitang nakatingin sa kanya ang binata. Seryuso ang mga mata ng binata. Lalong nagwala ang puso niya dahil dito. Tumikhim siya at huminga ng malalim.

"Naging sila nga ni Knight noong nasa koliheyo sila pero kahit minsan ay hindi ako naging kasintahan ni Knight. We just friend. Kaibigan ko siya. Kami ng mga pinsan ko. At ngayon nga ay secretarya siya ng pinsan ko. I don't want to explain to you. Wala naman kasing rason pero ayoko ng may taong nagsasalita ng masama tungkol sa pagkatao ko lalo na kung hindi naman niya talaga ako kilala ng lubusan. I don't know why Shy lied to you about me and Knight but my conscience is clear. Wala akong inaapakan na kapwa ko babae. Hindi ako ganoong klaseng tao."

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now