CHAPTER THIRTY-THREE

7 0 0
                                    

🌷🌷🌷

NASA RECEPTIONIST SI ASHLEY at binabayaran ang kanyang pananatili sa resort na iyon. Umaga palang ay nag-check out na siya. Babalik siya ng Maynila ng araw na iyon at sinabi na niya kay Kuya Timothy ang gagawin. Kailangan niyang gawin iyon para magawa na ni Mary Ann ang dapat gawin. She doesn't need to stay here. Nakuha na din naman niya ang kailangan.

"Ashley..." Natigilan siya ng marinig ang pagtawag na iyon sa pangalan niya.

Napalingon ang dalaga at nakita niya si Enzo na naglalakad palapit sa kanya. Nakashort at white t-shirt ang binata. Napansin niyang may towel sa balikat nito at may mga pawis ang mukha. Ngumiti siya dito.

"Good morning." Bati niya.

"Going somewhere?" Tumingin ito sa luggage na nasa likuran niya.

Nagsalubong ang kilay ng binata.

"Yah! I'm going back to Maynila today." Iniiwas niya ang kanyang mga mata.

"Today? Akala ko ay one week ka dito. It's been four days. Babalik ka na agad?" Hindi maitago ang disappointment sa boses ni Enzo.

"Yes. My company needs me. Kailangan ko ng bumalik ng Maynila eh. May emergency." She wants to bite her finger for lying.

"Oh! Ganoon ba." Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng binata.

Nakadama na rin ng lungkot si Ashley pero agad niyang inalis iyon. Ibinalik niya sa dati ang emosyong nakalarawan sa mukha. Isang pekeng kasayahan.

"I have fun staying at your resort, Enzo. I'll recommend your resort to my friends."

"Thank you, Ashley. I hope you stay longer pero alam ko naman na marami kang obligasyon sa negosyo mo. I'm happy to here na nagustuhan mo ang pananatili mo dito sa resort namin. Sana makabalik ka."

"I'll come back if I have time, Enzo. At sana magkita ulit tayo." Hinarap niya ang receptionist. "Okay na ba, Miss."

"Yes, Ma'am. Just sign here and here's your card." May ibinigay na papel ang babae at ibinalik nito ang credit card niya.

Agad niyang pinirmahan iyon at kinuha ang card niya. Muli niyang hinarap pagkatapos si Enzo na nakatingin sa bawat galaw niya. Nadarama niya ang init ng mga tingin nito. Nagwawala na naman tuloy ang puso niya.

"So, papaano? Goo---"

"Are you in a hurry? Pwede mo ba akong samahan mag-agahan muna?" May paki-usap na tanong nito.

Sasagot na sana siya ng may narinig nag pagtawag sa pangalan niya. Agad siyang napatingin sa entrance ng resort.

"Kuya Timothy..." Masayang banggit niya sa pangalan ng nakakatandang pinsan.

"Nakapag-check out ka na?" tanong ni Kuya Timothy sa kanya ng tuluyan itong makalapit.

"Yes. Salamat sa pagsundo."

Tumungo lang si Kuya Timothy. Tumingin siya kay Enzo. Nakamasid pala ito kay Kuya Timothy at may napansin siyang emosyon sa mga mat anito. He's eyes speak dangerous. May galit sa mga mata nito habang nakatingin kay Kuya Tim.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Nakuha naman niya. Agad na nagbago ang emosyon sa mukha at mga mata ng binata.

"I'm sorry kung hindi kita mapagbigyan, Enzo. Nandito na ang sundo ko eh." Nahihiyang wika niya.

"I see." Sinulyapan nito si Kuya Timothy.

Nakuha niya ang ibig sabihin ng pagsulyap nito sa bagong dating. "Ah... I want you to meet my cousin, Kuya Timothy Saavadra. Kuya Tim, siya ang manager ng resort, Enzo Cruz."

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon