35

513 15 0
                                    

Scarlet's pregnancy is very  sensitive, kailangan siya bantayan at alagaan ng bente-kwatro oras. Hindi rin siya maaring kumilos dahil baka duguin siyang bigla,  kailangan niya na mahiga lang, magpahinga at kumain.

Scarlet feel worthless upon knowing her case.

Wala lang siyang magawa kaya pinili niya na sundin ang mga ipinayo ng doctor. May isang linggo na siyang nasa poder ni Shaun, matalik na kaibigan ng asawa niya, may isang linggo na rin magmula noong iwanan siya ng walang paalam ng asawa niya at pamilya nito. Alexander is her other half, pakiramdam niya ay ismo siya naputulan ng pakpak ng mawala na lang  ito na para bang isang bula. 

Naka-upo ngayon siya sa balkonahe na matatagpuan sa kwarto na pansamantalang tinutulugan niya habang kumakain ng ubas at mansanas na inihain ni Carmen, ina ni Shaun sa kaniya kanina habang nakikinig ng musika at paminsan-minsan ay sumasabay dito.

"Nandito lang pala ang magandang buntis na hinahanap ko," may malapad na ngiti si Shaun sa kaniyang mga labi nang dumating. May dala-dala siyang  tasa na may lamang mangga at bagoong sa kaliwang kamay at tubig naman sa kabilang kamay. Umupo siya sa bakanteng sofa na nasa tapat ni Scarlet at inilapag ang mga dala sa coffee table. "Sorry pala 'bout last night, hindi ako nakauwi e. Si direk kasi, pinaulit ang lahat ng shots kaya 'yon. Napilitan tuloy ako na hindi umuwi kagabi, hindi ko tuloy nabili ang paborito mong mangga. "

"Huwag mong isipin 'yon, mas mahalaga ang trabaho mo. Nabili na rin naman ako ni Mikaella, bumisita siya dito kagabi. Siya nga pala, may balita ka na ba tungkol kay Alexander?" Pahaging na tanong nito.

Suminghap si Shaun bago umiling, "wala e. I did try to reach Emprezz pero wala rin daw silang balita tungkol kay Alexis and even sa family nila."

"Gano'n ba?" Peke ito na ngumiti. She was still longing and hoping for his comeback, she loves hims that much she couldn't be angry with him despite what her husband had done to her.

Shaun felt the urge of jealousy inside him, idinaan niya na lang ito sa pagngiti. "Hayaan mo, I'll try my best to find him. " he said while silently wishing that hopefully he would never get any news about his best friend. 

Naniniwala si Shaun na sobrang unreasonable ng ginawang pang-iiwan ni Alexander kaniyang asawa kahit pa may ideya siya na hindi iyon ginusto ng kaibigan, he still wants to blame Alexander. He blame Alexander for being a coward, sa palagay niya ay puro lamang ito salita at ni hindi man lamang maipaglaban ang asawa niya. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa para sa babae, ang pagmamalasakit niya na nga lang ang ginagawa niyang panangagalang upang  kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman ni Scarlet

"Scarl, gusto mo ba na mag-shopping? Mamili tayo ng mga gamit na pang-baby tapos next week , aasikasuhin na natin 'yong nursery para sa baby mo. " Suhestiyon ni Shaun sa abala ngayon sa pagkain ng mangga na si Scarlet. 

"As much as I want to, hindi ko rin kaya. Wala akong pambili e, " malungkot nitong pahayag.

"That's the reason why I'm here Scarl, ngayon pa lang ay aaguinaldohan ko na ang inaanak ko. Wala rin naman akong balak na mag-asawa o mag-anak kaya 'yong baby mo na lang ang iispoil ko. 'Di ba baby?" Yumuko ito na sapat lang upang maabot ang umuumbok na tiyan ni Scarlet at hinagkan ito. "Baby, this is your Daddy Ninong, I can't wait to see you. Bibilhan kita ng lahat-lahat ng gusto mo. Okay? I'm gonna be your second Dad."  Hinimas-himas pa niya ito at pinupug ng halik.

Scarlet can't help but to be teary-eyed, it was a tears of joy and at the same time a tears longing for his husband's presence. Tahimik niya na hinihiling na sana ay si Alexander ang humahalik sa kaniyang tiyan ngayon at hindi si Shaun, na sana ay sa bahay nila siya nakatira ngayon at ito ang nag-aalaga sa kaniya at hindi siya nakikituloy ngayon sa pamilya ni Shaun.

  "Why are you crying?" usisa ni Shaun habang pinapahiran ang  mga nakawalang butil ng luha sa mga pisngi ni Scarlet. Hindi niya ito namalayan, ang akala niya kasi ay nakatanaw lang siya sa malayo ngunit hindi niya alam na kasabay ng kaniyang pagtanaw ay siyang pagbagsak ng mainit na likido mula sa kaniyang mga mata. "Don't cry, sige ka pati ang baby mo malulungkot kapag umiyak ka. Gusto mo ba 'yon?" Tanging iling at paghagulgul ang naisagot niya sa tanong ni Shaun na wala namang nagawa kung'di yakapin na lang ang asawa ng kaibigan.

He doesn't know how to give advices or to give comfort to a woman lalo na at wala siyang experience sa seryosong pakikipagrelasyon. Sa kanilang dalawa ni Alexander ay siya ang inosente sa pakikipagrelasyon, playboy kasi siya. He take girls on a date then after banging them for a night, Shaun will left them.

Well, that's the old him. Mula noong makilala niya ang dalaga pa noon na si Scarlet ay nagbago ang pananaw niya, he met Scarlet in the same place where Alexander met her. He fell in love the first time he met her, Scarlet own this breathtaking beauty that every boys might fall. She definitely caught his attention at first met, hindi nga lang talaga niya maamin dahil alam niya na may gusto ang babaeng gusto niya sa kaniyang best friend. Isa 'yon sa rason kug bakit nagpanggap si Shaun na hindi alam kung sino ang ipinahahanap ni Alexander noon, he doesn't want them to meet. Ayaw niya na maging third-party si Scarlet but things happened. Tadhana mismo ang naglapit sa dalawa. 

And that thing broke Shaun into pieces.

Natuloy ang  kaninang pag-aaya ni Shaun na mamili ng mga gamit pambata, ginamit niya ang sariling pera at hindi na kinuha ang ipinapadala ni Shiela na para sana sa pagbubuntis ni Scarlet. Naniniwala si Shaun na sapat na ang narananasanna  hirap ng babae sa poder ng mga Montecillio, ayaw niya nang mai-konekta pa si Scarlet sa pamilyang 'yon. Siya na mismo ang maglalayo kay Scarlet, batid niya na mali ang gagawin niya ngunit mas mali na manatili pa ito na naka-asa sa pamilya na naging dahilan kung bakit hindi maayos ang kalagayan nila na mag-iina.

Sobra-sobra pa nga  ang ipon niya mula sa kaniyang mga trabaho, inihahanda niya na kasi ang sarili sa paglagay sa tahimik. Tamang babae at tamang panahon na nga lang ang hinihintay niya, nais na rin siya na pag-asawahin ng ina dahil sa tatlong magkakapatid, siya pa na panganay ang wala pang asawa.  Naniniwala siya na si Scarlet ang tamang babae para sa kaniya ngunit dumating ito sa maling panahon at pagkakataon.

"Nakapili ka na ba?" Lumapit si Shaun kay Scarlet na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ang dalawang set ng pajama na pang-baby.

"Hindi pa nga e, lahat kasi ay magaganda."

"E'di lahat ay bilhin natin," pagdedesisyon niya at kumuha pa ng walo  set ng damit pambaby. 

"Shaun, huwag muna kaya. Baka masayang e, hindi pa naman tayo sure sa gender ng baby ko." Pigil ni Scarlet sa kaniya nang akamang kukuha pa ito. 

"Five months na 'yang tiyan mo 'di ba? Hindi ka pa ba napapacheck up ng mama?" tanong ni Shaun.

Umiling naman si Scarlet, "busy kasi ang Tita. Ayaw ko naman na istorbohin siya."

Napailing si Shaun habang ibinababa ang mga damit na hawak, " tara na." aniya at hinigit ang braso ni Scarlet. "Maaga pa naman at sure ako na kakapasok lang ng Tita, magpapa-check up tayo ngayon mismo saka tayo bumalik dito para sure na tayo sa bibilhin natin para sa baby mo."

She let him decides for her, hindi na siya tumanngi dahil para naman iyon sa kaniyang baby. Everything Shaun does is for her and her baby, ito ang nagpapakasawa sa kaniya at pumumupuno sa lahat ng pagkukulang ni Alexander.

"Oh my Scarlet! I have a good news for you," may malapad na ngiting wika ni Dra. Clarita  Clinton. She is Shaun's aunty, isang doctor at matandang-dalaga ito.

"A-Ano po 'yon?" Pagtataka ni Scarlet, napatayo rin si Shaun sa kinauupuan dahil nagtaka rin ito sa naging reaksyon ng kaniyang tiyahin. 

"Congratulation, you will be having a triplets. Lahat sila base sa ultrasound mo ay lalaki." Malapad ang ngiti nito at napapalakpak pa.

Nagkatinginan naman sina Shaun at Scarlet, malapad na ngumiti si Shaun sa babae. "Babies," aniya. "Babies pala ang nasa loob nito," hinimas niya ang tiyan ni Scarlet. "Now I know the reason kung bakit malakas kumain ang Mommy na 'yan." 

"Huwag mo munang hawakan ang tiyan niya," nahampas pa ni Dra. Clarita ang kamay ni Shaun. "Hindi pa ako tapos mag-ultasound e, huwag ka na munang excited."

Scarlet didn't expect to have a twins nor a triplets basta't ang alam niya lang ay basta't dala-dala niya ang anak ni Alexander ay masaya na siya. Hindi niya naman akalain na tatlong bata na mula sa binhi ng kaniyang asawa ang dindala niya at dadalhin pa sa mga susunod na buwan. 

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now