6

872 18 1
                                    


WARNING: R18 SPG,MATURED CONTENT AND SCENES. NOT TO BE READ BY AUDIENCES UNDER 18 OF AGE. READ AT YOUR OWN RISK.

MADALING ARAW ng Lunes noong umalis sina Alexander at Scarlet sa mansyon ng mga Montecillo, hindi batid ni Scarlet kung saan sila pupunta o kung ano ang gagawin niya pero nahihiya siya na magtanong kay Alexander kaya naman pinili niya na manahimik. Lulan ang dalawa ng isang private jet na pagmamay-ari ng binata mismo, ang private plane na sikreto nitong naipundar noong siya ay bente-dos anyos pa lamang. 

"How's your feeling right now?" Siyang tanong ni Alexander sa dalaga na kanina pa nakamasid sa bintana. Hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga na nakapatong sa armrest at pinisil-pisil. 

"Ang totoo, excited ako. First time ko kasing makasakay ng eroplano," baling ni Scarlet sa binata.

"Really?" Alexander asked in delight. "Well, I feel so honored. Ako pala ang unang lalaki na nakapag-sakay sa'yo sa eroplano."He said as he smile confidently.

Impit na natawa ang dalaga bago muling ibaling ang mga mata sa bintana, wala naman talaga siyang nakikita roon bukod sa mga mala bulak na ulap na kahit hindi siya interesado sa  kulay na kalangitan ay tinitiis niya para amaibaling ang atensyon niya rito. Kapag kasi nakikita niya ang binata ay nananariwa ang sa kanya ang isinagot nito sa itinanong niya noong isang araw, tungkol sa pagpapakasal nito kay Arriane. Hindi niya maiwasan na masaktan, she likes Alexander and that's the undeniable fact.

"Are you hungry?" Tanong nang nabuburyong nang si Alexander, muli niyang pinisil ang kamay ng dalaga na hawak-hawak niya para mapukaw ang atensyon nito. 

"Nope, busog pa ako. Marami akong nakain na breakfast kanina, masarap kasi magluto ang Mommy mo." Tugon ng dalaga, pinilit niya ang sarili na hindi lingonin ang lalaki. 

Napansin iyon ng binata, hindi nakaligtas sa kanya ang kanina pang pag-iwas ng dalaga.

"Scarl, are you okay?" Takang tanong ng binata, he was curious and unaware sa nararamdaman ng dalaga. "Scarl look at me, Scarlet look at me. Please look at me."

Hindi  nakatiis ang dalaga, nilingon niya rin naman ito. "Bakit?"

"Is there any problem? You can talk to me."

"Wala naman, ini-enjoy ko lang ang view rito." She reasoned out at muling ibinalik ang mga mata sa bintana. 

"Talk to me, mas mahalaga ba 'yang mga ulap na 'yan kaysa sa akin?" Nakanguso nitong sabi.

Oh God! Please Alexander h'wag kang magpa-cute. Sigaw ng dalaga sa isipan niya, batid niyang marupok siya pagdating sa binata dahil sabik siya sa presensya nito. 

Napabuga ng hangin si Scarlet bago niya muling balingan ng atensyon ang binata, she automatically smile sweetly nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa.

"Ano naman ang gustong pag-usapan nating dalawa?" Usisa ng dalaga.

"About us."

"Us?"

"Yeah, us."

"Walang us," labas sa ilong na sambit ng dalaga. "Hindi ka pa tapos magmahal ng iba e kaya paano natin pag-uusapan ang 'us' na sinasabi mo." Hindi naka-imik si Alexander mula sa narinig sa dalaga, totoo namna kasi ang sinasabi niya. Hinintay ni Scarlet na makasagot ang binata at nang wala siyang marinig mula rito ay bumalik siya sa kaninang ginagawa, ang pagmamasid sa bintana at pagtingin sa kawalan. 

"Do you want me to talk to Ari?"

"Ikaw ang bahala, she's your girlfriend afterall." Pineke nito ang pagngiti nang humarap siya sa binata. "It's your decision and not mine,"

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now