26

527 14 0
                                    

"A-Alexander..." nauutal na sambit ni Scarlet, napatayo siya mula sa kinauupuan

"H-Hey sunshine!" Patakbong lumapit si Alexander kay Scarlet at agad ito na yinakap nang napakahigpit. "I miss you," he murmured. Muli siyang naluha, finally ay nakita niya na rin ang pinakamamahal niya. He'd been longing for her for three days and that three days felt like years. "I miss you Scarlet, my sunshine." Halos maluha siya habang yakap-yakap at yinayapos pa ang dalaga.

"A-Alex..." Pinipigilan niya ang sarili na yakapin ito but she couldn't, kahit anong pilit niya ay mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa binaya. Miss na miss niya na rin kasi ang lalaki, hindi siya sanay na matagal ito na mawala sa tabi niya. In the end ay sinuklian niya na rin ang mahigpit na yakap nito.

"Baby I miss you, akala ko hindi na tayo magkikita pa na dalawa." Sinamyo-samyo pa niya ang mabangong amoy nito at hinalik-halikan ang balikat ng dalaga.

Pinagmasdan lang sila ni Arriane na, nakangiti siya habang pinanonood ang dalawa. She was really for Alexander, hindi man naging maganda ang past nilang dalawa ay sigurado siya na may mas better na future ang naghihintay para sa dati niyang kasintahan.

Agad na napansin ni Scarlet ang mga titig ni Arriane kung kaya't pinilit niya na kumalas mula sa
pagkakayakap ng lalaki na ikinagulat naman ni Alexander. Taka niyang tinignan si Scarlet na nag-iwas naman ng tingin, bumalik siya mula sa pagkakaupo sa sofa ay yumuko.

"Scarlet, are you okay?" Takang tanong nito, tanging tango lang ang isinagot ni Scarlet. "Scarl..."

"Magpapaalam na ako, g-gusto ko nang umuwi."

"But this is your home, ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Uuwi na ako sa mga kapatid ko, panigurado ako na nag-aalala na sila sa akin. Matagal na rin akong nawalay sa kanila," aniya.

"I'll go with you," ngumiti si Alexander.

Umiling naman ang dalaga, "hindi puwede Alexis."

"Why not? Ayaw mo ba ako na maipakilala sa mga kapatid mo? C'mon Scarlet, I'm your boyfriend. Haharap ako sa kanila at ipakikilala ko ang sarili, I will prove to them na karapat-dapat ako for you." Muli siyang umiling, "Scarl what's this?" He started to feel unease, 'yong excitement na nararamdaman niya kanina biglang napalitan ng kalungkutan nang maramdaman niya ang tila pag-iwas ni Scarlet. "Scarl..."

"'Yong kasal mo na lang ang asikasuhin mo, h'wag na ako. Okay na naman na ako e, mukhang tapos na rin ang papel ko rito." Pineke niya ang kanyang pagngiti.

"Hindi kita maintindihan," he look comfused.

She scoff and laugh bitterly, "alam ko na naman ang totoo, hindi mo na kailangan na magsinungaling o magmaang-maangan pa."

"Scarlet, hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yang mga sinasabi mo pero I am willing to explain myself sweetie. Just  please give me some time to hear my side," naro'ng nanikluhod na siya sa harapan ng dalaga. Muli niyang sinubukan na kuhanin ang mga kamay nito, na sa pagkakataon na 'yon ay hindi na ipinagdamot ng dalaga.

"Maiwan ko muna kayo," ani Arriane. "I think you two need some privacy to fix some things out, please excuse me." Tumayo si Arriane mula sa sofa at akmang aalis ngunit huminto upang saglit na magbigay paalala. "Scarlet, kung ano man ang mga sinabi ni Kuya Vernon sa'yo. H'wag na h'wag mo sana iyong paniniwalaan, I knew you're in pain kaya ka nagkakaganyan. Malamang ang nangyayari sa isipan mo ngayon ay kasalanan ng kapatid ko, ako na mismo ang humihingi ng dispensa sa kanya." Aniya bago tuluyan na umalos dahilan upang mawalan ng imik si Scarlet.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin at paniniwalaan, she's in pain. Magulo ang isipan niya at hindi siya mapakali, hindi niya naman gawain na magpalamon sa kung ano man ang sinasabi ng iba but the fact na naniwala siya sa sinabi ni Vernon make here question her own self.

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now