23

518 19 0
                                    

"VERNON! VERNON LUMABAS KA SA PINAGTATAGUAN MO! ILABAS MO SI SCARLET" Malakas na pagsigaw ni Alexander habang pumapasok sa bahay ng mga Evangelista.

"Hijo huminahon ka lang, wala rito si Vernon at mas lalong wala rin si Scarlet na nakatira dito." Si Zamora iyon na abot ang pigil sa walang awat na pagpasok ni Alexander sa tahanan nila.

"Alexander, what are you ding here?" Siyang taning ni Arriane na pababa ngayon sa hagdan. Nasa kwarto siya kanina at nagre-rehearse ng script ngunit nang marinig ang pagwawala ni Alexander ay agad siya na lumabas mula roon at hinarap ang dating nobyo.

"Ilabas ninyo si Vernon please! Ilabas ninyo si Vernon! Nasa kanya si Scarlet! Nasa kanya ang girlfriend ko." Mangiyak-ngiyak  niyang sigaw. 

"What? What are you saying? Kahapon pa wala si Kuya, he's out of town. Ang sabi niya ay magpapakalayo-layo muna siya to freshe up, nag-away kasi sila ni Lolo e."

"Ang sabi sa akin ni Daddy, k-kasama raw ni Vernon si Scarlet. Ang sabi ni Daddy, kinuha raw ni Vernon si Scarlet."

"H-How? W-What I mean is..k=k Kahapon pa umalis si Kuya, hindi pa siya umuuwi until now. And it is merely impossible na kasama niya si Scarlet dahil  nasa out of town kayo 'di ba? Kakakita ko lang ng  story mo sa instagram e." Takang sabi ni Arriane

"Something happened noong nasa  isla kami, nagising na lang ako na nandito na ako sa Manila at hindi ko na kasama si Scarlet. Arriane please, nakikiusap ako sa'yo." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng dalaga at lumuhod. "Sabihin mo na kung nasaan ang kuya mo, kailangan ko sila mahanap. Nasa kanya si Scarlet, lahat gagawin ko, maibalik lang si Scarlet sa akin.  If you want, I will talk to Mr. Yohan Carbonel para maipasok ka sa mga susunod na drama project, teleseryes, at sa kahit ano. Sabihin mo lang sa akin kung nasaan si Vernon." 

"A-As much as I want to Alexander, hindi ko alam. Hindi rin ako makakatulong, hindi ko alam kung nasaan si kuya o kung kasama niya nga si Scarlet." Tugon ni Arriane, agad na sinipat ng mga mata niya ang mga mata ng ina na nakatingin sa kanya.

"Gagawin mo ba talaga ang lahat?" Si Reymundo 'yon na pababa nang hagdanan, kasama niya ang kanyang private nurse na umaalalay sa kanya/ "Kahit ano?"

"Oo kahit ano, basta't maibalik lang sa akin si Scarlet."

"That's a good thing to hear," ngumisi ang matanda. "Kung pakakasalan mo ang apo kong si Arriane ay ituturo ko ang kinaroroonan ni Vernon at Scarlet ngayon ngunit kung hindi ay magpaalam ka na kay Scarlet dahil aangkinin na siya ng apo." 

"At sa tingin ninyo, papayag ako na maangkin niya ang girlfriend ko nang gano'n lang? No fucking way! Scarlet is my girlfriend, hinding-hindi  ko hahayanan na mapunta lang siya kay Vernon. H'wag ninyo akong gaguhin!" Bulalas ni Alexander sa matanda.

"Marry Arriane then, kung gusto mo talaga na mabawi si Scarlet." Panghahamon pa ni Reymundo kay Alexander.

"Makaka-asa ba kami na kapag nagpakasal ang anak ko sa apo mo ay ibabalik mo si Alexander sa amin?" Paninigurado ni Shiela.

"I never break a promise my dear Shiela, ibabalik ko nang buong-buo si Scarlet sa anak mo." Ngumiti ang matanda, "Alexander, hijo. Ang sagot mo na lang ang hinihintay ko."

To be able to get Scarlet, Alexander needs to marry Arriane. Hindi niya alam kung paano o ano ang pipiliin lalo na at napakahirap ng choices na ibinigay sa kanya. He doesn't want marry Arriane pero kung hindi niya pipiliin ang magpakasal ay mananatiling kasama ni Vernon ang babaeng mahal niya. He doesn't have any choice.

"Let's make a deal then," ani Shiela. "Hahayaan ko na magpakasal sa apo mo ang anak ko kung hahayan mo na ako mismo ang mag-ayos ng kasal nila, from the biggest to the smallest detail." Shiela is Alexander's mother, hindi siya gagawa ng desisyon at plano na ikapapahamak ng anak niya. She knows how to play the game, alam niyang dehado ang bunsong anak  na si Alexander at wala itong pagpipilian  kung'di magpakasal kay Arriane para makuha niya ang ababeng mahal. 

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now