33

460 18 1
                                    

"Where is she? Where's my wife?" Ito ang mga unang salita na nabanggit ni Alexander ilang araw matapos siya na magising at maka-recover mula sa pagkaka-comatose.

Stable na ang lagatyng binata, kailangan niya lang na magpagaling at maging okay pa. Kinakailangan din niya na sumailalim sa ilan pang mga test bago tuluyan na ma-discharge. Ang kaibigang si Shaun ang bantay niya noong magising, wala ang kanyang asawa dahil sumama ang pakiramdam nito. Pina-uwi muna ni Shiela ang manugang at doon sa bahay ay nagpapagaling pa, wala itong ideya na nagising na ang asawa niya.

Pinili ng mag-asawang Geron at Shiela na ilihim muna ang kalagayan ngayon ni Alexander kay Scarlet, oras na malaman ng babae na nagising na ang asawa ay mauunsyami ang pagpapahinga nito at magpupumilit na pumunta sa ospital.  Batid naman ni Alexander ang nangyari sa asawa, sinabi na ito ni Almyrah nang minsan itong dumalawa. Tulad ng inaasahan ay nag-alala ito at pinilit na magpauwi ngunit hindi pumayag ang mga magulang lalong-lalo na ang doktor niya na si Dr. Carlos Montecillo, tiyohin niya at nakababatang kapatid ng kanyang jna.

"I badly wanna see Scarlet, bakit ba ayaw ninyo na makausap ko siya?" bulalas nito.

"Hindi sa ayaw namin, kailangan lang talagang gawin nila Mommy mo ito. Alam mo naman ang kalagayan niya ngayon Alexis, kinakailangan na magpagaling ka muna bago mo siya makita." ani Shaun na nagbabalat ng saging. "You need rest, Scarlet's need rest too. Pareho kayong mamahinga na dalawa para kapag gumaling na kayo pareho e maituloy ninyo na ang love story ninyong dalawa."

"Did she overwork herself? Tell me what happened to her."

Napabuntong hininga na lang si Shaun, sigurado siya na isang serye ito na kung saan isang buong araw niyang ikukwento ang buong nangyari noong comatose ang kaibigan. "She did, mula noong unang araw hanggang sa araw bago ka nagising ay nakabantay si Iska. Ni hindi na nga nautulog 'yon, madalas ay nalilipasan na rin ng gutom kakaantay na magising ka. No'ng nagising ka naman ay siya naman ang nagkasakit, hindi tuloy kayo nakapang-abot."

"I feel bad, kung hindi sana nangyari 'yong accident. Magkasama sana kaming dalawa ngayon."

"Don't feel bad, hindi mo naman ginusto ang nangyari.  Everything happened for a reason," aniya bago kumagat sa saging.

"What do you think is the reason of this situation?"

"Malay ko!" Napakamot siya sa ulo. "Alexis baka nakakalimutan mo, model ho ako at hindi fortune teller."

"Chill! I'm just asking, sabi mo kasi e." He paused for awhile before speaking again, "hindi kaya karma ko ito?"

"Karma?" tanong ni Shaun habang ngumunguya. "What do you mean?"

"Karma sa nagawa ko, sa kanila ni Arriane." Mahina niyang sambit

"Ano do'n? 'Yong pinagsabay mo sila? Natural naman na sa'yo 'yan Alexis e, nature mo na. Ilang beses mo na tintwo-time si Ari, mga lima or anim na beses. Malas mo nga lang kasi sa last try mo, na-fall ka kay Scarlet tas pinakasalan mo. Scarlet herself is your karma hindi 'tong aksidente na 'to." Lumagok siya mula sa juice bago muling nagsalita. "Unexpected 'to dude, nakatulog 'yong driver kaya hindi napansin na kasalubong niya ang kotse mo. Madulas rin ang daan dahil sa bagyo kaya hindi ko masasabi na karma ito kasi kung karma nga ito baka pinaglalamayan ka na ngayon saka ako, enabler mo kaya ako. Tapos madalas tinotolerate ko kagaguhan mo."

"And I don't want that to happened, I don't want Scarlet to be a widowed." He said in a low tone.

"That thing will never happened," tinapik pa ni Shaun ang balikat ng kaibigan. "Masamang damo ka e, para kang tatay ko. Look at him, buhay pa at namumunga." Pagbibiro nito na ikinatawa naman ni Alexander.

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now