19

541 19 0
                                    

MAAGA na nagising si Scarlet, pagkagising niya ay naghilamos at nagtoothbrush lang siya saka dumiretso sa kusina para maghanda ng almusal, gusto niya na makabawi sa ginawa niya noong nalasing siya. Malaki ang abala na ginawa niya kay Alexander kung kaya't nais niya na bumawi sa pamamagitan ng pagluluto ng agahan niya. Alexander loves pancake and chicken kung kaya't ito ang hinanda ng babae, he also love espresso coffee in the morning, mas lalo kasi ito na ginaganahan kapag nakaka-inom ng kape sa umaga. Nang makapaghanda at matapos na makapagluto ay bumalik na sa kwarto ang dalaga, naabutan niya na nahihimbig pa rin ng tulog ang lalaki. Inilapag niya muna sa nightstand ang tray na naglalaman ng mga inihanda, sumampa siya sa kama para gisingin ang binata para sabay sila na majapag breakfast.

"Good morning Alexis, gising na. Naghanda ako ng paborito mo, mag-breakfast na tayo." Mahina niyang bulong sa tenga ng lalaki. "Lex," muli niyang sabi.

Kumibot ang mga mata nito na indikasyon na gising na si Alexander ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata.

"Lex," muli niyang tawag.

Ngumuso ito na para bang sinisignalan siya na humalik sa labi nito, she then lean downward to place a peck on his lips.

"Lex kain na tayo," panggigising niya.

Unti-unti naman na nagmulat ng mga mata ang lalaki, otomatiko na napangiti siya nang masilayan niya ang mala-diwatang mukha ni Scarlet. Naisip niya na literal na maganda ang umaga niya dahil ang babaeng gusto niya ang unang nasilayan ng mga mata.

"Good morning sweetie," bati niya.

"Good morning," bati rin niya pabalik.  "Kain na ta—"

Natigilan siya nang angkinin ni Alexander nang walang pasabi ang labi niya, na kaagad naman niya na tinugon ang halik ng lalaki. Sa una ay masuyong halik lang ito ngunit sa paglipas ng mga segundo ay unti-unting naging mapusok ang paghahalikan nilang dalawa.

"Good morning gorgeous, you make my morning so much more beautiful," aniya nang nakangiti.

Alam mo, gustom lang 'yan kumain ka na. May pasok ka pa, mamaya niyan ay baka ma-late ka pa."

"Hindi na muna ako papasok baka mamaya kapag pumasok na ako sa opisina ay umalis ka na naman at mag-bar ng hindi ko alam."

"Hindi na po, hindi ko na uulitin. Nadala na ako kagabi," mapait siya na tumawa nang maalala niya ang dahilan kung bakit siya nagpakalango sa alak.

"Never do that again," sinserong wika ni Alexander.

"Hindi na nga po e, sorry na."

"Tayo na lang ang mag-inuman kung gusto mo, isama natin si Shaun at 'yong girlfriend niya."

"Hindi naman ako uminom lang for nothing e," mahinang sambit niya.

"Tell me the reason then."

"Nevermind it, hindi naman importante."

"Please."

"Wala lang 'yon Alexis," umiling siya at peke na tumawa.

"Scarl please."

Napabuntong hininga ang dalaga, bakit nga ba siya nakikipagmatigasan pa? Alam niya naman na wala soyang kawala sa lalaki, "may nakita kasi ako na nag-hit sa ego ko."

"What is it?"

"Naglinis ako dito 'di ba? And..."

"And?" He was very attentive, interesado siya sa kung ano man ang sinasabi ni Scarlet.

Muli siyang napabuntong hininga, "nakita ko 'yong mga gamit ninyo ni Arriane. 'Yong singsing, mga condoms,   digi-cam, at mga—"

"Did you throw it away?"

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now