32

545 16 2
                                    

Halos isang linggo nang walang malay si Alexander, he's in a coma. Isang lingo  na rin ang nakalilipas magmula noong mangyari ang aksidente na dahilan kung bakit naroon siya ngayon sa ospital at nakaratay ang lalaki. Walang araw na hindi nagdarasal si Scarlet na sana ay magkaroon na ng malay ang asawa, ni hindi na ito umuuwi ng kanilang bahay, walang puknat din ang pagbabantay niya Dinadalhan na lang siya ni Almyrah, na kapatid ni Alexander o di kaya naman ni Shaun, na matalik na kaibigan ng kanyang asawa ng mga damit at gamit na kinakailangan niya. 

"Mulat ka pa rin until now, umalis akong dilat ka. Nakabalik na ako at lahat, dilat na dilat ka pa rin. Aba! Masama na 'yan ah," si Shaun na kararating lang. May dala itong dalawang paperbag at isang fruit basket na agad niya na inilagay sa bedside table.  "Yong totoo, security guard ka sa past life mo 'no? Umamin ka." Hirit niya na saglit na ikinatawa ni Scarlet.

"Nakatulog na naman na ako, nakapahinga na kanina." 

"Mga ilang minuto? Mga tatlo siguro," pabirong sambit nito ngunit sa totoo lang ay nag-aalala na ang binata sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan. "Pahinga na, ako  na ang bahala dito kay Alexis. Much better kung uuwi ka muna."

"Hindi na, okay naman ako dito. Mas hindi ako mapapanatag kapag malayo ako sa kanya e," wika ni Scarlet habang nakatitig sa mukha ng asawa. Hinaplos-haplos pa niya ito at hinagkan sa noo. 

" Tulog na Mrs. Montecillo, hindi naman mawawala 'yang si Alexander e. Magpahinga ka lang kahit saglit, ako na bahala na magbantay sa best friend ko. Nagseselos na ako e, magmula kasi no'ng dumating ka, hindi ko na siya nakakasama." Pagbibiro nito habang papa-upo sa monoblock, dahilang upang muli na matawa  ni Scarlet, unang beses na narinig ni Shaun ang paghagikgik ng asawa ng kaibigan kung kaya't saglit siya na  napatulala habang nakatitig sa magang mukha nito. 

The way Scarlet laugh gives shiver unto his vine, aminadong nakaramdam ng kung anong sensasyon na tinatawag na kilig, si Shaun sa loob niya dahil sa genuine laugh na narinig niya. Si Scarlet ang unang babae na napatawa niya sa pamamagitan ng binitiwan niya na joke. Those other girls na nakilala niya, they will definitely tell him to shut up. Unlike Scarlet na sa kabila ng bigat na nararamdaman ay napatawa niya.

The first time she saw that girl, alam niya sa sarili niya na humanga siya rito dahil hindi naman maitatanggi na maganda talaga ang dalaga. Ngunit pinigilan niya ang sarili, batid niya na hindi sila puwede dahil nauna na si Alexander dito. Happy crush ang turing niya kay Scarlet up to now, tho hindi 'yon halata dahil nga sa lumalayo siya upang hindi na lumalim pa ang nararamdaman. Naisip niya na alalayan na lang ang kaibigan na si Alexander sa bawat desisyon nito upang hindi masaktan ang babaeng kanyang hinahanggan.

"Bentang-benta sa akin 'yang joke mo," ani Scarlet habang  pinupunasan ang gilid ng mata.

"Kala mo ba nagbibiro ako? Totoo kaya ang sinasabi ko," muli niyang hirit na mas lalong ikinatawa ni Scarlet.

"Ano ba Shaun? Nakaka-inis ka, dapat malungkot ako ngayon pero pinapatawa mo naman ako."

"Ah kasalanan ko pa ngayon?" Impit itong natawa.

"Huy wala akong sinabi," nangingiyak nitong sabi habang natatawa pa rin.

"Anong wala? Sinisisi mo kaya ako," muli niyang hirit. "But I'm glad na nakikita na kitang tumatawa ngayon." Sumeryoso ang kaninang magpagbirong tono nito

"And that's because of your jokes na talagang mabenta," ani Scarlet.

"And I'm willing to crack more jokes para lang mapasaya ang babaeng pinakamamahal ng best friend ko." He then smiles at her, hinaplos niya rin ang buhok nito. "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain, niluto ni Mama." Tumayo ito at tumungo sa side table, inilabas niya mula sa paper bag na dala niya ang mga tupperwear na may laman na kanin at ang nilutong chopseu at burgersteak ng ina niya at mga utensils. "I think you should eat muna, ako na muna ang magbabantay kay Alexis."

Passion Of Dawn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon