12

554 16 2
                                    

Ilang beses na muntik na nagasgasan ang kotse ni Alexander dahil sa sikip ng daanan patungo sa lugar nila Scarlet, bukod sa maliit ang mga daanana ay malubak at bahain rin ang lugar na kinagisnan ng dalaga. Matao at punong-puno ng mga tambay ang bawat sides ng kalsada , Alexander felt uncomfortable. Hindi siya sanay sa gano'ng lugar, bata pa lang ay marangyang pamilya na ang nakagisnan niya unlike Scarlet na  lumaki sa isang maralitang angkan. Nabuo ang isang desisyon sa isipan ng lalaki, she was planning to bought a luxurious house for the girl. Nakita niya ang hirap sa lugar, sa tingin niya ay hindi deserve ni Scarlet ang gano'ng pamumuhay. Sinulyapan niya ang babae na kanina pa nakatungo sa binatana, wala itong kibo at tila malayo ang iniisip. 

Something is bugging  inside her, nahihiya siya sa lalaki. Sa laki ng pagkakaiba ng kinagisnan at kinalakihan nilang lugar, imposible talaga na magustuhan siya ni Alexander. Inisiip niya ngayon na mag-quit na, tutal naman ay may sweldo na siya at mukhang wala na rin siyang magagawa pa dahil ikakasal na ang lalaki.Sapat na siguro ang dalawang linggo na pagtatrabaho niya rito, malaki-laki naman ang ibinigay niya sa kanya kaya hindi na siya lugi. Pupwede na siyang magsimula dahil may pera na siya, alam naman niya ang lugar niya sa buhay ng lalaki. She was just his toy at darating ang panahon na iiwanan rin siya nito sa ere.

"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng binata. 

"Oo naman," nahihiyang sambit ng dalaga. 

"Seems like you're not," malamig nitong sabi.

"Nahihiya lang ako," pagtatapat niya. "Dinala mo ako sa mala palasyong bahay at mala paraisong lugar tapos ako, dito lang kita dinala. Sa masikip at hindi kaaya-ayang lugar na kinagisnan ko."

"So? Masikip ka rin naman ah, nagreklamo ba ako?" Pilyo ito na ngumiti na ikinataas naman ng kilay ng dalaga.

"Alexander I'm serious."

"I'm serious too, wala naman akong pakielam kung saan ka nakatira e. At isa pa, temporary lang naman tayo rito hindi rin tayo magtatagal."

"Tayo? Akala ko ba ihahatid mo lang ako," pagtataka ng dalaga. 

"Oo nga, ipagpapaalam lang kita sa Tita mo at sa mga kapatid mo and after that aalis na tayong dalawa. May trabaho ka pa sa akin, kakasimula mo lang at hindi ka puwedeng mag-resign hangga't hindi ko sinasabi."

Napakagat si Scarlet sa pang-ibabang labi, mukha kasing wala na siyang kawala kay Alexander at hawak na siya nito sa leeg. 

"Saan mo naman ako balak dalhin?" 

"Sa bahay ko." 

"Sa bahay mo? You mean makakasama ko 'yong tatay mo? E 'di ba nga ayaw sa akin no'n kasi ang akala niya ay ako ang dahilan kung bakit ayaw magpakasal ni Arriane sa'yo."

"I have my own house, mas malaki kaysa sa tinitirhan ng parents ko. Sa lugar na 'yon, walang makakapigil sa atin. It's just you and me," sumulyap ang binata kay Scarlet ngumiti bago niya ibalik ang mga mata sa kalsada at nagmaneho. 

Alas-kwatro na ng hapon nang makarating sila sa tapat ng bahay ni Scarlet  bumungad sa kanila ang mga nagkukumpulang tao na nakiki-usyoso sa dumadaang kotse ni Alexander. Yaring sinisilip kung sino ang nasa loob ng kotse kung kaya't ibinaba ni Alexander ang mga binatan para hindi na mahirapan ang mga kapit-bahay ni Scarlet na makita sila. 

"Alexis, ano ang ginagawa mo?" Ani Scarlet sana inilubog ang sarili sa sandalan ng upuan.

"Making you a star," anito. "Mukhang curious sila kung sino ang nasa loob e, that's why I open the windows para hindi na sila mahirapan na makita ka." 

"Gago ka ba?" Inis na sabi ng dalaga na ikinatawa naman ni Alexander. "Parang tanga naman Alexis e, itaas mo  na nga 'yong bintana." Utos nito. 

"Makikita ka rin naman nila pag bumaba ka e, what's the point of hiding?" Anito habang inihihinto ang sasakyan. "Stay here,"  Naunang nagtanggal ng seatbelt si Alexander at bumaba ng sasakyan.. Naglakad naman siya para pumunta sa kabilang side at pagbuksan ng pintuan si Scarlet. Tinanggal niya ang seatbelt at inalalayan na makababa ang dalaga. 

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now