29

533 20 1
                                    

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Alexander sa kaibigan na si Shaun, ang huling text nito ay noong araw na inilibing ang Kuya ni Scarlet, matapos no'n ay hindi na muli itong nag-text man lang para sabihan siya kung nasaan sila ng kasintahan.  Ultimo si Mikaella na sekretarya ay wala rin alam kung nasaan ang kanyang boss. ni hindi rin kasi ito nagte-text man lang o tumatawag na usually ay ginagawa nito sa tuwing may biglaang lakad ang lalaki. 

Sina Shaun at Mikaella ngayon ang nakakaranas ng stress dahil sa kaibigan at amo nilang nawawala, magmula kasi noong araw na umalis ito na walang paalam ay araw-araw na rin silang pinuputakte ng mga katanungan ng bawat taong nakakakilala rito at mas lalong ang ama nito na araw-araw na rin na dumadaan sa gusali ng M.E.R para tanongin kung dumating na ba ang bunsong anak. 

"Cannot be reach pa rin po," ani Shaun nang subukan niyang tawagan a ng telepono ni Alexander. 

"Try again," wika naman ni Geron, ang ama ni Alexander. 

"Tito, this is the 26th that we tried to reach him pero wala po talaga." 

"You are his best friend, imposible naman na hindi kayo nag-uusap. Every best friend knew their best friends dirty little secrets, even the smallest details."

"Alam ko po Tito but this is a different case and Alexander is different from any of my best friend. May mga pagkakataon na nagiging malihim po talaga siya, and I need to respect it. Hindi po sa habang panahon ay kailangan involve or alam ko po ang nangyayari sa buhay ng anak ninyo. I have my own life too, hindi lang po sa pagiging best friend niya ang role ko sa buhay."

"You are useless!" Sigaw nito. "All of you are useless! Ano pa at best friend ka niya?" Panduduro niya kay Shaun "Ano pang saysay ng  pagiging sekretarya mo kung hindi mo alam ,ung nasaan ang boss mo?" Ang halos paiyak nang si Mikaella naman ang pinagbalingan niya ng galit. 

"Please Tito, h'wag ninyo pong idamay si Mikaella. She's doing her very best to be an effective secretary, may mga bagay lang po talaga na kailangan bigyan ng limitasyon dahil may personal na buhay rin po ang anak ninyo." Pag-depensa naman ni Shaun kay Mikaella.  

"Wala akong pakielam! Gusto ko na hanapin ninyo si Alexander sa lalong madaling panahon!" SIgaw nito at padabog na nilisan ang opisina ng anak.

Nang mawala si Geron sa paningin ay agad na ikinulong ni Shaun sa mga bisig niya si Mikaella na tuluyan nang napa-iyak dahil sa ginawa ni Geron. Shaun comforted the crying woman until  she's fine. Shuan might be a playboy ngunit hindi niya hahayaan na may makita siya na babaeng umiiyak, maawain siya lalo na at naalala niya ang inang si Carmen sa tuwing may umiiyak na babae sa harapan niya. 

Ang totoo ay alam niya kung nasaan ang kaibigan ngunit ayaw niya na may maka-alam nito, nangako siya kay Alexander and he was going to keep their secret till the very end. Sa pamilya ni Alexander ay tanging si Shiela lang ang nakakalam ng lokasyon ng anak. Hindi niya pa lang ito pinupuntahan dahil sa may inoorganisa siyang surpresa para rito. 

Samantala, usap-usapan naman ng mga empleyado ng M.E.R ang naganap na gulo sa loob ng opisina kanina. They we're on Alexander's side, hindi dahil sa boss nila si Alexis kung'di dahil batid nila na may dahilan kung bakit nagtatago ngayon ito.

"Nakaka-awa rin kaya si Sir Alex, sobra-sobrang pressure 'yong binibigay sa kanya." Si Meggy 'yon na abala sa paggawa ng kanyang report.

"True ka dyan Mars, sila rin naman ang dahilan kung bakit pinili ni Sir na lumayo kasama 'yong bago niyang girlfriend eh." Saad naman ni Becky na nagpi-print ng mga brochure.

"Malamang sa malamang niyan kaya nagkagayan si Sir Alex dahil nasasakal na rin sa ginagawa ng Tatay niya," muling sambit ni Meggy.

"Hindi rin naman natin masisisi si Sir kung ginusto niya na lang malayo sa pamilya niya dahil sa kagustuhan nila na makasal siya sa ibakahit man ako ang nasa posisyon niya, gagawin ko rin 'yon." Si Mang Erning naman iyon, janitor na abala sa pagma-mop ng sahig. "Isa pa, magmula ng mamulat iyang si Sir sa negosyo nila ay wala na siyang inatupag kung'di ang mag-trabaho. Nasa tamang edad na naman na siya para bumukod at gumawa ng sariling desisyon, huwag naman nila sanang hadlangan 'yong tao."

Passion Of Dawn (COMPLETED)Where stories live. Discover now