Chapter Forty Two

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kaya mo yan girl!" sabi naman ni LJ habang minamasahe ang likod ni Chichi na akala mo eh aakyat 'to sa boxing ring. "Basta titigan mo lang sa mata ang kalaban at wag kang padadaig!"

"Okay game! Glen! G na!" tawag ni Chichi dito at pumunta ito sa gitna naming.

Lumapit naman sa kanya si Glen at tinitigan ni Chichi ito sa mata. Bahagyang napaatras si Glen.

"Bakit ka masyadong seryoso?!" sabi niya kay Glen.

"Seryoso ako sa lahat ng bagay!"

"Sa pag aaral lang hindi," bulong naman ni LJ.

I heard Harold chuckle. "Ang cute ni Chi."

Well, he's not wrong.

"O game na! Game na!" sabi ni LJ at parehong pumusisyon si Chichi at Glen.

Nag umpisa nang mag chant si Glen, "bato bato---"

"Cute ka pala Glen?" biglang singit ni Chichi and I saw Glen got taken aback dahil sa sinabi ni Chichi at unti unting namula ang mukha nito.

"Pik!" sigaw ni Chichi at nag papel siya habang naka kuyom pa rin ang kamay ni Glen dahil sa gulat sa sinabi ni Chichi.

Nagtatalon si Chichi. "Okay! Bato ka, papel ako! I won!" she said as she does a happy dance.

"H-hoy! U-ulit! Madaya ka!"

"Ha? Anong madaya? Fair akong nanalo ah!"

"Oo nga!" agree naman si LJ na namataymatay na kakatawa dahil sa tactic ni Chichi. Nag appear ang dalawa. Kita kong napakamot na lang ng ulo si Glen. Napatingin ako bigla kay Harold and I saw how his smile disappears.

Hmm..

"Okay next! Seb versus Mona!" sabi ni LJ at pumunta sa gitna yung dalawa.

"Shocks hindi ako magaling sa bato bato pik," sabi ni Mona.

"Buti na lang magaling ako," sabi naman ni Seb. "Bato bato pik!"

Seb chose scissors, Mona chose paper.

"Yun oh!" sabi ni Seb. Nakita kong napa-pout si Mona. Mukhang ayaw na ayaw niya talagang mag hugas ng pinggan.

Bakit kasi siya nandito?!

"O last! Harold vs. Ms. Pres!!"

My heart skipped a beat. Teka, bakit naman sa kanya ako natapat?!

"Good luck to us," nakangiting sabi ni Harold. Napaiwas ako nang tingin. Bakit ba siya ngumingiti? Nag m-move on na nga ako?!

Ipinorma ko ang kamay ko, "game," sabi ko without looking at him dahil alam kong ma didistract lang ako at baka hindi ako makapag laro nang maayos.

"Bato bato pik!"

I chose scissors, Harold chose rock.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Bigla niyang pinalitan ang kamay niya at ginawa niyang paper.

"You won," he said with a smile.

"Hindi! Okay lang. Talo ako nung una."

"It's okay, mahirap maghugas buong araw," sabi ni Harold at ready talaga siya na siya na lang ang matatalo.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon