Kabanata CXVII: Sandigan

Start from the beginning
                                    

"Grabe naman! Wala naman akong ginagawa! Eryx, ipagtanggol mo naman ako!" Pabirong ngumuso pa ito kay Eryx dahilan para mapabuntung hininga na lang ang binata at hindi na siya pinansin.

Nagpanggap na lamang tuloy si Aidan na namatayan ng puso at nahiga na sa sofa dahil pinagtutulungan siya ng kanyang mga kaibigan.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Caedmon?" Panimulang saad naman ni Eryx habang nakasandal ito sa lamesa at nakakrus ang mga braso.

Si Aspen naman ang nakaupo sa upuan malapit sa binata at nilalagyan nito ng bulaklak ang vase na nasa lamesa nito.

"Buhay pa naman." Tamad na pahayag pa ng binata at kung tutuusin ay ganito naman talaga ito sumagot sa kahit na sino pero pasimple na lamang napangisi si Eryx dahilan para nagtataka naman siyang tiningnan ni Caedmon.

"Pasensya na. May naalala lang ako na palaging ganyan ang sagot kapag kinukumusta." Iiling-iling na saad ni Eryx at napakamot pa ito sa batok dahil bahagya rin siyang nakaramdam ng hiya sa kanyang ginawa.

"Nabalitaan mo na ba ang mga kaganapan kagabi, Caedmon?" Balik pagseseryoso naman ni Eryx bilang pambawi.

"Oo. Pinunan ako ni Neola at ni Kuya Adelrick ng mga dapat kong malaman kagabi." Tamad na pahayag nito babang inaalala kung paanong detalyadong-detalyado na nagkuwento ang kanyang mga kapatid lalo na si Neola kapag pinatutungkulan na nito ang mga pinagsasabi ni Zacharias kay Eliana.

Makailang beses pa ngang nagyelo ang kanyang mga unan dahil nakararamdam na naman siya ng inis at kung nandoon lamang siya kagabi ay baka pinagyelo na niya ang bunganga nito.

"Ayan kasi tulog nang tulog!" Pang-aasar naman ni Aidan sa kanya pero hindi na lang siya kumibo. "Ano naman ang masasabi mo tungkol dito?"

"Katarantaduhan." Diretsahang pagayag ni Caedmon dahilan para mas lalo na lang mapahalakhak si Aidan habang si Aspen ay napapangiti na rin sabay napapailing.

"Mabuti at nakapaghanda ka ng mga kawal para suportahan ang iyong ama. Malaki ang naitulong nito upang lalong maintimida si Haring Zacharias at malihis ang kanyang mga plano." Papuri naman ni Eryx sa kanya dahilan para muli na naman umiral ang bahagyang kayabangan na natural ng taglay ng isang Agrigent.

"Kapag ako ang humahawak sa sandatahang lakas ng aming kaharian, wala naman talagang makakaalpas." Mayabang na saad nito wari'y ginagaya ang tono ni Eliana sa tuwing pinangangalandakan nito sa lahat na siya ay maganda.

Napailing na lamang tuloy si Eryx dahil dito.

"Grabe, Caed, hindi ko inaasahan na darating si Zephyr sa puntong susunod talaga siya sa mga plano ng kanyang ama. Biruin mo iyon? Ang tali-talino niyang tao pero ang hina sa taktika at pamamaraan." Tila ba dismayadong saad ni Aidan dahilan para lingunin naman siya ni Aspen at tugunan.

"Pero, Aidan, hindi naman natin dapat sisihin kaagad si Zeph." Malungkot na saad ni Aspen. "Narinig mo na ba ang kanyang sasabihin patungkol dito? Alam mo na ba ang dahilan kung bakit sinusunod niya ang kanyang ama? Noong hinukom natin siya matapos ng naganap na pangyayari ay nanatili lamang tikom ang bibig ni Zephyr at hindi man lang siya nagbibigay testimonya laban sa kanyang ama. Malay mo naman ay may malalim siya na dahilan pagka't ayon sa pagkakakilala ko kay Zeph, hindi naman siya kikilos ng ganito kung walang malalim na dahilan o plano."

Hindi naman alam ni Caedmon ang paghuhukom na naganap pagkatapos ng trahedya pero malaking parte sa kanya ang kahit papaano ay natanggalan ng tinik dahil hindi napatawan ng malalim na kaparusahan si Zephyr.

Alam niyang kalapastanganan ang ginawa ng pamilya nito sa kanyang pamilya. Pero umaasa la rin siya, nagbabakasali, at humihilinga na walang pagnanais kay Zephyrus ang umayon talaga sa mga plano ng kanyang ama at nananatili lang siyang kasangkapan nito sa lahat ng kasamaan na ibinibigay nito sa mga tao sa kanilang paligid.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now