Kabanata XCIX

11K 916 1.7K
                                    

- ELLIONOIR -

Kahapon pa magaan ang pakiramdam ni Ellionoir magmula nang makabalik sila sa akademya matapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Zephyr. Isa sa mga nakikita niyang dahilan doon ay dahil mas nabibigyan na siya ng atensyon ngayon ni Zephyr matapos niyang mapag-alaman na tumigil na ito sa panliligaw sa kanyang kapatid. Dagdag pa nito ay napakamaginoo kanina ni Zephyr sa kanya noong nagsasayaw silang dalawa kaya mas lalong kinilig si Ellionoir dito.

Buong akala pa ni Ellionoir ay tatagal pa ang relasyon na namamagitan kay Eliana at Zephyr pero hindi niya inaasahan na ganoon lamang ito kabilis matatapos. Hindi na rin naman siya nagtaka na matatapos din ang relasyon ng dalawa dahil ang alam niya ay hindi pa talaga handa si Eliana na makipagrelasyon dahil simula pagkabata nito ay nakita na niya kung paano kamuhian si Eliana ng kanilang pamilya kaya marahil ay hirap pa rin ito umintindi at kumonekta sa ibang tao.

Ngayon naman ay bandang ala-sais na ng gabi at naglalakad siya pabalik ng kanyang dormitoryo dala ang ilang libro na nais niyang basahin magdamag upang mas lalong makumpleto ang kanyang araw. Ngunit hindi sinasadyang namataan niya ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa isa sa mga batuhang bench malapit sa tarangkahan ni Bubba na walang iba kundi si Zephyr.

"Prinsipe Zephyr, hindi pa bumabalik si Prinsesa Eliana magmula nang pumasok ito kaninang umaga. Mukhang gagabihin din siya dahil halos araw-araw naman ginagabi ang prinsesang iyon." Dinig pa ni Ellionoir na pahayag ng Bubba dahilan para mapatigil na lang si Ellionoir sa paglalakad at unti-unting mawala ang pagkakangiti nito.

"Ayos lang, Bubba. May kailangan lang naman ako ipaabot na sulat kay Eliana kung hindi ko siya makakausap ngayon." Sagot pa ni Zephyr habang nananatili pa rin itong nakaupo at blangko ang mga mata na nakatingin sa kawalan.

Napanguso na lang tuloy si Bubba sa sagot ng Prinsipe saka ito muling nagsalita. "Pero baka mga ilang oras ka pa maghintay, Prinsipe Zephyr. Lalamukin ka dito."

Hindi naman na tumugon pa si Zephyr at mukhang desidido itong hintayin si Eliana hanggang sa makabalik ito. Kusa na lang tuloy napakagat si Ellionoir sa kanyang mga labi upang pigilan ang tila ba selos na nangingibabaw sa kanyang puso ngayon.

Sandali pa siyang huminga ng malalim upang kalmahin ang kanyang sarili saka niya ipinakita ang kanyang karaniwan na malambing na ngiti.

"Zeph, anong ginagawa mo dito? Maggagabi na, hindi ka ba hahanapin ng mga katulong mo?" Kunwari'y nagtataka na tanong ni Ellionoir habang diretso niyang tinitingnan si Zephyr gamit ang kanyang inosenteng mga mata.

Dahan-dahan naman nag-angat ang binata ng tingin sa kanya at makailang beses pa itong kumurap wari'y nagpipigil ng antok. 

"Ellionoir? Anong ginagawa mo dito? Pauwi ka pa lang ba?" Kaswal na tanong ni Zephyr at tiningnan pa nito amg mga libro na dala ng dalaga.

Nakangiti naman na tumango sa kanya si Ellionoir sabay inilagay nito ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tenga wari'y nahihiya.

"Kumuha ako ng mga libro sa silid-aklatan para magbasa. Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?" Pag-uulit muli ni Ellionoir sa kanyang tanong at sinadya pa nitong ipahalata ang pagkakatitig niya sa sulat na nasa kanang kamay ni Zephyr.

"Hinihintay ko sana ang kapatid mo. Hindi ko kasi alam kung paano ko kakausapin si Eliana ngayong mukhang impossible na kaswal ko na lang siya na lapitan at kausapin."

"Para sa kanya ba ang sulat na iyan?" Nginuso pa ni Ellionoir ang sulat na nasa kamay ni Zephyr.

Tumango naman si Zephyr sa kanya bilang tugon. "Nakapaloob dito ang ilan sa mga hindi ko nasabi sa kanya noong nagkausap kami maging ang paghingi ko rin ng kapatawaran dahil ako ang dahilan kung bakit umiiyak siya noong gabing iyon." Bakas sa tinig ni Zephyr ang tila ba pagkabagabag at lungkot kahit pa blangko lang ang mga mata nito.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon