Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])

10.5K 670 3.1K
                                    

- CAEDMON - 

"Magaling! Napakahusay talaga ng mga mag-aaral ko!" Magiliw na bati ng Maestra sa dalaga na katatapos lamang sumayaw sa entablado bilang pagsusulit sa kanilang klase. 

Kasalukuyang nakaupo si Caedmon sa damuhan sa malawak na field ng akademya kung saan tanaw na tanaw ang mga mag-aaral sa klase ni Maestra Carmela at ang kanilang ginagawang pagsasayaw ng Laximo Dynamo na karaniwang itinuturo sa mga babaeng mag-aaral. Madalas tumambay si Caedmon sa lugar na ito lalo na kung makulimlim ang panahon at mayroon siyang kinakain na Phekleoranth kendi na madalas ipasalubong sa kanya ni Zephyr tuwing umuuwi ito ng Umoewin. 

Nanatili naman tamad at inaantok na nakatingin si Caedmon sa mga kababaihan at bagama't wala naman nakakaagaw ng kanyang atensyon ay mas pinili na lang niyang manood ng mga pagsasayaw habang hinihintay matapos ang kaniyang pahinga at muling pumasok sa klase. 

"Ngayon naman ay tinatawag ko si Prinsesa Amaya Bellerose Poyraz mula sa tribo ng Umoewin. Sige, Prinsesa Amaya, ipakita mo sa amin ang itong talento." Malakas na pagpapakilala ni Maestra Carmela habang magiliw pa itong pumapalakpak sa isang binibini na mayroong hindi gaanong matingkad na gintong buhok na tila ba may halo ito ng kulay abo. Nakasuot din ito ng puting uniporme pang-sayaw at kahit hindi palapuri si Caedmon ay aminado siyang maganda rin ang mukha nito. 

"Salamat, Maestra Carmela. May nais lang po sana akong ipakiusap kung maaari lamang." Magalang na saad ng dalaga habang inaayos na niya ang kanyang porma sa gitna ng entablado.

"Ano iyon, Prinsesa Amaya?" 

"Maaari ko po bang gamitin ang aking pakpak upang mabalanse ko ang aking sarili sa pagsasayaw? Mas sanay po kasi ako sa pagsasayaw nang nakalabas ang aking pakpak tulad ng pagsasayaw namin sa aming tribo?" Magalang pa rin na pahayag nito sabay inilabas niya ang kanyang pakpak na kulay puti at malaanghel sa ganda at laki. 

Maging si Caedmon ay napatigil sa pagnguya ng kendi nang makita kung gaano kaganda at nakabibighani ang pakpak na taglay ng dalaga. Sanay naman na siya makakita ng pakpak mula sa mga kaeskuwela nila na mga taga-Umoewin, pero para sa kanya, ngayon lang yata siya nakakita ng ganito kagandang pakpak na mula sa isang babae. 

"Ayos lang, Prinsesa ---"

"Napakaduga naman po non, Maestra! Kami naman po ay sanay din nang nakayapak sa Agreaseth pero hindi po kami nakiusap."  Saad at reklamo ng isang dalaga na anak ng isang aristokrata mula sa Agreaseth.

"Ako rin po! Mas sanay din po ako sa tubig nagsasayaw sa Cymopoleia. Pero hindi rin po ako nanghingi ng espesyal na pagtrato." Pahayag pa ng isang dalaga mula sa Cymopoleia. 

Bakas naman sa mukha ng Maestra ang bahagyang pagkapahiya at pag-aalala sa mga reaksyon ng kanyang mga mag-aaral. Nilingon naman ni Caedmon ang gawi ng dalaga na nanghingi ng permiso at imbes na mainis o umiyak ay nananatili lamang itong kalmado ata parang ang Maestra pa ang labis na naaapektuhan. 

"A. . .Ah, Pero hindi niyo naman sinabi sa akin na---"

"Ayos lang po, Maestra Carmela." Mahinahon na pahayag ng dalaga at umayos na ito ng pagkakatayo saka dahan-dahang isinara ang kanyang magagandang pakpak at bumalik na rin sa normal ang kulay ng kanyang mga mata na mula sa pagiging matingkad na berde ay naging asul na ito. "Nagpaalam lang naman po ako pero kung hindi po ito pahihintulutan ng aking mga kamag-aral ay ayos lang po. Susubukan ko pa rin po ang aking makakaya!" Pagpapataas pa nito sa kanyang kumpiyansa na bahagya naman ikinatuwa ng iba niyang kamag-aral maging ang Maestra. 

"Salamat naman, Prinsesa Amaya. Oh, ayan na mga binibini at prinsesa. Hindi niyo na kailangan pang magreklamo." 

Ilang sandali lamang ay nagsimula na rin ang dalaga sa kanyang pagsasayaw at makikita na bagama't nawawalan ito ng balanse at para bang inaakala pa nito na mayroon siyang pakpak ay nananatili pa rin eleganteng ang bawat galaw nito. Ang bawat pitik ng kamay ng dalaga ay naaayon sa musika na kanilang pinakikinggan at maging ang galaw ng bewang at balakang nito ay labis din na nakakaakit sa mga mata na sinasabayan pa ng tila ba marahang pag-ihip ng hangin dahilan para maging ang buhok nito ay magmistulang alon na nakikiayon sa kanyang bawat galaw at pag-indak. 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now