Kabanata CXVII: Sandigan

11.5K 761 716
                                    

- Caedmon -

Halos tanghaling tapat na sa Cymopoleia ngunit nananatili pa rin si Caedmon sa kanyang silid at walang kagana-ganang nakaupo sa kanyang kama. Magmula nang magkamalay ito kaninang madaling araw ay nananatili lamang itong tahimik at walang kibo habang nakatingin sa labas ng bintana at mukhang napakalalim ng iniisip.

Habang nasa kalagitnaan ito ng pag-iisip ay bigla na lamang inabot sa kanya ng kanyang kapatid ang isang basong tubig at ang tableta na iinumin nito upang hindi maimpeksyon ang sugat niti sa binti.

"Kuya, mamaya raw ay kakausapin ka nina Mama at Ama." Kaswal na pahayag naman ni Neola habang ito ang nagsisilbing katuwang ng kapatid magmula pa kaninang umaga.

Hindi naman siya kinausap at pinansin ni Caedmon at sa halip ay nanatili pa rin itong tahimik at walang kibo.

"Masakit pa rin ba ang sugat mo? Sinabi sa akin ni Eliana kagabi na dahil daw sa kanya ang sugat na natamo mo. Nag-away ba kayo?" Nagtatakang tanong naman ni Neola habang panay ang sulyap niya sa nakabendang binti ng kapatid na si Dok Aeson mismo ang gumamot at nagbilin ng mga dapat at hindi dapat gawin.

Katulad kanina ay nananatili pa rin tahimik si Caedmon at hindi talaga ito nag-abalang sumagot sa kapatid.

Napairap na lang tuloy sa kawalan si Neola at sumuko na ito sa pamimilit na kausapin man lang siya ng kanyang kuya. Nang akmang kukunin na nito ang isang aklat sa tabi upang magbasa na lamang ay bigla naman may kumatok na kung sino sa pinto.

Padabog naman na tumayo si Neola mula sa kanyang upuan at nakasimangot na binuksan ito. Nananatili naman nasa labas pa rin ang tingin ni Caedmon at hindi man lang ito nag-abalang lumingon.

"Magandang umaga, Prinsesa Neola, maaari ba naming bisitahin si Prinsipe Caedmon?"

Kaagad naman napalingon si Caedmon sa gawi ng pinto nang nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Aspen.

Hindi nga siya nagkamali nang nakita niya ito sa labas kasama sina Aidan at Eryx habang ang kapatid naman niya ay yumuko dito bilang pagbati.

"Magandang unaga, Prinsipe Eryx at Prinsipe Aspen." Tamad na saad nito at makikita naman ang pagsimangot ni Aidan na hindi man lang siya binati ng dalaga.

"Parang wala ata akong narinig na Aida---"

"Gising na si Kuya. Pasok kayo." Kaswal nitong saad habang sinasadya na putulin ang sinasabi ni Aidan na napahampas na lang sa kanyang binti at napabuntung-hininga wari'y nagpipigil na lang ito magsalita.

Kita naman ng lahat kung paanong pairap na sinulyapan ni Neola ang binata bago ito lumingon sa kapatid. "Alis na muna ako." Paalam pa nito at hindi na hinintay pa ni Neola na makasagot si Caedmon dahil naglakad na ito palabas ng silid sabay pasimpleng binangga si Aidan at hindi na nag-abala lang lumingon o humingi ng tawad.

"Anong ginawa mo kay Prinsesa Neola, Aidan? Parang masama ang loob sa'yo." Nagtatakang saad pa ni Aspen.

Napasimangot na lang tuloy lalo ang binata nang marinig ang ngalan nito sabay pabagsak na naupo sa sofa sa tabi.

"Ewan ko doon! Kaya hindi magkakanobyo ang mga babaeng tulad niya dahil napakasungit at---" Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang mapansin kung gaano na kasama ang tingin na iginagawad sa kanya ngayon ni Caedmon. Kaagad naman niyang binawi ang kanyang sinasabi at ngingisi-ngisi na umiling. ". . . biro lang, Caedmon, ikaw naman. Ang gaganda kaya ng mga kapatid mo!"

"Huwag ang mga kapatid ko, Aidan." Malamig na pahayag nito at inilapag muna nito ang baso ng tubig saka muling ibinalik ang tingin sa kaibigan na mas lalo naman kinabahan. "Huwag." Pagbibigay diin pa ni Caedmon sa saling ito dahilan para mas lalo naman dunggulin ng kaba si Aidan ngunit dinaan na lamang niya sa biro.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon