Ang cute nga nang love language nya, gusto nya nang physical touch and words of affirmation. Infairness naman at huggable naman sya and I can't resist her lips naman then gusto nya din lagi yung sasabihan mo sya nang "I love you" or kung anong magandang nakikita mo sa kanya. Sa almost four months nakita ko na yun sa kanya at napagaralan ko na para tumagal kami at mahalin pa ang isa't isa.

Ako naman gusto ko nang quality time at act of service. Kaya nga gusto ko syang laging kasama, hindi naman sa pinagdadamot ko sya pero gusto ko lang kasi lagi ko syang kasama at kausap tungkol sa mga bagay bagay then yung act of service talaga yung sobrang nagustuhan ko sa kanya kasi sobrang galing nya sa aspetong yun at doon talaga ako nahulog sa kanya. Like, pag gusto ko nang food hindi ko pa hinihingi pero kusa na syang nagbibigay and lalo na yung pag kailangan ko talaga nang tulong, she's just one call away lang. Alam na alam nya talaga kung paano nya ko kukunin.

And for that, sobra ko syang mahal.

"Luv, hey luv!" Pagkuha nang attention sa akin ni Dom

Ngumiti ako sa kanya at nag-shrug.

"Wala, narealize ko lang na sobrang swerte ko pala sayo." Sabi ko na lang sa kanya

"Tara na, hatid na kita kasi may class pa tayo. Need natin pumasok para makapag tapos tayo to our future diba?" Yaya sakin ni Dom tyaka nya ko hinigit paalis sa shed.

Sinabi ko kay Luv na sa lib nya na lang ako ihatid kasi andun daw si Sam, yung best friend ko. Kami na lang ang sabay papunta sa building namin kasi medyo malayo dahil hindi naman way yun nung building nila Dom.

"Hui, grabe ha. Nako alagaan mo tong bestie ko okay?" Sabi ni Sam kay Luv pagkakita nya dito

"Oo naman Sam, hindi ko yan papabayaan gaya nang pagaalaga mo tyaka sobrang mahal ko yang best friend mo." Sabi naman ni Luv kay Sam

That way, sobrang natuwa at kinilig ako kasi at least okay yung dalawang tao na mahalaga sa akin.

"Lakad na, baka malate ka pa. Ako na bahala dito sa best friend ko." Sabi ni Sam tyaka ako hinila para kunin kay Dom, Sam is so cute.

"Okay po, boss." Sabi na lang ni Dom tyaka ito tumingin sakin.

"Bye luv, see you later." Sabi ni Dom tyaka nya ko kiniss sa noo

"See you later, luv." Sagot ko sa kanya

"Lakad na! Langgamin pa ko dito." Inis na sabi ni Sam pero alam naman namin na nagbibiro lang.

Natatawang umalis na lang si Dom at iniwan nya na ko kay Sam.

"Halika nga ditong Gaga ka." Sabi sakin ni Sam tyaka nya ko hinila papasok sa lib

"Ano ba kasi yon ha Sam?" Tanong ko sa kanya, alam ko na kasi ang sasabihin nito sakin. Paulit ulit lang.

"Bakit mo sinagot si Dom? Alam mo ba ang pinapasok mo?" Tanong sakin ni Sam na halata mong inis na

"Sam, mahal ko. Sobra sobra kong mahal yung tao." Paliwanag ko sa kanya, totoo naman na mahal ko sya

"At si Hailey hindi mo na mahal?" Tanong ni Sam sa akin at hindi na din ako nagulat pa

"Mahal, mahal ko pa." Sagot ko na lang at napayuko ako

"Yun naman pala so bakit sinagot mo na? May usapan tayo diba? Pag uwi ni Hailey, tyaka ka lang magdedesisyon. Avery naman, ang gulo gulo mo." Reklamo sa akin ni Sam dahil alam ko na masasaktan ako, masasaktan si Hailey at masasaktan si Dom pag ginawa ko to.

"Sam sana naiintindihan mo ko, mahal ko si Hailey pero asan sya? Ehh si Domini andyan sya palagi para sakin." Sabi ko na lang kasi halos gusto nang magpatakan nang mga luha sa mga mata ko.

Masakit pero hanggang kailan ako maghihintay sa kanya? Baka kakaintay ko wala na pala akong iniintay at sa pagiintay ko baka masayang si Domini. Baka pagsisihan ko pa sa huli kung bakit hindi si Domini ang pinili ko.

Sinugalan ko sya kasi alam ko na worth it sya.

And love language ko nga ay quality time at act of service na yun yung never maibibigay ni Hailey sa akin na yun naman yung kayang ibigay ni Domini sa akin.

"Alam ko kung gaano mo kamahal si Hailey, kitang kita ko yung mga araw kung paano ka nadudurog gawa nya pero diba nag promise sya sayo na babalikan ka nya pero anu tong ginawa mo? Hindi mo manlang ako tinanong, nagulat na lang ako sa ginawa mo kanina sa canteen kaya wala akong nagawa kundi maki-ride on." Sabi ni Sam sakin tyaka nya hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa desk kung saan kami naguusap.

"Kung dadating man sya sana mas mahal ko na si Domini, yung hindi na ko magdadalawang isip kung sino ba ang pipiliin ko." Malungkot na sabi ko kay Sam

"Okay fine, ayan na yan ehh basta Avery aayusin mo yan kung sakali man na babalik na si Hailey at sinasabi ko sayo na sana tama yung pipiliin mo. Ayokong iiyak ka sakin kasi nagsisisi ka sa pagpili." Sabi ni Sam tyaka nya ko kinabig at yinakap

"Bestie, let me be happy. Masaya ako ngayon sana naiintindihan mo." Sabi ko na lang kay Sam at gumanti na ako nang yakap sa kanya.

Childhood best friend ko si Sam kaya alam ko na maiintindihan nya ko sa kahit na ano pa man.

------------

Vote and Follow po. Salamatchiii. 🥰🥰






GLIMPSEWhere stories live. Discover now