Napahampas ako nang kamay sa manibela, indikasyon na nag sanhi ito nang malakas na tunog.

Potek! Napa face-palm na lang ako sa aking sarili.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan

Luv is calling.........

Napangiti ako nang makitang natawag sakin si Avery kaya agad kong sinuot yung wireless earbuds ko para makausap sya.

Luv?- Avery

Hi luv. -me

Pauwi kana po? -Avery

Yeah, on my way po. -me

Ingat ka luv, nga pala pwede mo ba akong sunduin samin bukas nang morning going to school? Nasiraan kasi si Ate nang car ehh need nyang gamitin yung family car namin so walang maghahatid sakin sa school bukas. -Avery

Sure luv, anything for you. What time ba? As usual? -me

No po, mas early. Siguro 7am nang morning may lab kasi kami ehh need ko pa ayusin yung mga need na gamit para dun. Is it okay for you? -Avery

Yes naman Luv, Ikaw pa ba kaya kong tanggihan? Siguro mga 6:30 nasa gate nyo na ko. -me

Thank you luv, you're the best talaga. -Avery

Always for you, luv. -me

Bye luv, ingat sa pagddrive okay? Mamahalin pa kita nang matagal or I must say forever. -Avery

Luv, wag ka magpakilig kahit anung gawin mo malakas na talaga ang tama ko sayo. I love you 3000. -me

I love you too luv, bye. -Avery

Ibinaba na ni Avery ang call, wala akong nagawa kundi ang mapangiti na lang. Grabe! Am I lucky or blessed to have her?

Pagdating sa bahay ay nadatnan ko dun si Mom na nag pprepare nang lulutuin nya ata for dinner, nag beso ako sa kanya tyaka ako kumuha nang water sa ref.

"Anjan na din ba ang Ate mo?" Tanong sakin ni Mama habang patuloy na nag gagayat nang vegetables

"Wala pa Ma, baka mamaya andito na din yun." Sagot ko kay Mama "Sige Ma, akyat na muna ako sa room ko."

"Teka, hindi kaba muna magmimiryenda? Ang Papa mo ba wala pa din?" Tanong ulit ni Mama tyaka sya tumingin sakin

"Ma? Baka maya maya andito na din sila." Sagot ko na lang

"Aba masarap kaya itong niluluto ko ngayon, mabuti nga at nag day off si Yaya ngayon kaya napilitan akong umuwi nang maaga para mag prepare nang food." Sagot ni Mama tyaka sya bumalik sa paggagayat

"Ma, masarap ka talaga mag luto." Pagtatapos ko nang usapan ni Mama para makaakyat na ko sa room ko para magpalit nang pangbahay.

Dumarecho na ko sa room ko, inilapag ko ang bag sa sofa doon at nahiga ako sa kama ko kahit pa naka uniform pa ko. Gusto ko lang mag relax, hinubad ko na din yung shoes ko gamit ang mga paa ko.

Tiring day.

10 minutes ata akong nakahiga tyaka ako nag palit nang pangbahay, nag suot lang ako nang shirt at short na cotton para kumportable naman.

Pababa na ko sa hagdan nang nakita ko si Ate Ynah na bagong dating, she's working na din kasi at fresh grad sya. Currently sa bank sya nagwowork kasi Accountancy grad naman sya, nag rereview din sya for board exam.

"Aba parang nasa mood ka ngayon, sissy." Bati sakin ni Ate habang nakangiti.

"Happy life." Sagot ko na lang pero napansin ko naman agad yung paper bag na dala nya, bukod sa bag nyang dala pa pang work "may pasalubong ka ba jan, ate?" Dagdag ko pa tyaka ko kinuha yung paper bag na dala nya

GLIMPSEWhere stories live. Discover now