"Oo naman, amoy pa nga lang nakakagutom na." Sabad naman ni Sof tyaka ito umangkla sa braso ni Yves

Sinilip ko kung ano yung niluto nya at sa tingin pa lang ay muka nang masarap ang Roast Beef Tenderloin na niluto nya.

I glance at her, she's smiling from ear to ear. Mukang very good sya kay Chef Paolo today.

"I made Banana- Mangosteen ice cream din kanina, pinalagay ko sa fridge nang canteen. Kunin na lang natin later." Sabi nya samin habang nakangiti.

I'm so proud of her, as always.

Pagdating namin sa canteen ay umupo na agad sa available na table si Cielle at pinatong doon ang dala nya, sumunod na ang lahat sa kanya. Umupo na ko sa tabi ni Joie at umupo naman sa tabi ko si Gray, nakita ko naman si Yves na kinukuha yung ice cream sa ref nang canteen. Pagdating nya ay naupo sya sa kabilang side na katabi sina Cielle at Sof.

"Parang ang sarap nito ahh Mariko." Sabi ni Sof kaya kinuha nya na agad yung lunch box nya at kumuha nang niluto ni Yves.

Inilabas na din namin yung mga lunch box namin pero napansin kong walang lunch box na nilabas sina Yves, Cielle, Joie.

"Order na muna ako nang rice, jan na lang kayo. Excuse." Volunteer ni Cielle

Nakita ko naman na nag nod na lang si Yves at Joie sa kanya.

"Mariko, gusto mo share na lang tayo sa pack lunch ko?" Alok ko kay Yves.

"No Dom, I'm okay and naorder na din naman si Cielle." Sagot sakin ni Yves habang inaayos nya yung mga niluto nya at hindi sya tumingin sa akin

We're friends naman but, alam mo yung vibes na sa barkadahan hindi kami yung close as in. I mean lahat naman kami close pero gets mo yun, kagaya ko mas close ko si Cielle at Gray kasi same course kami pero ang close kasi talaga nya ay si Joie.

I used to call her Yves pag hindi kami ang magkausap pero pag kausap ko sya Mariko ang tawag ko sa kanya. I found cute lang kasi sya sa Yves nya na name.

Bumalik din agad si Cielle at may dala na itong tray na may lamang 3 rice at 6 pineapple juice. Inabot nya muna yung rice kina Yves at Joie tyaka nya binigay samin yung dala nyang juice.

Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Sof na ikinagulat ko.

"Balita ko kayo na ni Avery?"

Medyo nabigla ako sa sinabi nya, bigla na lang din bumilis ang tibok nang puso ko sa sinabi nya.

"Kanino mo naman nabalitaan yan?" Balik tanong ko sa kanya but it's nice kung balita nya nga na kami na ni Avery.

"Jusq besh, kalat na kalat na sa dept. nina Avery. Ikaw ba naman lagi kang andon kada lunch break at awasan para kaunin si Avery. " Sagot naman ni Sof sa tanong ko

Out of nowhere, napasulyap ako kay Yves at nakita ko na nakatingin sya kay Sof at nakangiting nakikinig.

"Ikaw ha Domini, aminin mo na at hindi naman masama diba Mariko?" Paghingi naman ni Joie nang sympathy kay Yves

"Oo naman, single naman din kayo pareho." Sabi ni Yves tyaka sya tumingin sakin, but unexpectedly my heart beats paster than usual pero agad ko ding binaliwala yon.

"Pero guy's, hindi pa talaga kami. Sana malapit na kasi muka namang may pag-asa." Sagot ko sa kanila tyaka ako ulit kumain

Almost 4 months na din naman kaming may understanding ni Avery and ayoko din naman nang minamadali sya tyaka I really love her, besides alam ko din naman na she love me too.

Okay naman kaming dalawa sa kung anong meron kami ngayon, dadating din siguro kami sa araw na kami na. Yung masasabi kong girlfriend ko sya at ipagmamalaki ko.

GLIMPSEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora