Chapter 17

23 8 0
                                    

DUMATING sila Dina at Angge para sunduin ako. Habang nag aayos ako ng sarili ay tinutulungan naman nila ako na mag hanap ng susuotin.

"Ito kaya?" tanong ni Angge sabay taas ng napakaiksing kulay itim na dress. Inilingan ko ito. "Masyadong maikli."

"This one!" ani Dina sabay taas ng kulay dark blue na strap dress.

"Hindi ba maikli?" tanong ko. Inirapan naman ako nito.

"Sa bar tau pupunta girl. Dapat nga ay hindi ganito ang susuotin mo..." aniya. Inirapan ko rin ito bago kinuha ang dress na hawak niya. Sinukat ko ito at above the knee lang ang haba. Damit ito ni Angge sinabi ko sa kaniyang wala akong susuotin kaya naman nag dala ito. Maiikli nga lang, kagaya ng suot niyang backless spaghetti strap red dress.

Si Dina naman ay naka white top na pinatungan ng black leather jacket at mini skirt.

Nang matapos kami ay sumakay kami agad ng taxi. Nakarating rin kami agad sa bar na sinasabi nila. Pag kapasok namin ay bumungad agad sa akin ang usok ng sigarilyo at lakas ng speaker.

"Doon tayo." sigaw ni Dina sabay turo sa kung saan. Tumango ako. Napatingin ako kay Angge ng mapansing wala na ito. Hinila ko naman si Dina. "Wala na yung isa." sigaw ko para marinig nito. Natawa naman siya.

"Hayaan mo ang isang baliw na 'yon." aniya. Nakarating kami sa VIP seat kung nasan ang mga katrabaho namin. Naupo ako sa tabi ni Frey. Parehas kaming hindi mahilig sa lugar na ito kaya lang ay dapat makisama kami.

"Anong gusto mong drink?" tanong niya.

"Juice lang." sagot ko. Tumango ito at nag tawag ng waiter. Nilibot ko ang tingin at kita ko ang mga taong nag iindakan. Napangiwi ako ng makita ang isang babae at lalaki na nag lalampungan. Umiwas na lang ako ng tingin. Napansin kong wala na rin si Dina. Napairap na lang ako. Mga mahilig mag bar talaga ang dalawang 'yon.

"Lesly, sayaw tayo!" lasing na sigaw ni Tina. Umiling ako. "Kayo na lang..." sagot ko.

Umalis sila sa pwesto namin at pumunta sa dance floor. Kaming dalawa lang ni Frey ang natira.

"Ang ingay naman." reklamo niya. Natawa naman ako sabay inom ng juice.

"Teka, Lesly..." napataas ako ng kilay bago siya tignan.

"Bakit?" tanong ko. Ngumuso siya sa kung saan. "Kanina ka pa tinitignan nung lalaki," aniya. Napatingin naman ako sa sinasabi niya. Nasa second floor ito ng bar. Ang pag kakaalam ko ay mga VIP ang mga naroon.

"Asan?" kuryuso kong tanong.

Tinuro nito kung nasaan at doon ko nakita ang isang lalaki na nakasuot ng kulay itim na polo na tinupi ang manggas hanggang siko. Naka patong ang dalawa nitong siko sa railings habang ang isang kamay ay may hawak na baso na nag lalaman ng alak at ang isa ay may sigarilyo.

Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nito dahil sa magugulong ilaw pero ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng aking puso.

Hindi ko na lamang ito pinansin pero ramdam ko parin ang paninitig nito.

Lumalim ang gabi at lasing na ang mga kasama namin. Napagod na ang nga ito kakasayaw kaya naman nakaupo na lang sila at nag uusap.

"Ah, t-tangina ng lalaking 'yon! Kung kailan ko s-sineryoso tsaka naman niya ako iniwan? Ha!" sigaw ng isa sa mga katrabaho ko. Lasing na ito kaya naman nag sisisigaw na.

"Restroom lang ako." kalabit ko kay Frey. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Dali-dali akong nag tanong sa bouncer kung nasaan ang restroom. Naparami yata ako ng juice kaya naiihi na ako.

Nang mahanap ko ang restroom ay may mga nakakasalubong pa akong mga babae na halos makita na ang kaluluwa sa suot. Alam kong bar ito pero sana naman ay medyo ayusin nila ang suot.

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now