Chapter 15

33 9 11
                                    


NAGPAALAM ako kay aling Nita na uuwi na. Padilim na ang kalangitan. May mga nakakasalubong akong iba, kasama na roon si Kylie kasama ang mga kaibigan nito. Napairap ako sa hangin ng makitang tumatawa ang mga ito habang nakatingin sa akin.

"Balita ko ay may lalaking nag pupunta sa bahay niyan." malakas na boses ni Kylie. Hindi ko ito pinansin at nag patuloy sa pag lalakad. Alam kong ako ang tinutukoy niya.

"Akala mo kung sinong anghel iyon pala nag papatuloy ng lalaki sa loob ng bahay!" wika ng isa sa mga kasama niya.

"Oo nga! Feeling maganda, pokpok pala! Bayarang babae."

Nagngitngit ako sa mga naririnig pero pinapanatili ko ang sarili kong kalmado.

Ang grupo talaga ni Kylie ang kilala rito sa amin bilang mga bully, lalo na sa mga kaedad namin.

Napakaisip bata ng malandi!

Nag tawanan ang mga ito. Nakakarindi!

Nang makauwi ako sa bahay ay wala akong nakitang Van. Nakibit-balikat ako at nagtungo sa kwarto. Naabutan kong umiilaw ang cellphone kong naka-charge.

Nangunot ang noo ko ng makitang unregistered number ito. Sino kaya ito?

Marami na ring missed calls pero walang text na nag sasabi kung sino ito.

Sinagot ko ang tawag at itinapat sa tainga pero nailayo ko rin dahil sa mga sigawan sa kabilang linya.

"Hello?" takang wika ko.

"Cross! Fuck you, man!" rinig kong sigaw. Napagtanto kong boses iyon ni Jacob.

"Jacob?" tanong ko. Nakarinig pa ako ng mga mura sa kabilang linya galing sa kaniya. Napairap ako ng wala sa oras. Mahilig talaga silang mag kakaibigan na mag mura, 'no?

Nakarinig rin ako ng ilang mura galing kay Cross at Larson. Akma kong papatayin ang tawag ng mag salita si Jacob.

"Damn! Lesly, are you still there, babe?" ani Jacob. Napangiwi ako dahil sa tawag niya sa akin.

"Paano mo nalaman ang number ko?"

"I have my ways. Anyway, tumawag ako para ipaalam sayo na nandito ang kapatid mo. It's Van, right?"

"Ano?! Asan ba kayo?" bulalas ko. Napatayo ako ng wala sa oras at handang puntahan ang kapatid ko kung nasaan man. Hinayupak talaga!

"Nasa mansyon kami ni Aker. Currently Acre is on training."

"Diyan ang training ground ni Acre?"

"Supposedly."

"Pero paano nalaman ni Van na diyan ang training ni Acre?" napatampal ako ng noo dahil naalala ko palang malapit ang kapatid ko kay Acre kaya siguradong alam ni Van kung saan mag te-training si Acre.

Narinig kong gumulo sa kabilang linya.

"Ate? Hello!" rinig kong boses ni Van. Halatang hinihingal ito. Wag mong sabihing nag training rin ang isang ito?

"Diba ang sabi ko sayo wag kang pupunta?!"

"Sorry. Wala rin naman kasi akong gagawin diyan sa bahay at isa pa hindi naman ako nakakaabala dito."

"Malilintikan ka talaga sa akin! Umuwi kana! Wag mong hintaying sunduin pa kita diyan."

Napabuntong hininga ito. Gumulong muli sa kabilang linya at boses na ni Jacob ang narinig ko.

"Ako na ang mag hahatid sa kaniya pauwi."

Napatango ako.

"Sige, salamat."

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now