Chapter 13

55 19 7
                                    


NANG hiwalayan niya ang labi ko ay tsaka ako lumanghap ng hangin. Nagkatitigan kami. Ako rin ang unang umiwas at tumayo.

Inayos ko ang nagulo kong damit at buhok.

Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim na.

"It's late. Ihahatid na kita." tinignan niya ang relong pambisig bago tumayo at hinawakan ang braso ko.

"Liligpitin ko muna ito." patukoy ko sa mga platong nasa mesa.

Iwas na iwas ako sa kaniya. Namumula parin ako dahil sa nangyari!

Nag simula akong magligpit at ipinunta sa lababo para mahugasan. Walang ibang kasambahay rito kaya walang gagawa ng hugasin kundi ako lang.

Nilingon ko si Acre. Naabutan ko siyang nagsisindi ng sigarilyo sa tabi ko. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napangiwi ako ng malanghap ang usok. Napaubo ako at napatakip ng ilong.

Binalingan ko siya. "Pwede bang sa labas ka na lang manigarilyo?"

Hindi siya nakinig kaya nakibit-balikat ako. Nang matapos ako sa ginagawa ay tumingin ako sa kaniya para mag paalam.

"Ihahatid kita." seryosong wika niya ng magtama ang aming paningin.

"Kaya ko namang umuwing mag-isa." wika ko at nag lakad palabas.

Sumunod siya sa akin at nang balingan ko ay tinapakan niya ang sigarilyo at may nilabas na candy bago ito sinubo.

Bumuntong hininga ito. "Sakay."

Halos mapairap ako dahil akala mo kung sino siyang makapag utos.

"Wala kang trabaho bukas,"

"Bakit wala? Wala kang kasama sa mansyon." hindi siya nag salita. Ako ang pinaiwan sa mansyon para may mautusan siya tapos heto siya at sasabihing wala akong trabaho?

"Wala ako bukas." simpleng sagot niya bago mag-over take. Napahawak ako sa seatbelt dahil ang bilis niyang mag maneho.

Saan naman kaya siya pupunta bukas?

Nag tama ang tingin namin sa rear view mirror, "Training." wika niya na tila ba nabasa ang nasa isip ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa pag tataka. Ang alam ko ay sa japan siya mag te-training?

"Light training. Dito muna ako pansamantalang mag eensayo dahil hindi pa ako makakabalik ng Japan." paliwanag niya.

Napatango ako. Kung ganoon ay tatagal pa siya rito? Napaiwas ako ng mukha at pilit na inaalis ang sayang nadarama.

"So, kailan ka makababalik ng Japan?" tanong ko habang nakatingin sakaniya.

Ang sabi niya kanina ay babalik siyang Japan pero hindi niya sinabi kung kelan kaya naman mag te-training siya rito pansamantala.

He groaned because of my question, "Why are you damn asking that? Ayaw mo ba akong makasama?"

Halos hampasin ko siya sa mukha. Nag tatanong lang ako ay may ibang meaning na naman sa kaniya.

"Nag tatanong lang!" Inis kong wika na ikinalingon niya sa akin.

"Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik." buntong hiningang aniya.

Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.

Tumango ako at naalala ko iyong tungkol kagabi kay Kaizer.

"Uhmm, yung tungkol kay Kaizer, hindi ko sinasadya 'yong nasabi ko. Hindi ko naman sinasabi na hindi mo siya kayang talunin," yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri.

I love you, Mr. KickboxerOn viuen les histories. Descobreix ara