Chapter 9

57 29 1
                                    

DALAWANG linggo na nang mamasukan ako bilang katulong. Masasabi kong ayos naman dahil sa mababait ang mga kasama ko.

"Saan po ito ilalagay, Manang?" tanong ko habang buhat-buhat ang isang kahon. Nililinisan namin ang isang kwarto rito sa mansyon. Darating daw kasi ang kapatid ng amo namin.

"Sa bodega na lang, hija." ani Manang Fey. Tumango ako at nag tungo sa likod ng mansyon.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nakita ko si Ethan na nag puputol ng mga damo.

Napansin niya yatang may nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya ng makita ako at tumayo. Nakasuot ito ng itim na sando at shorts. Pawisan rin ito na siyang nag papakintab sa biceps niya!

"Tulungan na kita." hindi ko napansin ang pag lapit niya dahil naka focus ako sa biceps niya.

Umiling ako. "Hindi na, kaya ko naman."

Tumango siya at ngumiti. Pinunasan nito ang noo gamit ang likod ng kamay.

"Pasensya na. Amoy pawis ako." natawa siya ng bahagya. Bahagyang namumula ang bandang dibdib nito dahil siguro sa pagod.

Kahit amoy pawis at magulo ang buhok ay hindi naman ito nakabawas sa kagwapuhan niya.

"Gwapo ko ba?" pabirong aniya sabay kindat.

Umiling ako na ikinanguso niya.

"Pangit mo ka-bonding."

Natawa ako at hinampas siya sa braso. Tigas.

"Sige, ilalagay ko na muna ito sa bodega." paalam ko. Tumango siya habang nakatitig sa akin.

Tumalikod ako at nag simulang mag lakad. Ano bang mga tingin 'yon? Nakakatunaw pero mas nakakatunaw kapag ang seryoso at kulay abong mata na ang nakatitig sa akin.

Bumalik agad ako sa loob. Nag mamadali na kami sa pag aayos. Si manang naman ay nag luluto na rin ng hapunan.

"Ano na kayang itsura ni Miss Klarisse? Siguro ay mas gumanda siya." komento ni Ate Isha.

"Miss Klarisse?" takang tanong ko at nag punas ng bintana. Klarisse siguro ang pangalan ng kapatid ng amo namin. Akala ko ay lalaki ang kapatid nito pero babae pala.

"Siya ang kapatid na panganay ng amo natin."

Hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala ang amo namin. Maging ang kambal ay hindi pa rin nakikita ang mukha ng amo namin maliban na lamang kay Mang Silmo at Manang Fey dahil matagal na sila rito. Si Ethan rin ay ganoon, hindi pa nakikita si Sir.

Lalaki ang amo namin at mga nasa thirties raw ang taon nito.

"Twice a month kung dumalaw si Miss Klarisse, mabait siya at napakaganda. Nakakahiya ngang lumapit sa kaniya dahil nag mumukha lang akong basahan." napahagikhik si Ate Isha.

"True ka dyan, sis. Feeling ko nga rin kapag tumitingin siya sa akin ay para akong nawawala sa sarili ko." ani Ate Rish.

Nag patuloy kami sa pag aayos hanggang sa marinig namin ang busina ng sasakyan sa labas.

Bumaba kami at nag tungo sa sala. Doon ko nakita ang babaeng makinis ang balat na kakapasok lamang.

"Manang Fey!" tili niya nang pumasok siya ng mansyon. Lumapit agad ito kay manang at yumakap.

Ang ganda niya! Simpleng off-shoulder dress ang suot niya pero ang lakas ng dating. Maalon rin ang hanggang bewang nitong buhok.

"I miss you, Manang." natawa si manang sa inani ng babae.

"Naku! Miss rin kita, hija."

Nag batian pa ang dalawa at ilang saglit ay binalingan na kami nito.

Ngumiti siya sa amin at natigil sa akin ang tingin. Bago pa siya makapag tanong ay nag salita na si Manang.

I love you, Mr. Kickboxerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें