Chapter 7

79 30 0
                                    

SINUNDAN ko siya at naabutan kong kausap niya si Van. Nag paalam ito sa aking kapatid.

Hindi muna ako lumapit at ng lumabas siya ay saka ako sumunod.

Bat ba ang lalaki ng mga biyas ng lalaking 'to?!

Naguguluhan parin ako at tila may nakabara sa lalamunan ko. Hindi nag sisink-in sa akin ang sinabi niya.

Siya ang pinag kakautangan ni Papa noon? Ibig bang sabihin ay may kinalaman siya sa pag patay kay Papa?

Malakas ang tibok ng puso ko.

Naabutan ko siya ng akma niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan.

"Naguguluhan ako!" Inis kong sabi. Hindi ko talaga alam kung anong ibig niyang sabihin. Marami akong gustong itanong.

"G-gusto kong malaman kung paano nangyari ito? Ikaw ba ang pinagkakautangang tao ni Papa a-at may kinalaman ka rin sa pag kamatay niya?!" namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

Hindi siya nag salita. Ito ang nakakainis sa kaniya, hindi siya umiimik kapag importante ang pinaguusapan.

Napailing ito habang nakatingin sa akin.

"Wala akong kinalaman sa kung ano mang meron sa Ama mo. May utang si Sandoval sa akin at hindi niya nabayaran kaya naman ikaw ang magiging kabayaran." huminga ito ng malalim at hinaplos ang aking pisngi. Napaatras ako.

Kung ganoon ay wala talaga siyang kinalaman? Nanlumo ako ng mapagtanto ang sinabi niya. Ako ang kabayaran sa utang ng Papa ko?

Tinitigan ko ito.

"M-mag kano ang utang ni Papa sa iyo at babayaran ko. Gagawa ako ng paraan. Wag mo lang akong guluhin."

"I'm stick on my mind, Delany. Ikaw ang magiging bayad."

Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at pumasok. Nakababa ang bintana kaya kita ko parin ang seryoso niyang mukha.

Kita ko ang pag igting ng panga niya at pag salubong ng kilay.

"H-hindi. Babayaran kita, kaya sabihin mo kung mag kano."

Mararahas ang pag hinga niya. Tila nag titimpi.

"Ten million, I'll give you eight months to pay, but if you don't, you'll be my girlfriend."

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi na niya ako binigyan pa ng pag kakataong makapag salita at pinaharurot na ang sasakyan.

Napasandal ako sa aming pinto at huminga nang malalim.

Ten million ang utang sa kaniya ni Papa? Pero asan ang perang 'yon? Kung nangutang si Papa ng ganoong kalaking pera ay nasaan na' yon?

Wala akong natatandaan na bumili ng kahit na anong mahal na gamit sa amin si Papa. Wala siyang biniling sasakyan o house and lot man lang kaya saan niya dinala ang ten million na inutang niya?

Naguguluhan ako. May hindi ba sinasabi si Papa sa amin?

Napahilamos ako ng mukha. Grr! Ang gulo ng utak ko.

Napaupo ako sa sahig at parang baliw na nakahawak sa ulo. Shet!

Paano ako makakabayad kay Acre ng sampong milyon?! Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera?

Kahit pagurin ko sa pag tatrabaho ang sarili ko ng buong limang taon o higit pa ay hindi ako makakapag-ipon ng milyon!

Pero hindi rin naman ako makakapayag na basta na lamang mag desisyon ang lalaking 'yon. Ako ang gagawin niyang kabayaran sa utang ni Papa at, ano, aangkinin niya ako na akala mo ay pag-aari niya?!

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now