Chapter 5

75 34 5
                                    


KINAUMAGAHAN ay maaga kaming lumabas sa kaniya-kaniya naming hotel room. Nag almusal kami at napagdesisyunang sumakay sa mga rides, katulad ng jetski, banana boat, at iba pa.

Umiling lang ako sa kanila. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganoon at hindi rin ako marunong lumangoy.

Baka malunod pa ang magandang ako pag nag kataon.

Hindi naman gaano kainit kaya G na G sila at hindi nag papigil na pinangungunahan ni Dualencio.

Narito naman ako sa tapat ng puno ng buko. Malilim rito at may kawayang mesa at upuan.

Nakaupo lamang ako at tinatanaw silang nagtatawanan.

"Why don't you join them?" napabaling ako sa nag tanong. Bumungad sa akin ang mga abs este ang matangkad at gwapong lalaki. Hindi ko ito kilala at mukhang isa siya sa kaibigan ni Rhea.

Wala siyang suot na pang itaas at tanging khaki shorts lang ang suot. Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakangiti siya at may suot na shades. Ang hot niya.

I heard him chuckled. Namula ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Bwesit! Pati ba naman pag tawa niya ang sexy.

"Wanna touch them?" tanong niya patukoy sa abs. Hindi ko siya pinansin. Ang landi naman ng lalaking ito! Inabala ko ang sarili sa pag tingin kila Dina.

Nasa banana boat sila kasama ang iba. Bahagya akong natawa ng makita kung paano yumakap si Dina sa lalaking nasa harap niya. Dahil sa ginawa niyang yun ay nahulog silang dalawa ng lalaki sa tubig. Pfft.

Ang landi kasi!

Naramdaman kong umupo ang lalaki sa tapat ko.

"Kaibigan ka ni Rhea?" tanong ng lalaki.

Sino ba siya?

Binalingan ko siya. Wala na ang suot nitong salamin at doon ko napagmasdan ang kulay berde nitong mga mata. Grabe!

"Totoo ba yan?" hindi ko mapigilang itanong. Malay ko baka contact lense lang.

Umiling siya at dumukwang kaya naman napalayo ako. Kinunutan ko siya ng noo.

"They're real." nailang ako bigla sa klase ng pag titig niya.

Alanganin akong ngumiti at pinanatili ang kunot na noo.

"I'm Cross San Diego. And you are?" inabot nito ang kamay habang nag hihintay sa sagot ko.

Ngayon ko rin napansin na may tattoo pala ito sa kaliwang braso na papataas sa gilid ng leeg. Hindi maduming tignan ang tattoo sa kaniya kundi mas nakakadagdag pa ito ng appeal.

Kahit nag aalangan dahil hindi ko naman siya kilala ay inabot ko ang kaniyang kamay.

"Lesly Sandoval." pakilala ko at akmang kukunin ang kamay ko pero hindi niya pinakawalan. Sinamaan ko siya ng tingin ng dalhin pa niya ang aking kamay sa kaniyang labi at hinalikan 'yon. Alam kong gwapo siya pero hindi pa rin ako sanay na mahalikan ng kung sino.

Except kay Acre. Kilala ko naman na siya not totally pero pwede narin  niya akong halikan. Pero biro lang.

Swerte naman ng lalaking 'yon!

"Nice to meet you, Delany." sabi niya at Tumayo. Tumalikod ito at nag umpisang mag lakad.

Delany? Hindi ko naman binanggit ang second name ko? Pano niya alam?

Akma kong tatanungin sa kaniya kung paano niya alam ang second name ko pero natuon ang atensyon ko sa tattoo na nasa likod niya. Sakop 'non ang buong likod niya.

Isa itong illusions ng agila at roman numeral II.

Sa sobrang pag hanga ko sa tattoo niya ay hindi ko namalayan na wala na siya.

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now