Chapter 3

90 36 3
                                    

"ANO yan?!" naitulak ko ang lalaki ng lumabas si Van sa silid.

Naka ayos ang kapatid ko at may hawak na folder.

"Ano yan?" tanong muli nito at lumapit sa amin.

Tinignan ko ng masama ang kaharap ko. Tinanggal ko ang braso nitong nakapulupot sa aking bewang.

Tinignan niya muna ako saglit bago bumaling sa kapatid ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Van at ngumisi. Mukhang kilala niya ang lalaki.

"Whoa! Ikaw pala yan, bayaw." aniya na tila natutuwa pa sa lalaking narito sa aming tahanan.

At teka, bakit bayaw ang tawag ng hinayupak kong kapatid sa lalaking 'to?!

"Makabayaw ka naman riyan. Kala mo mag kakilala kayo." sarkastikong sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin nito sabay ngisi.

Hinila nito ang braso ng lalaki at humarap sa akin. Bagot lamang akong nakatingin sa kanila.

"Siya si kuya Acre o Aker, ate. At siya ang pyutyur hasband mo." nagningning ang mga mata nito habang sinasabi iyon na tila kinikilig pa. Bumaling siya kay Acre at kumindat rito natawa naman sa kaniya ang lalaki.

Anong future husband ang sinasabi ng Van na' to? Pero maganda rin naman ako pati na rin si Acre bagay nga kami. Baka siya na nga ang future ko, hihihi.

Hinila ko ang kapatid ko at pasimpleng kinurot sa tagiliran. Napaungot siya at lumayo sa akin.

"Ang baho mo!" aniya.

Mag sasalita pa ako nang makipag high five ito kay Acre bago umalis.

Naninibago ako sa kapatid ko. Ngayon ko na lang kasi ito muling nakitang makulit at may ngising aso sa labi sa loob ng tatlong buwan.

Tumikhim ang lalaking nasa harap ko kaya napabaling ako sa kaniya.

Seryoso na ang mukha niya ngayon.

"Wanna fuck?" tanong ulit niya.

Kinunutan ko siya ng noo. Anong fuck ang sinasabi ng isang 'to? Pakpakin ko kaya siya ng martilyo?

Naningkit ang medyo singit nitong mga mata tila nanantya kung naintindihan ko ba ang sinabi niya.

"Umalis ka na nga rito! Ay sandali, paano mo nakilala ang kapatid ko?" lumapit ako sa may pinto at binuksan ito.

"Because he is my bayaw." naguluhan ako sa sagot niya. Anong bayaw? Nang gagagu ba 'to?

"Anong bayaw ka dyan?" singhal ko na sa kaniya.

Nakibit-balikat siya. Nag lakad siya patunvo sa pinto pero bago pa tuluyang makalabas ay tumigil ito saglit at tumingin sa akin. Ngumisi siya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng hilain nito ang braso ko bago yumuko at inamoy ang leeg ko. Ilang sandali pa'y nakaramdam ako ng isang malambot na dampi sa aking balat na siyang nag bigay init sa aking katawan.

"You smell so good, Delany." husky na sabi nito bago umalis.

Ilang segundo akong tulala at hinawakan ang aking leeg.

H-hinalikan ba niya ako sa leeg ko?!

Nag madali akong tumungo sa salamin at pinakatitigan ang aking leeg at doon nanlaki ang mga mata ko ng makita ang hickey roon.

"Ate, tara na sa school!" napabaling ako kay Van ng makitang nakangising aso siya habang nakaupo sa sofa. May hawak siyang paper bag.

"Ano yan?" tanong ko. Sinikop ko ang aking buhok at inilipat ito sa kanang bahagi ng aking balikat para hindi mahalata ang ginawa sa akin ni Acre.

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now